Part 20

1496 Words
Kinabukasan habang nasa opisina si Aldo ay tinawagan niya si Cassie, sinabi niyang puntahan siya nito sa opisina after office hours, may sasabihin raw siya, nakahanda na siyang sabihin kay Cassie ang lahat ng katotohanan, nagtataka man ay sumang ayon naman si Cassie, sinundo siya ni Mang Nestor para ihatid siya kay Aldo, pag dating niya dun ay wala nang tao, dumiretso siya sa opisina ni Aldo, wala ito sa loob pero nakabukas ang laptop nito, lumapit siya sa may mesa nang may mapansin siya sa screen ng laptop ni Aldo, mga pictures ito ni Sam at Phil na may kasamang magandang babae, marahil ay ito si Rina naisip niya, tiningnan niya ang mga pictures, naupo siya sa upuan ni Aldo, pag balik ni Aldo sa opisina ay andun na si Cassie at may tinitingnan sa laptop niya, nagulat siya nang pumasok si Aldo sa pinto, bigla siyang napatayo "Mahal pasensiya na, tiningnan ko lang ang mga pictures" wika nito Lumapit si Aldo sa kanya at muli siyang inuupo nito sa upuan "Mahal yang kasama ni Sam at Phil, siya si Rina" "Maganda siya Mahal" "Oo maganda nga siya Mahal" Napatingin si Cassie sa kanya "Mahal may problema ba? Bakit dito mo ako pinapunta?" Hinawakan ni Aldo sa kamay si Cassie, inalalayan niya ito papunta sa may sofa sa loob ng opisina niya, pag upo ni Cassie ay umupo rin siya sa tabi pero hindi niya binibitawan ang mga kamay nito "Mahal may gusto akong sabihin sa yo, sana wag sasama ang loob mo at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita" "Ano yun?" kinakabahang tanong ni Cassie "Mahal, si Rina, ang ina nila Sam at Phil, hindi pa siya patay, nasa America siya" "Huh? Mahal, paanong nangyari?" nalilitong tanong niya "Mahal, mahigit isang taon nun si Sam at Phil nang iwan kami ni Rina, umalis siya at pumunta sa US nang walang paalam, nagkausap lang kami nung nandun na siya sa pamamagitan lang ng video call, nakiusap akong bumalik siya pero ayaw niya na raw, hindi na raw siya masaya sa akin, kahit na lang sana sa mga bata pero ayaw talaga niya, kaya nagdesisyon akong palabasin na patay na siya, dahil na rin sa sama ng loob ko sa kanya, kung ayaw niya sa amin bahala siya, nang magsimula akong magtrabaho dito sa opisina ay pinalabas ko nang biyudo ako, tanging ako, pamilya ko, pamilya ni Rina, si Natalie at si Manang Rosa ang nakakaalam ng katotohanan, wala na ring nagawa ang pamilya ni Rina sa decision ko, kaya pati mga bata ay hindi rin sila kilala" "Ibig sabihin kasal ka pa?" binawi ni Cassie ang kamay kay Aldo at tumayo patalikod dito "Mahal, patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sayo" ani ni Aldo, tumayo siya sa likod ni Cassie at hinawakan ito sa magkabilang balikat "Anong papel ko ngayon sa buhay mo Aldo? Kabit?" humarap si Cassie Hinawakan siya ni Aldo sa magkabilang pisngi "Hindi..." niyakap niya ito pero hindi ito gumanti ng yakap sa kanya, nanatiling nakababa ang mga kamay nito "Ikaw ang mahal ko, ikaw ang buhay ko" kumalas si Cassie sa pagkakayakap ni Aldo "Hindi ko alam Aldo, nagsinungaling ka sa akin, all this time akala ko kasal na lang ang kulang sa atin, at umasa akong one day ikakasal tayo, binigay ko ang lahat Aldo, pero niloko mo ako" umiiyak na sabi nito "Mahal patawarin mo ako, sasabihin ko naman talaga sa iyo, humahanap lang talaga ako ng tamang panahon" "Hindi ko alam Aldo...minahal mo ba talaga ako Aldo?" tanong nito "Mahal kita sinabi ko naman sayo diba? Maniwala ka naman please" Umupo si Cassie sa isang upuan malapit sa sofa, si Aldo naman ay sa sofa nakaupo, hindi sila nag uusap, walang kibuan, ilang sandali pa ay tumayo na si Cassie papunta sa pinto, hinawakan siya ni Aldo sa kamay pero binawi niya ito "Mauuna na ako Aldo" at lumabas na nga ito, wala nang nagawa si Aldo, napaupo ulit siya sa sofa, sapo sapo ang ulo niya, hindi niya alam ang gagawin. Pumunta si Cassie sa isang simbahan at duon ay umiyak siya ng umiyak, sobrang sama ng loob niya, naisip niya ano ang laban niya kay Rina, at kasal pa ito kay Aldo, pakiramdam niya ay mawawala na sa kanya ang lahat, ang mga bata lalo na si Aldo, kung ano ano na ang pumapasok sa isip niya, kailangan niyang ikalma ang sarili, nag stay lang siya sa simbahan, hanggang sa magsara ito. Sa halip na umuwi ay nagpunta siya sa isang 24 hours Fast Food Chain at umorder ng pagkain, pumwesto sa sulok pero hindi naman kumain, ayaw niyang umuwi, hindi niya alam kung paano haharapin si Aldo. Si Aldo naman ay nakauwi na sa bahay pero wala si Cassie, sinabi niya kay Manang ang nangyari, nag aalala na rin siya dahil halos madaling araw na ay wala pa rin si Cassie, habang nakaupo siya sa sofa ay nilapitan siya Manang Rosa "Aldo, magpahinga ka na" ani nito "Manang wala pa siya. Nag aalala na ako sa kanya" maluha luhang sabi ni Aldo "Wala naman sigurong masamang nangyarin dun, baka nagpapalipas lang ng sama ng loob", nang biglang bumukas ang pinto, napatayo si Aldo sa sofa "Cassie" lumingon si Cassie sa kanya, pero hindi nagsalita "Cassie iha" lumapit si Manang Rosa sa kanya, pero hindi rin sumagot si Cassie "Kumain ka na ba?" tanong nito "Opo, magpapahinga na ako" at naglakad na papuntang hagdan paakyat sa kwarto, hindi siya lumingon, susundan na sana siya ni Aldo pero tinawag ito ni Manang Rosa "Aldo iho" lumingon naman ito sa kanya "Pabayaan mo kaya muna siya nang makapag isip isip rin siya" tumango lang si Aldo "Magpahinga ka na, andito na siya" Umakyat na si Aldo, pumunta siya sa kwarto ni Cassie pero nakalock yun, ibig sabihin ay ayaw nito ng kausap, hindi na siya kumatok, sa halip ay pumasok na lang siya sa kwarto niya. Hindi na niya alam ang gagawin, lalo na kung mawawala si Cassie sa kanya. Hindi rin nakatulog si Cassie, bumaba siya at nagpunta sa pool side, ganun rin si Aldo, bumaba lang siya para sana uminom ng tubig pero nakita niya si Cassie na nakaupo sa may pool side, nakatingin lang sa tubig habang nilalaro laro ang mga paa nito, lumapit siya dito at tumabi, inaasahan na niya na aalis ito pero hindi yun ginawa ni Cassie, hindi ito umalis pero hindi rin siya kinikibo nito. "Cassie Mahal" ani ni Aldo habang nakatingin kay Cassie, tumingin ito sa kanya na may luha sa mga mata "Sorry, patawarin mo ako, hindi ko sinasadya na maglihim sayo" hinawakan siya ni Cassie sa pisngi, umusod siya para makalapit dito at niyakap, yumakap din si Cassie sa kanya, umiyak na rin si Aldo, "Mahal na mahal kita, sorry" ani nito "Mahal din kita, nasaktan ako sa paglilihim mo pero mahal pa rin kita" humarap si Aldo sa kanya at hinalikan siya sa labi, gumanti naman ng halik si Cassie habang magkayakap sila. "Promise me wala nang lihiman please" ani pa nito "Wala na Mahal" hinawakan niya ang mga kamay nito at hinalikan "Mahal may sasabihin pa ako sayo" "Ano nanaman yun?" "Mahal, kinontak ko ulit si Rina, last October or November, magpafile ako ng annulment at kailangan sumang ayon at pumirma siya dun, at ngayon sabi niya uuwi siya ng Pilipinas" "Tapos?" "Kailangan muna naming mag-usap kung ano ang mapagkakasunduan namin, iniisip ko lang mga bata Mahal, kailangan na rin nilang malaman ang tungkol kay Rina" "Mahal, wag kang mag alala tutulungan kita, sabay nating haharapin to" nakangiti niyang sagot, niyakap siya ni Aldo "Salamat Mahal, mahal na mahal kita" nanatili silang magkayakap, maya maya "Mahal akyat na tayo giniginaw na ako" sabi ni Aldo, humiwalay na si Cassie sa yakap ni Aldo "Sige Mahal akyat na tayo, maginaw na nga" nauna nang tumayo si Aldo at inalalayan niya si Cassie, naglakad na sila nang magkaakbay papunta sa loob ng bahay "Mahal, dun ako matutulog sa kwarto mo ahh" ani ni Aldo habang paakyat sila sa hagdan "Ayoko nga" nangingiting sagot ni Cassie "Sige na please" lambing nito, nasa may gitna sila na bahagi ng hagdan "Uy mahulog tayo baliw ka talaga" bigla siyang binuhat ni Aldo habang paakyat sa kwarto, pagtapat sa kwarto niya "Ibaba mo na ako" "Buksan mo na yang pinto" "Ibaba mo na kasi ako" "Dyan ako matutulog ehh" lumalaki pa ang matang sabi nito "Ayoko nga bahala ka" natatawa niyang sagot "Lalakihan mo pa ako ng mata ahh" "Oh di sige dun tayo sa kwarto ko" "Ayyy sige na, bubuksan ko na" pagbukas niya ng pinto ay saka siya binaba ni Aldo, tumakbo siya sa kama at nilock ni Aldo ang pinto, pumunta na rin si Aldo sa tabi niya at yumakap sa kanya, ipinatong ang hita sa mga hita niya at hinapit siya ng yakap, humarap naman si Cassie si Aldo, hinalikan naman siya ni Aldo sa labi at muli nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD