Kinaumagahan ay nagtaka ang kambal kung bakit wala pa ang mommy at daddy nila sa dining, naupo sila at naghintay, maya maya ay tumayo si Phil at aktong aalis, nakita siya ni Manang Rosa "Phil, saan ka pupunta?" "Puntahan ko po sila Mommy at Daddy" "Phil, Sam, wag niyo na muna istorbohin si Mommy at Daddy niyo, puyat kasi sila" "Manang paano niyo po nalaman? Binantayan niyo ba sila?" nangingiting tanong ni Yaya Ruth "Heh! Naririnig ka ng mga bata" sita ni Manang "Ay sorry po" "Pakainin niyo na ang mga bata" "Ihahatid kaya tayo sa school ni Mommy?" tanong ni Sam kay Phil "Hindi ko alam, puyat daw sila sabi ni Manang baka hindi tayo ihahatid" "Namimiss ko na si Mommy" "Ako rin" at kumain na nga ang kambal, narinig ni Manang ang usapan ng mga ito, naisip niya na sana nga ay maging o

