CHAPTER 6 - Pag-aalay at Pagkamatay

1193 Words
Pag-aalay at Pagkamatay NAGKAKAPE sina Reden at Caloy. Nakaupo ang mga ito sa isang upuan na nakatali sa isang puno ng mangga. Papasikat ang araw, pareho silang nakatingala at dun nakatingin. Napakasarap ng simoy ng hangin. Kung sa ganitong lugar titira ang kanilang lola ay tiyak na lulusog ang katawan. Tahimik at ang paligid ay luntian. Pareho ng iniisip ang dalawang binata. Mayamaya ay nagsalita si Reden, "Ano'ng pasya mo? Sasama ba tayo kay Gorio mamaya?" Nilagok muna ni Caloy ang hinigop na kape bago nagsalita, "Totoo kaya yun? Baka ginugudtaym lang tayo ni Gorio?" "Hindi naman siguro. May pruweba siya, o," sagot ni Reden sabay nguso sa kinaroroonan ng bagong kasal na masayang naghaharutan habang nagkakape. Tumingin din do'n si Caloy. "Kunsabagay. Kaya lang sa napanood ko kaluluwa ang kapalit ng mga ganyang deal!" Natawa si Reden, paano kasi kanina, baka di totoo ngayon, may kaluluwa pa itong sinasabi. Natawa rin si Caloy sa sarili. KABILUGAN NG BUWAN. Tatlong anino ang pumasok sa gubat. Wala namang mawawala kung susubukan nila kaya sumama sila kay Gorio. Matapos ang ilang diretso, kanan at kaliwang direksyon ay narating na nila ang pakay. Isang napakalaking puno nga ng avocado ang nasa harap nila. Nagkatinginan sina Reden at Caloy. Totoo nga ata ang sinasabi ni Gorio. Gaya ng instruction na sinabi nito, inilagay na nila ang kanilang alay. Prutas ang alay ni Reden kasama ng sandong pinaghubaran kanina. Bulaklak ang alay ni Caloy kasama ang panyong ginamit din kanina. Pagkatapos ay taimtim na silang humiling. Bago bumyahe pauwi ay binilinan sila ni Gorio. Pagkaraan ng tatlong araw ay babalik sila sa puno para tignan kung tinanggap ang alay nila. Hinatid na sila ng kotse pauwi. Hindi nila pinag usapan ang tungkol sa puno habang bumibyahe, bilin kasi ni Gorio na walang dapat makaalam ng sikreto nila. Baka daw dumugin ng mga tao ang gubat at mawala ang kapangyarihan ng puno. Pinagmasdan lang nila ang ganda ng lugar na nadadaanan hanggang pareho silang makatulog. Sinalubong sila ni Loj Masyang nang makita silang padating. Marami silang pasalubong sa matanda. Pumili ng pinakamagandang istoryang isinulat si Reden, 'yung paborito ng lola nila. Love story iyon na hango sa kwento ng buhay pag-ibig ng mag asawa. Gusto rin iyon ni Caloy. Hindi pa kasi tapos ang isinusulat ni Caloy kaya si Reden lang muna ang nagdala sa publishing company na nag-reject ng gawa niya dati. Nag focus naman si Caloy sa isinusulat niya para makahabol. Susubukan nila kung magkakatotoo nga ang hiling nila. Nasa trabaho ang dalawa nang ipatawag sila ng manager. Nasa ospital daw ang lola nila. Bumagsak ito sa palengke. Hindi sila pwedeng sabay umalis dahil madaming kostumer. Isa lang ang pwedeng mag-out nang maaga. Nag-usap ang dalawa, si Caloy ang umuwi. Pagkatapos ng duty ay dumiretso na si Reden sa ospital. Itinext ni Caloy ang ward at floor ng agwela. Mild stroke, dahil sa edad ng matanda ay di na maiiwasan ang ilan pang komplikasyon kaya mananatili pa ito ng ilang araw sa ospital. Dahil kababata ang manager ng pinapasukan ay nagawan ng paraan na makapagpalit ng shift sa ibang kasama ang dalawa. Kapag pauwi si Reden ay papasok naman si Caloy. Ang ospital ang naging pangalawang tirahan ng tatlo. Halos dalawang linggo namalagi sa ospital si Lola Masyang, pero halos wala silang binayaran dahil may sss ito bukod pa sa senior at philhealth. Gamot at pagkain ang talagang ginastusan nila. Nakalabas na sila ng ospital. Diniretso na nila Reden at Caloy ang iskedyul na ginawa nila sa ospital. Hindi na dapat maulit ang nangyari sa kanilang lola. Gusto nilang pareho na may kasama ito kahit anong oras. Matigas pa naman ang ulo nito. Kahit wala ng dapat gawin sa bahay ay kilos pa rin ito ng kilos. Kapag naglaba si Reden ay isinasabay na nito ang damit ng lola, ganun din si Caloy. Wala naman masyadong kalat kaya madali lang maglinis. Ayaw lang pumayag ng lola nila na sila ang magluto. Mawawalan na raw kasi ito ng silbi pag gano'n kaya pumayag sila. Maganda na ang kulay ni Lola Masyang. Mabilis na naman itong kumilos. Sabay ang hiniling na day off ng dalawang binata para nakapagsasama-sama sila. Kapag kumpleto ang mga apo ay mas masigla si Lola Masyang. May regular check-up ang matanda at kumpleto ang maintenance na regular na iniinom. Minsan ay nandaya pa ito sa pag-inom ng gamot, pero hindi ito nakalusot sa mga apo. May malaking kartong listahan ng oras ang nakasabit sa dingding. Dati ay nilalagyan lang ni Reden o ni Caloy ng check ang listahan pero 'di pa nakakainom ay chinekan na ito ni Lola Masyang. Hindi sana ito mapapansin kung pang oras na yun lang ang chinekan ng matanda, kaso pati ung kasunod na oras na hindi pa sumasapit ay nilagyan din nito ng check, ayun buko siya. Kaya may pirma pa ng apo ang listahan ng bawat inom nya. Natutuwang tinitignan ni Lola Masyang ang mga lumang litrato nina Reden at Caloy. Kuha ito nung mga bata pa ang dalawa. Naluha siya. Ang dalawang batang inalagaan niya noon ay mga binata na ngayon. At siyang nag aalaga sa kanya. Napaka swerte niya. Mamatay man anumang oras ay kuntento na siya. Nasa gano'ng ayos ang matanda nang mapasukan nina Reden at Caloy. Nakitingin din ang mga ito, at nagka-kantyawan twing titingin sa litrato. Natulog na ang mag lolola., Pang umaga si Reden kaya mas maaga siyang tumayo. Nag aalmusal na siya nang magising si Caloy, panghapon ito. "Gisingin mo na ang lola, Caloy at nang sabay-sabay na tayong kumain." Sumunod si Caloy. Saglit lang ay... "LOLA!" Nabitawan ni Reden ang tasang hawak. Inilang hakbang lang nito ang tulugan ng lola nila. Hindi na humihinga ang matanda. Kahit mga lalaki ay nag iyakan ng malakas ang dalawa. Sa chapel ng simbahan ibinurol si Masyang. Parang natutulog lang ang kanilang lola sa loob ng ataul. Tingin nila ay nakangiti pa ito. Nasa burol ang nobya ni Caloy. Nag aasikaso ito ng mga bisita. Nang maospital si Lola Masyang ay wala rin itong palya sa pagdalaw. Ito ang naglilinis at nagbibihis sa kanilang lola. Inilagay ang mga labi ni Lola Masyang sa puntod ng asawa. Madalas na nakaupo dito si Reden, tahimik na umiiyak. Matapang si Reden kung away ang pag uusapan, pero pagdating sa lola nila ay para itong bata. Awang-awa si Caloy sa kaibigan na kapatid. Siya man ay nalulungkot din, may nobya nga lang siya na natatakbuhan. Si Reden ay wala. Ilang buwan pa ang nakalipas at naka move on na ang dalawang binata sa pagkawala ng lola. Nawala man ang lola nila ay parang kasama rin nila kapag nakaupo sila sa puntod nito. Bumalik din ang sigla ng dalawa. May iniabot na telegrama kay Caloy ang bagong tagalinis ng sementeryo. Binasa niya kung para kanino, para kay Reden. Tinignan niya kung kanino galing. Nanlaki ang mga mata niya. Ito ang publishing company na pinagdalhan ni Reden ng manuscript. Tuwang-tuwa si Caloy, pinagre report kasi si Reden sa lalong madaling panahon. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Natanggap ang istorya nito. Di siya nakatiis kaya nagtext agad siya kay Reden. Hindi man makareply ay tiyak na mababasa nito ang magandang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD