Stephanie's POV Tuwang-tuwa si JR sa mga pinupuntahan namin dito sa Tagaytay. Enjoy din ako kasi nakakalanghap kami ng sariwang hangin. Bagama't maayos na ang pakiramdam ko ay pinipigilan ko ang aking katawan na tuluyang gumalaw. Iniisip ko lang na ayaw kong mapagod ang katawan ko. Nag-pi-picnic kami ni JR. Nasa mataas na lugar kami at kitang-kita ang lawa ng Taal. Ngayon ay abala siya sa pag-ihaw ng isda, pork chop, at seafood. Ako naman ay naglatag ng picnic mat sa paligid ng aming kubo. Ang ilan sa aming dinala ay inilagay sa sinasadyang mesa ng kubo at ang iba pang gamit ay nasa bench. Nagdala kami ng maliit na Bluetooth speaker at kasalukuyang tumutugtog na nakikinig habang abala kami. Sinasabayan ni JR ang musika habang nag-iihaw. Parang rockstar habang winawagayway pa a

