Stephanie's POV Pagkatapos ng treinta minutos ay naliligo na itong si JR. Mag-isa siyang naliligo sa pool samantalang nasa gazebo lang ako na nakatambay . Naka topless ito at sanay na ako dahil nga halos tumira na rin sa penthouse ni Lolo dati noong nasa Germany pa ako. Nag-eenjoy naman siya habang pabalik-balik na lumalangoy walang kapaguran o di kaya pinapagod niya lang ang kanyang sarili. Kilala ko ang best friend ko, malamang may dahilan kaya umuwi dito sa Pilipinas at dito pa sa Tagaytay siya nagpunta. Ayokong makialam pero alam ko na may dahilan siya. Hihintayin ko na lamang siya na magsabi. Ayos lang din naman kapag hindi niya sasabihin basta sapat na ang presensya ko. Alas-kwatro y media na, alam ko pauwi na si Mommy mula sa kanyang trabaho. Magkikita sila ni JR, graduation ang

