Carl's POV Maaga akong narito sa condo unit ni Stephanie. Sinasadya kong dumating ng maaga dahil nais kong sumabay sa kanya sa almusal. Tanggap ng tiyan ko kung anuman ang kanyang hinahain na alam ko na pagkain ng banyaga. Para sa akin basta kayang tanggapin ng tiyan ko ay sige lang. Pagkain nga ng banyaga ngunit healthy foods naman. Kailangan ko na yatang mamalengke at dalhin dito para may ihahain si Stephanie para sa amin. Kasalukuyan akong nasa kusina at ako na mismo ang nagtimpla ng kape ko at idinamay ko na ang kape ni Stephanie. Ang sarap ng amoy ng kape. May sarili akong duplicate ng susi ng condo unit niya at binilin na rin niya sa akin na gamitin ko para hindi na kailangan mag doorbell. At ginamit ko na kanina ang duplicate. Masyado naman ako maaga ngayon dahil mag-alas-sais

