Carl's POV "Thank you, Mommy, nakarating kayo at salamat sa pagbabantay sa akin." "Wala 'yan hijo at anak ka namin. Tumawag sa amin si Mister Alonzo,hijo, kaya nabalitaan namin ang nangyari sa inyo ni Stephanie. Sa ngayon ay nasa villa siya ng mga Alonzo dahil tinutulungan ng Daddy mo si Mister Alonzo sa nangyari kay Stephanie." "Mommy, nasaan na ang mga gamit namin ni Stephanie sa sasakyan ko?" "Saglit ,hijo, kunin ko sa drawer ng mesa." Diretso ang tingin ko sa kisame,huminga ako at nagbuga ng hangin. Hindi ito maaari! Ano ang ibig sabihin sa nangyari sa amin sino o nino gumawa isang ganitong plano? "Ito na hijo, ang mga gamit ninyo na nakita sa sasakyan mo?" Sabay inabot sa akin ang maliit na sling bag na laging naiiwan sa kotse ko kapag nasa trabaho ako,cellphone lang ang lagi

