Carl's POV Maaga akong lumabas sa aking suite at narito ako ngayon sa isang Flower Shop. Bisitahin ko si Stephanie sa hospital kaya bumili ako ng isang bungkos ng pulang rosas para sa kanya. Nang maayos na ang saleslady ang binili ko at nilagyan ng card ay inabot na niya sa akin. Tinanggap ko ito at nagpasalamat sa kanya. Diretso ako sa aking sports car na nasa sa tapat ng flower shop. Napahinto ako ng limang hakbang ng nakita kong may mga limang dalaga na kumukuha ng larawan sa harapan ng aking sports car. Bigla akong tumalikod para hindi nila ako makita at mahirap na kung sa akin sila mismo magpa-picture. Ilang sandali pa ay narinig ko na silang umalis sa aking sasakyan. Napangiwi ako sa aking narinig bago sila tuluyang umalis. "Gusto ko rin makapag-asawa ng four M. Matandang mayama

