Carl's POV Pagkatapos ng isang oras na biyahe ko ay nakarating ako sa bahay ni Mr. Alonzo. Bitbit ang attaché case ay tumawag ako sa kanya at sinabing narito na ako. May lumapit sa akin sa gate na lalaki at nakasuot ng all black suit, uniform ng mga security ni Mr. Alonzo. Lumapit ako sa maliit na gate na sakto lang sa isang tao at binuksan niya ito. Binigyan ako ng espasyo para makapasok. Nagpasalamat ako sa kanya at diretso sa pathway hanggang sa main door. Katulong ang nagbukas ng main door at binati ako bago pinapasok sa loob. Pagharap ko sa maluwag na espasyo ay nakita ko si Mr. Alonzo sa di kalayuan at kinawayan ako. Mabilis ang mga hakbang ko para makarating kaagad sa kanya. Nang nakalapit ako ay binati ko siya at nakipag shake hands. Pumasok kami sa kanyang opisina at pinaupo

