ABALA si Georgette sa pagluluto ng kanilang dinner ng pumasok si Light sa kusina. As usual ay nando'n na naman ito sa kanila. Noong pumunta ito sa kanila kanina ay nararamdaam niya na parang gusto siya nitong makausap, na para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Pero kapag lumalapit naman ito ay umiiwas siya. Alam naman kasi niya ang gusto nitong sabihin sa kanya. Alam niyang pag-uusapan na naman nila ang pinag-usapan nila kahapon at ayaw na niya iyong balikan pa kasi nasasaktan lang siya. Lalo na kung ipipilit nito ang joint custody sa anak niya. Tumikhim si Light para kunin ang atensiyon niya pero nagkunwari siyang hindi niya ito narinig at nagkunwaring abala pa sa pagluluto. "May... maitutulong ba ako?" Mayamaya ay narinig na tanong ni Light. "Georgie?" Tawag nito sa pangalan n

