NASA mall si Light nang maisipan niyang dumaan sa isang fastfood para bilhan ang anak ng paborito nitong spaghetti, binilhan na din niya si Georgette na para dito. Pagkabili ay dumaan din siya sa isang toy station at binilhan din niya ang anak ng barbie doll. Pagkatapos niyon ay napagpasyahan na niyang umuwi sa apartment na tinutuluyan na katabi ng apartment ng mag-ina niya. Talagang nirentahan ni Light ang kabilang apartment nang malaman niyang bakante iyon para naman mas malapit siya sa mga ito. Mas makikita at mas mababantayan pa niya ang mag-ina niya. Kung pwede nga lang ay do'n na lang siya tumira sa apartment ng mga ito dahil gusto niya oras-oras ay nakikita niya ang mga ito. Nag-file nga din siya ng isang buwang leave sa kompanya. Hindi naman malulugi ang kompanya kahit wala siy

