Chapter 29

2708 Words

HINDI napigilan ni Light ang pagkuyom ng kanyang kamay habang sinusundan niya ng tingin si Georgette at ang kasama nitong lalaki na naglakad papasok sa kusina ng mga ito. Hindi din niya napigilan ang pagtatagis ng bagang sa sandaling iyon sa selos na nararamdaman niya sa sandaling iyon. "Okay ka lang po?" Napatingin si Light kay Georgina ng marinig niya ang tanong nito. Mukhang napansin nito ang naging reaksiyon niya. Kinalma naman niya ang sarili pagkatapos ay nginitian niya ang anak. "Okay lang ako," sagot niya dito. "Sure po kayo?" Mukhang hindi naniniwala ang anak sa naging sagot niya. Hinaplos niya ang buhok nito. "Sure na sure," sabi niya. "Hmm... Georgina pwede ako mag-ask?" Mayamaya ay wika niya dito. Tumango naman ito. "Sige po." Sumulyap siya sa dereksiyon ng kusina k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD