NAPATINGIN si Light sa cellphone niya na nasa ibabaw ng table ng mag-vibrate at tumunog ang ringtone niyon. He decline the call nang makitang unknown number ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon, inisip na baka frank call lang iyon at masayang pa ang oras niya kapag sinagot niya. May ganoon na kasi siyang na-i-experience dati kaya kung may tumatawag sa kanya a unknown number sa personal cellphone niya ay hindi niya iyon sinasagot. Hindi naman niya inisip na client iyon dahil iba ang ginagamit niyang cellphone kapag may kinalaman sa negosyo. Itinuon na muli ni Light ang atensiyon sa harap ng laptop. Kailangan kasi niyang matapos ang ginagawa para makauwi na siya sa mag-ina niya. Naka-schedule pa naman ang flight niya mamayang alas tres ng hapon para saktong mamayang gabi ay naroon na

