MASUYONG nakatitig si Georgette sa anak habang abala ito sa pagda-drawing sa coloring book nito. At habang nakatitig siya rito ay naalala niya iyong pagtatanong ng anak tungkol sa ama nito, naalala niya ang pag-iyak nito dahil sa sinabi ng kaklase nito, naalala niya iyong naging pag-uusap ng mag-ama. Sabik ang anak sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ama pero makasarili siya dahil ipinagkakait niya iyon dito. Sarili lang kasi niya ang iniisip niya, ang kapakanan lang niya. Dahil ayaw niyang maramdaman ang sakit na naramdaman niya noon ay itinago niya ang katotohanan sa anak. Ipinagkait niya ang kasiyahan mararamdaman nito kapag nakilala nito ang Papa nito. Ipinagkait niya sa anak na makompleto ang pamilya nito. Pero kahit kailan ay hindi na mako-kompleto ang pamilya niyo, Georgette. Ma

