INALIS ni Georgette ang tingin sa hawak na cellphone ng ihinto ni Light ang kotseng minamaneho nito. At do'n lang niya napansin na nasa tapat na pala sila ng school ng anak. Busy kasi siya sa pagsagot sa mga inquiry ng mga buyers niya sa online store niya. "Nandito na pala tayo," komento niya kay Light ng sulyapan niya ito. "Yes," sagot naman nito sa buong-buong boses. Napagkasunduan kasi nilang mag-asawa na sunduin ang anak nila sa school nito. Well, sa totoo lang ay si Light lang sana ang susundo sa anak pero sinabi niyang gusto niyang sumama dito. Ibinalik na ni Georgette ang hawak na cellphone sa loob ng bag. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang pagkakasuot ng kanyang seatbelt. Kasabay ng pagbukas ni Light sa pinto ng driver seat ay binuksan na din niya ang pinto ng passenger

