"READY ka na ba anak?" Narinig ni Georgette na tanong ni Light sa anak. Nasa sala silang tatlo sa sandaling iyon. Nakaupo sila ni Light sa sofa habang nasa harap naman nila ang anak. Tumango ito. "Yes po, Papa." magalang naman na sagot ni Georgina sa ama nito. Light smiled at her daughter. "Okay," wika ni Light bago nito plinay ang bluetooth speaker na hawak nito. May pinindot din ito sa cellphone nito. Ilang saglit lang din ng pumainlang-lang ang kantang 'Baam' ng kpop idol na Momoland. Kasabay din ng kanta ay nag-umpisa na ding sumayaw ang anak. May ngiti namang nakapaskil sa labi nilang mag-asawa habang pinapanuod nila ang anak na sumasayaw sa harap nila. Nagpa-practice kasi ang anak para sa presentation ng mga ito para sa Family Day na gaganapin bukas sa school ng anak. At la

