MABABAKAS ang excitement sa mukha ng anak ng makababa ito ng kotse. Hinintay naman nito na makababa siya, pagkababa niya ay agad nitong hinawakan ang kamay niya. Nginitian naman niya ang anak ng yukuin niya ito sa kanyang gilid. Gumanti din ng ngiti ang anak sa kanya. Mayamaya ay lumapit sa kanila si Light. "Let's go?" Yakag na nito sa kanila. Tumango naman siya. Hinawakan siya nito sa likod ng baywang habang naglalakad sila papasok sa school ng anak. Dumiretso sila hanggang sa makarating sila sa classroom ng anak. Inilibot ni Georgette ang tingin sa paligid. Nasa gilid na ng classroom ang mga armchair. Lumuwag tuloy ang buong classroom kung titingnan. May nakadikit din na tarpaulin sa harap ng blackboard. At nakasulat sa naturang tarpaulin ay ang salitang 'Happy Family Day'. Agad

