BEWARE: RATED SPG! NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PAGLABAS ni Georgette sa banyo ng kwarto at siyang pagpasok din ni Light sa kwarto nila. Napansin naman niya ang pagbaba ng tingin nito sa hawak niyang basket na may lamang maruming damit nila. "Maglalaba ka?" Tanong nito sa kanya ng ibalik nito ang tingin sa mukha niya. Tumango siya. "Oo, medyo madami na kasi ang labahin," sagot naman niya sa asawa. Tumango-tango naman ito. Pagkatapos niyon ay lumapit ito sa kanya para kunin ang hawak niya. "Ako na ang magbi-bitbit," sabi nito. Wala na siyang nagawa kundi ibigay iyon dahil kinuha na nito iyon sa kamay niya. Pagkatapos niyon ay sabay na silang dalawa na lumabas ng kwarto. At nang mapadaan sila sa kwarto ni Georgina ay tumigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil din si Li

