MAG-isang nanunuod ng basketball game si Light sa flat screen ng TV sa may sala. Wala sa bahay ang asawa, bumili ito ng mga paninda nito para sa online store nito. Ang anak naman niya ay nagpapahinga sa kwarto nito, pinatulog kasi niya ito. Gusto sanang samahan ni Light si Georgette sa pupuntahan nito pero sinabi nitong huwag na niya itong samahan dahil walang magbabantay kay Georgina. Sa totoo lang ay gusto din niyang sabihin kay Georgette na tumigil na ito sa pag-o-online selling nito at mag-focus na lang ito sa anak nila at siyempre pati na din siya dahil kayang-kaya naman niyang i-provide ang pangangailangan nang mga ito. Kahit na hindi na ito mag-trabaho. Kaya niyang i-provide din ang pag-aaaral ng anak hanggang college. At kung gusto pa nitong mag-aral sa abroad kaya pa din niya i

