NANG magising si Georgette kinabukasan ay mahimbing pa ding natutulog si Light. Nakayakap ang isa nitong braso sa kanya. Ilang minuto din siyang hindi gumalaw sa kinahihigaan hanggang sa dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nitong nakayakap sa kanya. Nag-iingat siya na huwag itong magising dahil alam niyang napuyat ito kagabi dahil sa pagta-trabaho. Saglit niyang tinitigan ang mahimbing na natutulog na asawa bago niya hinalikan ang noo nito at tuluyang bumangon mula sa kama. Inayos pa niya ang kumot mula sa katawan nito bago siya lumabas ng kwarto. Sinilip naman niya si Georgina sa kwarto nito, at tulad ni Light ay mahimbing pa ding natutulog ang anak. Hindi na lang din niya ito inistorbo, total ay linggo naman ng araw na iyon. Mamaya na lang niya gigisingin ang mag-ama niya kapag nakapa

