PAGPASOK ni Georgette sa loob ng kanilang kwarto ay nadatnan niya si Light na mahimbing ng natutulog sa kanilang kama. Mukhang napagod ito dahil hindi na siya nito nahintay. Nagpakawala na lang si Georgette nang marahang buntong-hininga bago siya lumapit sa asawa. Inayos niya ang kumot sa katawan nito saka niya kinintalan ng halik ang noo nito. At sa halip na tumabi na ng higa rito ay iniligpit muna niya ang mga gamit nito na nagkalat sa office table na naroon sa loob ng kwarto. Para kapag paggising nila bukas ay malinis at maayos na iyon. Ibinalik niya ang ballpen sa lalagyan. Pagkatapos niyon ay inayos niya ang mga folder na nakapatong sa mesa. Sa pag-aayos ay may napansin siyang may nakaipit na parang papel do’n. Kita niya ang nakaipit kaya napansin niya agad iyon. At dahil sa kury

