Chapter 16

1523 Words

NAPATINGIN si Georgette kay Light nang hawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Pagkatapos niyon ay dinala nito iyon sa labi nito para halikan. Hindi naman napigilan ni Georgette ang mapangiti sa gesture ng asawa. Napapansin niya ang pagiging sweet ni Light nitong nakalipas na araw. Sweet na ito dati pero mas lalo itong naging sweet sa kanya ngayon. Kapag gigising nga siya ng umaga, nakahanda na ang almusal para sa kanilang dalawa. Kung minsan nga ay breakfast in bed pa iyon with matching one stemmed red rose pa. Madalas ding maglambing si Light at madalas din itong mag-I love you sa kanya. He always says that he loves her. At lagi nitong sinasabi sa kanya na kahit na anong mangyari ay siya lang daw ang mamahalin nito, wala nang iba. At kapag hindi din ito masyad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD