HAWAK ni Light ang kamay nang anak ng papasok sila sa loob ng kompanya niya. Sinama niya ito sa pagpasok niya sa trabaho. Sinasama din niya ang asawa pero tumanggi ito. Do'n na lang daw ito sa bahay at hihintayin na lang daw nito ang pagdating nila. Hindi na lang din naman niya ito pinilit. Nang pumasok sila loob ng building ay naramdaman niya ang pagsiksik ng anak sa katawan niya. Napahinto naman siya sa paglalakad at niyuko ang anak. "Bakit?" Masuyong tanong niya kay Georgina. Tiningala naman siya nito. "Natatakot po ako, Papa." Honest na sagot nito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya sa sinabi nang anak. "Bakit ka naman natatakot?" Kumibot-kibot ang labi nito. "Hindi ko po alam, Papa. " sagot nito sa kanya. Mukhang kinakabahan ang anak, first time kasi nitong magpunt

