PAGKATAPOS nilang magpunta sa memorial park ay dumiretso sila sa bahay ng mga magulang ni Light. Pagdating nga nila sa bahay ay agad silang sinalubong ni Mama Lourdes at Papa Lucas. Ini-expect na kasi ng mga ito ang pagdating nila. Itinawag na kasi iyon ni Light sa mga magulang pagkarating nila Light sa bahay nila dati. At sinabi din ng asawa na bibisita sila ngayon pagkatapos nilang pumunta sa memorial park. "Lola! Lolo!" Masayang wika ni Georgina sa Lola at Lolo nito. Niyakap nito si Mama Lourdes sa baywang. "Miss you po, Lola." Pagkatapos niyon ay sumulyap din ito kay Papa Lucas. "Miss you din po, Lolo." Wika din nito. Isang beses lang nagkita ang mga ito pero mukhang close na close na ang anak sa lolo at lola nito. Well, nagkakausap naman ang tatlo thru video call kapag hindi bus

