BINUKSAN ni Georgette ang isa niyang mata ng maramdamang wala siyang katabi. Tuluyan na siyang nagmulat ng mata at do'n niya napansin na nasa kwarto na siya at nakahiga siya ng kama. Hindi naman niya maiwasan ang magtaka kung paano siya napunta do'n. Ang last kasi na natandaan niya ay nakatulog siya sa biyahe habang kandong ang anak noong pauwi na sila galing sa Tagaytay. At bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita ang oras sa bedside table niya. It was six oclock in the morning. Hindi man lang siya naalimpungatan, mukhang napagod siya sa mahabang biyahe nila. At may ideya na din siya kung sino ang nagdala sa kanya sa kwarto. Walang iba kundi si Light. She took a deep breath. Pagkatapos niyon ay nag-inat siya bago tuluyang bumangon. Itinali din niya ang buhok in a messy bun style

