ILANG minuto ding nakatitig si Light sa folder na ibinigay sa kanya ng inupahan niyang private investigator para kumalap ng impormasyon tungkol kay Georgette at sa anak nitong si Georgina. Noong malaman kasi ni Light ang tungkol sa pagkakaroon nito ng anak ay hindi na siya pinatulog niyon. Ang dami-daming tanong sa isip niya na kailangan ng kasagutan. Dahil kung hindi ay pakiramdam niya ang sasabog ang utak niya. Gumugulo kasi sa isip niya kung anak ba talaga nito ang bata? Pero posibleng anak nga ni Georgette ang bata dahil kamukhang-kamukha nito iyon. At kung anak nga nito ang bata ay sino naman ang ama? Hindi napigilan ni Light ang pagtatagis ng bagang ng maalala niya ang lalaking lumapit sa kanila sa Mall no'ng minsang nakita niyang umiiyak si Georgina. Ang lalaki bang iyon ang a

