Chapter 24

2000 Words

"MAMA!" Napatingin si Georgette sa anak ng marinig niya ang matinis na boses nito pagkapasok nito sa loob ng bahay nila. Kasunod nito si Christian na may seryosong mukha. Napangiti naman siya na ibinuka ang mga kamay para salubungin ito. Yumakap naman ito sa kanya ng tuluyan itong nakalapit. "Kamusta ang baby ko? Kamusta ang school?" Tanong niya. "Okay lang po, Mama." Sagot nito sa kanya. Mayamaya ay napatingin siya sa teddy bear na hawak-hawak nito. "Nagpabili ka ba kay Tito Christian mo ng teddy bear, Georgina?" Tanong niya sa anak. Alam niyang nagpunta ang dalawa sa Mall dahil ipinaalam iyon sa kanya ni Christian no'ng tumawag ito sa kanya pagkatapos nitong sunduin ang anak sa school nito. Si Christian ang nagsundo sa anak dahil pinakiusapan niya ito kanina. Na-traffic kasi si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD