"GEORGIE can you help me fix this? " Wika ni Light sabay taas ng kanang kamay nito sa kanya. Ibinaba naman niya ang hawak na lipstick sa may vanity mirror niya at tumayo siya para lapitan ang asawa. Napansin naman niya ang pagpasada ng tingn ng asawa sa kanya mula ulo hanggang paa. He saw admiration in his eyes as he looked at her. Golden anniversary kasi ng parents ni Light. At nag-organisa ang mga ito ng isang party. At sa mansion ng mga ito gaganapin ang nasabing okasyon. At sa sandaling iyon ay nakasuot si Georgette ng kulay pulang dress. Off shouder iyon kaya kitang-kita ang maputi ang makinis niyang balikat. Hindi din umabot sa kanyang tuhod ang suot niyang dress showing her perfectly and flawless legs. Bahagya din niyang kinulot sa dulo ang mahabang buhok niya. Naka-light mak

