Chapter 10

2149 Words

"SIR nandito na po iyong pinapa-order niyo," wika ng secretary ni Light ng pumasok ito sa opisina niya. Inutusan niya ito na mag-order sa isang fastfood chain. "Okay. Give that to my wife," utos niya dito. Hindi naman kasi para sa kanya ang in-order, para iyon sa asawa. Meryenda nito. "Okay, Sir." Wika nito bago ito nagpaalam sa kanya. Kinuha naman ni Light ang cellphone para padalhan ng mensahe ang asawa. To: My wife. Pinadalhan kita ng meryenda. Eat well. Nang maipadala niya ang mensahe na iyon sa asawa ay ibinalik na niya ang atensiyon sa mga documentong binabasa. Ilang minuto din ang lumipas ng bumalik ang sekretarya niya para ipaalam sa kanya na naibigay na nito ang inuutos niya sa asawa. "Kinain na ba niya?" Tanong niya. Umiling naman ito dahilan para mapakunot ang no

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD