"DAMN her." Hindi lang sa mukha kundi pati na din sa boses mababakas ang inis ni Lauren ng ikwenento niya dito ang naging sagutan nila ni Grizel noong nakaraang araw. Niyaya siya nitong mag-kape sa labas dahil matagal-tagal na din noong huli silang nagkita, nag-undertime pa nga siya sa trabaho para makipagkita dito. At noong nagkita nga sila ay kweninto nga niya ang nangyari at iyon ang naging reaksiyon nito. "Sshh.."Saway niya dito dahil medyo napalakas ang boses nito. Nakakahiya din sa mga ibang customer na makakarinig sa kanila. Lauren was her friend. Asawa nito si Reus na kaibigan din ni Light. Magkumare din sila dahil inaanak nila ang anak ng mga ito na si Rui. Well, kapag may problema silang dalawa ni Lauren, at kung iyong problemang iyon ay hindi nila masabi sa asawa ay si

