TO: Light Saan ka na? Saktong pagka-send ni Georgette ang message na iyon sa asawa ay naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Georgina. Nakangiting binalingan niya ito sa kanyang tabi at saka niya inayos ang headband na suot sa ulo nito. "Bakit anak?" Tanong niya dito. "Mama bakit po wala pa si Papa?" Nakangusong tanong ng ana sa kanya. "Anong oras po siya darating?" Hinihintay kasi nila ang pagdating ni Light, nangako kasi ito sa anak na sasama ito sa pagpunta sa school ni Georgina para kunin ang card nito no'ng nag-video call sila kagabi. Nagpa-iwan kasi si Light sa Cebu noong babalik na sana silang tatlo sa Maynila. Nagkaroon kasi ng problema sa opisina kaya hindi nakasama ang asawa sa kanila pabalik. Inihatid lang sila nito sa airport. Hindi mo sana sila babalik sa Maynila par

