“MAMA! Mama!” Napatigil si Georgette mula sa paglalagay ng plato sa mesa nang marinig niya ang boses na iyon ng anak na tumatawag sa kanya. Mayamaya ay nakita niya itong humahangos na pumasok sa kusina. Hawak-hawak nito ang laruan nitong Barbie doll. “Bakit, Georgie?” tanong ni Georgette nang makalapit ang anak sa kanya. “May tao po sa labas, Mama,” wika sa kanya ni Georgette. Bahagya namang kumunot ang noo ni Georgette. Sino naman kaya ang bisita nila? Wala naman kasi siyang inaasahan na bisita ngayong araw. “Sabi niya, Mama bagong neighbor po natin siya. Tapos kilala ko po siya.” sabi ng anak ng hindi pa siya kumikibo. Lalo namang kumunot ang noo niya sa sinabing iyon ng anak. “Kilala mo kung sino ang tao sa labas?” balik tanong niya sa anak. Tumango ito. “Opo.” “Sino?” “Si T

