Chapter 19
NAKA TULALA lang ako sa kwarto at pilit iniisip ang mga sinabi ni nanay Perla sa 'kin kanina. Ayaw ko sanang maniwala sa sinasabi niya, ngunit may ipinakita siyang medyo luma na picture ng baby sa 'kin at alam ko.. alam kung ako yun dahil sa mga picture na nasa album na nilagay ng mama ko.
Nabuntis ang ina ni Kaede sa ibang lalaki kahit kasal na ito sa ama ni Kaede. Wala siyang choice kundi itago ang pagbubuntis niya dito sa Pilipinas hanggang nga sa na ipanganak niya ako. Kasama niya si nanay Perla n'ong mga araw na yun kaya alam niya ang nangyari.
Kwenento sa 'kin ni nanay Perla kung paano ako niyakap ng ina ko ng maipanganak niya ako. Sa bahay lang din daw niya ako naipanganak dahil sa takot na baka malaman ng asawa niya. Napilitan lang kasing magpakasal ang mga magulang ni Kaede dahil daw business partner ang mga magulang nila.
Nagkita silang ulit ng lalaking mahal niya hanggang nga sa nabuo ako.
Nakiusap daw ang nanay ko kay nanay Perla na hanapan ako na mag a-ampon sa 'kin. Doon na nga ako inabot ni nanay Perla sa mag-asawang Vargas na hindi magka-anak. Pagkatapos daw no'n ay bumalik sila agad ng Spain ng nanay ko kasama si nanay Perla para alagaan si Kaede na limang taong gulang na ng panahon na yun.
Habang sinasabi sa 'kin ni nanay Perla ang nakaraan ay hindi ako nakapag salita. Hindi ko alam kung bakit 'to nangyari. Ang hindi ko lang matanggap bakit si Kaede pa ang naging kapatid ko. Bakit ang taong mahal ko pa. Mas masakit pa yata 'to sa ginawa sa 'kin ni Jasmine sa pagsira ng mga gamit ko.
Kanina pa ako nakatulala dito sa kwarto habang umiiyak. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kaede ang mga nalaman ko. Buong buhay niya ay siya lang ang nag-iisang anak ng mommy niya tapos malalaman niya na meron pala siyang kapatid at ang mas matindi ay ako pa talaga.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko saka ako tumayo sa kama. Kailangan kong maka alis dito sa bahay na 'to. Hindi kami pwedeng magsama kami ni Kaede lalo na't alam kong mahal niya ako. Wala akong lakas na loob para sabihin sakanya ang mga nalaman ko.
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko saka ko isinukbit ang bag sa balikat ko. Sinigurado ko munang wala akong naiwan kahit isa man lang dito sa kwartong 'to.
Ayaw kong mag paalam kay nanay Perla at baka pigilan niya lang ako sa pag-alis ako. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa ngayon. Ito nalang ang naiisip ko na paraan para makalayo kay Kaede. Gusto ko kasing mismo ang mama namin ang mag sabi kay Kaede na magkapatid kami sa ina.
Binuksan ko ang pintuan saka lumabas ng kwarto. Dahan-dahan ko pang isinara yun para hindi marinig ni nanay Perla. Dahan-dahan ang ginagawa kong paghakbang pababa ng hagdan habang nakatingin ang mga mata ko sa kusina at baka biglang lumabas si nanay Perla.
Binuksan ko ang main door saka mabilis na lumabas ng bahay. Tumatakbo ako sa kalsada na hindi na iniinda ang bag na dala ko. Mas mabigat pa kasi ang sama ng loob ko kaysa sa dala kong bag.
Medyo tahimik ang lugar na 'to kaya binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa highway. Mabuti nalang ay may dumaan na bus papuntang Manila kaya agad akong nakasakay.
Nakatulala lang ako sa bintana buong byahe. Inabot ng seven hours ang byahe hanggang sa makarating ako ng Manila. Napag pasyahan kong maghanap ng maliit na apartment dito sa Quezon City. Mabuti nalang at may bakante sa unang pinag tanungan ko na apartment. Agad akong nag down sa upa saka ako pinapasok ng may-ari.
Medyo ayos naman ang apartment, maliit pero ayos na dahil may banyo at lababo narin namang kasama. Ako lang din naman mag-isa kaya kasya lang 'to sa 'kin.
Napasalampak ako ng upo sa sahig saka ipinalibot ang tingin sa bagong titirhan ko. Napabuga ako ng hangin dahil back to zero ako sa pagbili ng mga gamit ko. Kailangan kong bumili ng kama para naman may maayos akong mahigaan.
Hanggang ngayon ay naka off parin ang cellphone ko. Ayaw ko 'tong buksan at baka biglang tumawag sa 'kin si Kaede.
Kinuha ko ang nag iisang unan ko saka ako nahiga sa sahig. Pagod na pagod ang katawan ko sa mga nalaman ko ngayong araw, pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko at gusto nalang bumigay sa mga problema ko sa buhay.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang kasi ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Wala pa kasing kurtina ang bintana kaya talagang papasok ang sikat ng araw dito sa loob.
Tumayo agad ako at napag desisyonan na bumili ng kama at iba pang kakailanganin ko. Mukhang mauubos pa yata ang ipon ko sa mga bibilhin ko nito. Kailangan ko talagang makahanap ng trabaho agad at baka maubusan lang ako ng pera.
Naglakad ako papunta sa banyo para maligo dahil kahapon pa itong suot ko. Mabilis lang ginawa kong pagligo dahil wala akong sabon at shampoo. Pambihirang buhay 'to.
Lumabas agad ako para magbihis. Iniisip ko narin ang mga kailangan kong bilhin mamaya. Hindi nalang muna ako bibili ng rice cooker, uunahin ko nalang muna ang mga kailangan ko talaga. Pwede naman kasi akong bumili ng pagkain sa karinderya.
Lumabas ako sa apartment at siniguradong naka lock ang pinto. Nasa second floor lang naman ang apartment ko kaya hindi ako mahihirapan mamaya kapag naka bili ako ng kama, single bed lang naman ang bibilhin ko dahil ako lang naman mag-isa.
Sinabi din naman sa 'kin ng may-ari na may mall daw dito na malapit kaya agad akong pumunta do'n. Nang makapasok ako ay inuna ko muna ang pag grocery. Kunti lang naman ang binili ko yung mga mahahalaga lang talaga. Kailangan kong magtipid dahil wala pa akong trabaho. Bukas, susubukan kong maghanap ng trabaho.
Nang makapag bayad ako sa cashier ay agad kong tinungo kung saan ang bilihan ng kama. Nanlulumo akong naglabas ng 1,700 pesos para bayaran ang binili kong kama.
Pinaayos ko lang yun sa sales man para maayos kong mabitbit mamaya pag-uwi. Agad namang inabot sa 'kin ng lalaki ang binili kong kama kaya nag pasalamat ako sakanya.
Naglalakad ako sa mall habang buhat-buhat ang mga pinamili ko. Ngunit, agad din akong napahinto ng may humawak sa kamay ko mula sa likuran kaya agad akong lumingon sa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang walang emosyon na mukha ni Kaede habang nakatingin sa 'kin. "P-Panong—
"I have my ways. Kaya kahit saan ka magpunta susundan at sundan kita. Kahit sa impyerno ka pa pumunta." Pagpuputol niya sa sasabihin ko sana.
Napakurap-kurap nalang ako ng mabilis akong hinalikan ni Kaede sa labi saka niya inagaw ang dala kong kama at ang hawak kong supot.
"Why did you leave the house? I will really punish you for leaving, Audrey." Seryoso niyang sabi saka niya ako hinila palabas ng mall.
Agad kong inagaw ang kamay ko na hawak niya ng makalabas kami kaya napahinto siya sa paghakbang. Kunot nuo siyang tumingin sa 'kin kaya sinalubong ko ang mga mata niya.
"Ayaw na kitang makita pa, Kaede. Ayaw na kitang makasama kaya sana tigilan mo na ko." Walang emosyon kong sabi sakanya saka inagaw ang plastic na hawak niya at ang kama ko.
Tumingin ulit ako sa mukha ni Kaede saka ako nagsalita. "Wag mo na sana akong sundan. Kalimutan mo nalang na nakilala mo ko, Kaede. Bumalik ka nalang sa Spain para makapag focus ka sa paghahanap sa mama mo." Seryoso kong sabi sakanya. Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Kaede habang nakatingin sa 'kin.
"Sana ito na ang huli nating pagkikita, Kaede." Malungkot kong sabi saka ako tumalikod sakanya. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang palayo ng magsalita si Kaede.
"I told you, susundan at sundan kita, Audrey. Kahit pa ayaw mo akong makita wala akong pakialam do'n," saad niya.
"Hindi ko alam kung anong nagawa ko na naman sa'yo at kung bakit mo ako tinatrato ng ganito. Maayos naman tayo kahapon ng umaga kaya wala akong maisip kung bakit ka nagkaka ganyan." Dagdag niyang sabi.
Hindi ko na siya nilingon ulit at nagmamadali akong naglakad palayo sakanya.
Kaya ko naman sanang lakarin ang mall hanggang do'n sa apartment ko. Pero sumakay nalang ako ng trycle para makalayo kay Kaede na nakatayo parin sa parking lot ng mall habang nakatanaw sa 'kin.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalayo na ako ng tuluyan kay Kaede. Nang makarating ako sa apartment ay agad akong bumaba ng trycle. Tinulungan pa ako ni manong naibaba ang kama sa loob ng trycle niya.
Aligaga naman akong pumasok sa apartment at baka masundan ako ni Kaede. Pero wala naman akong nakitang kotse na umaaligid sa labas kaya nakahinga agad ako ng maluwag.
Umakyat ako sa second floor at agad binuksan ang pintuan. Inilagay ko muna ang mga pinamili ko sa sahig saka ko kinuha ang walis na nasa gilid. Mukhang iniwan yata ito ng dating nagungupahan.
Nagwalis na muna ako saka ko pupunasan ng basang towel para mawala ang alikabok. Nang natapos ako ay agad kong binuksan ang kama na binili ko saka ko yun inilagay sa sahig.
Kinuha ko ang supot na pinag groceryhan ko saka ako nag punas sa maliit na cabinet. Inayos ko naman ang mga delata na nabili ko kanina.
Lumapit ako sa may bintana saka ko ikinabit ang nabili kong kurtina.
Nang matapos ako ay umupo na muna ako sa kama habang ang likod ko ay nakasandal sa simento. Ngunit nagulat ako ng marinig ko ang mahinang katok sa labas ng pinto ko.
Tumayo parin ako dahil baka ang may-ari ng paupahan ang kumakatok sa pinto ko. Nanghihiram kasi ako sakanya kanina na martilyo pero hindi niya naibigay sa 'kin dahil hahanapin pa daw niya.
Agad akong naglakad papunta sa pinto habang may ngiti sa labi. Pinihit ko ang siradura at agad natulos ng makita ko ang taong hindi ko inaasahan. Nawala agad ang ngiti sa labi ko ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng apartment ko.
"Kaede.." sambit ko sa pangalan ng lalaki. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang bag saka ako ulit tumingin sa napaka seryosong mukha ni Kaede.
"A-Anong ginagawa mo dito? Papano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko sakanya.
"Kung ayaw mo akong makasama do'n sa bahay, pwes.. dito ako titira kasama ka." Saad niya saka tinulak ako papasok ng apartment.
Napahawak ako ng mabuti sa pintuan para pigilan siyang makapasok. "Ano ba, Kaede! Tumigil ka na nga!" Sigaw ko sakanya kaya tumigil ito sa pagtulak sa 'kin.
"Papano ka naka pasok? Pinapasok ka ba ng may-ari ng paupahan na 'to?" Tanong ko sakanya.
Napasunod naman ang tingin ko sa kamay niya na kinuha ang cellphone sa likod ng pantalon niya. Nanlaki ang mga mata ko ng ipakita niya sa 'kin ang wallpaper ng cellphone niya. Nakapikit ako habang nakahiga do'n sa picture samantalang si Kaede naman ay naka halik sa pisngi ko. Kuha yata yun n'ong may nangyari saming dalawa.
Masama kong tinignan si Kaede na nakangisi sa harap ko. "Pinakita ko sa may-ari ng apartment ang picture na ito at sinabi ko na asawa mo ko. Kaya pinapasok niya ako." Nakngiti niyang sabi sabay kindat sa 'kin.
Pinukol ko siya ng masamang tingin saka mabilis na inagaw ang cellphone niya. Ngunit mabilis niyang nailayo sa 'kin ang cellphone niya kaya hindi ko tuloy na agaw. "Burahin mo yan!" inis kong sabi.
"Ginawa mo pa talagang wallpaper yan," dagdag kong sabi.
"Bakit ko naman buburahin 'to? Eh, ito ang araw na naging masaya ako sa buong buhay ko. Saka, paki mo ba kung wallpaper ko ang mukha mo?" Seryoso niyang sabi.
"Ikaw ang lakas ko Audrey, kaya kailangan naka wallpaper ang mukha mo dito sa cellphone ko." Dagdag niyang sabi saka tinulak ako ng malakas papasok.
Pumasok si Kaede at agad na isinara ang pinto saka niya inilapag ang dala niyang bag sa sahig. Pinalibot pa niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto habang tumatango.