CHAPTER 11

1908 Words
Chapter 11 DALAWANG BUWAN simula ng malaman ko ang totoong pagkatao ni Niko. Pinipilit kong hindi siya isipin dahil malayo ang agwat namin sa buhay. Nalaman ko na nasa Spain na siya ngayon ng ifeature siya sa isang sikat na magazine kasama ang fiancé niya. Bumalik ako sa dati na mag-isa lang sa buhay, trabaho at bahay lang umiikot ang mundo ko. Niyaya pa ako ng mga classmate ko para mag bar ngunit hindi ako sumasama. Wala ako sa mood para makipag halubilo sa mga tao ngayon. Gusto ko lang talaga mapag-isa. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at agad binuksan ang pintuan ng mumurahin kong bahay. Pumasok ako sa bahay at agad napasalampak ng upo sa sahig saka tinanggal ang suot kong doll shoes. Hinilot-hilot ko ang mga binti ko dahil sumasakit 'to. Hindi kasi ako umupo simula ng nag duty ako kanina, hindi rin ako nag breaktime kaya deri-deritso akong nakatayo. Tinatamad akong kumakain kaya hindi na ako nag break time kahit pinipilit ako ng kasama ko na kumain. Napasandal ako sa pader habang nakatulala sa kisame. Napasabunot ako sa buhok ko saka ako tumayo sa sahig at agad tinungo ang maliit na kwarto ko. Kumuha lang ako ng damit pantulog saka ako pumunta ng banyo para maligo. Mabilis lang ako naligo at agad na lumabas ng banyo saka nagbihis ng damit. Pinapatuyo ko ang buhok ko ng mag ring ang cellphone ko na nasa bag. Kinuha ko ang bag saka ko kinapa ang cellphone ko. Kumunot pa ang nuo ko ng makita ang hindi familiar na number sa screen ng cellphone ko. Sinagot ko parin at baka manager ko pala na nagpalit lang number. "Hello," bati ko sa kabilang linya. Ngunit hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. "Hellooo!!" Pag-uulit ko ng hindi talaga ito nagsalita. Inilayo ko ang cellphone sa teynga ko dahil pinatayan ako ng nasa kabilang linya. Ang lakas ng trip! Hinagis ko ang cellphone ko sa kama at agad lumabas sa kwarto para siguraduhin na nalock ko ang pinto. Ang dami pa namang tambay sa may eskinita at baka pasukin ako. Alam pa naman nila na mag-isa lang akong naninirahan sa apartment na 'to. Hindi na ako nag abalang kumain pa dahil antok na antok na ako. Bumalik ako sa kwarto saka ko nilock ang pinto ng kwarto at agad nahiga sa kama. Pinipilit kong makatulog agad dahil maaga ang duty ko bukas. Hindi ako nagpapa day off simula ng iwan ako ni Niko. Baka kasi pumasok siya sa isip ko kaya lagi kong sinusubsob ang sarili ko sa trabaho. Halos buong stante ng mga damit do'n sa store ay natiklop ko na araw-araw para lang hindi ko siya maisip. Kung hindi pa ako hinihila ng kasama ko para patigilin sa pagtitiklop ng mga damit hindi ako hihinto. Doon ko lang na realize na may nararamdaman pala ako kay Niko. Kasi kung wala hindi sana ako malulungkot sa biglaang pang iiwan niya sa 'kin. At hindi sana ako nasasaktan kung wala akong feelings sakanya nang malaman ko na may fiancé siya. Pinipilit ko ang aking sarili na makatulog pero talagang hindi ako makatulog. Gabi-gabi nalang akong ganito kaya medyo stress ang hitsura ko. Kinabukasan, 7:30AM palang ay nakaligo na ako at naghahanda na para pumasok sa trabaho. Nag kape lang ako at kumain ng biscuit bago tuluyang lumabas ng bahay. Sinigurado ko naman na naka lock ang pinto ng bahay bago ako umalis. Naglalakad ako sa eskinita hanggang sa makalabas ako at agad naghanap ng trycle na masasakyan. Nang makahanap ako ay agad akong sumakay at sinabi kung saan ako baba. Nakarating naman agad ako sa harap ng mall kay dali-dali akong bumaba ng trycle at inabot kay manong ang pamasahe ko. Naglakad ako papunta sa guard at pinakita ko lang ang id ko kaya agad akong pinapasok sa loob. Marami naring mga tao na naka abang sa labas pero hindi pa sila pinapasok dahil hindi pa naman open ang mall. Tanging mga employee or sales lady lang ang pinapapasok muna dito sa loob ng mall. Agad kong tinungo ang department store kung saan ako nag tra-trabaho at agad kinuha ang susi ng pinto para buksan. Pumasok agad ako ng mabuksan ko yun at agad nag ayos ng mga damit para naka ready na kapag pinapasok na ang mga tao. Ilang oras lang ay marami ng taong dumadaan. Lumabas ako sa labas para mag tawag ng customer ng may makita akong matangkad na lalaki. Bakat na bakat ang muscle nito sa suot niyang polo. Naka suot siya ng sunglass at parang may hinahanap hanggang sa makalapit siya sa 'kin. Hindi ko naman alam kung bakit titig na titig sa 'kin ang lalaki. Akala ko nga ay sa mga damit siya nakatingin dahil naka suot siya ng shades, pero talagang sa 'kin nakatingin dahil ang ulo niya hindi naman gumagalaw. Pero para kasing familiar ang hugis ng mukha niya hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Kung bakit naman kasi naka sunglass ang lalaking 'to eh wala namang araw dito sa loob ng mall. Napatunayan ko talaga na sa 'kin siya nakatitig dahil lumapit siya sa harap ko at mas lalo akong tinitigan. Muntanga lang! "A-hm.. bakit po sir?" Naiilang kong tanong sakanya at inatras ng kunti ang mukha ko. "Audrey.." anas niya kaya agad kumunot ang nuo ko. "B-Bakit mo ko kilala?" Kunot nuo kong tanong sakanya. "Ang bad mo naman! Hindi mo na ako maalala?" Naka nguso niyang sabi sa 'kin. "Sino ka ba?" Galit kong tanong sakanya. Ewan, mabilis talaga uminit ang ulo ko ngayon. "It's me," naka ngiting saad niya saka tinanggal ang suot niyang sunglass. "Reagan Salazar your childhood friend," nakangiti niyang saad. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses at napa nga-nga habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. "Oh, baka tumulo laway mo, alam kung gwapo ako pero para maging ganyan ang reaction mo baka ma-shy na ako," naka ngisi niyang sabi kaya agad kong tinikom ang bibig ko at agad na sinuntok siya sa dibdib. Pero grabe, ang sakit ng kamao ko.. ang tigas ng dibdib niya ha! "Kamusta ka na?" Nakangiti niyang tanong sa 'kin. "Ayos lang naman." Sagot ko at tinignan ang porma ni Reagan bago nagsalita. "Mukhang bigtime ka na ngayon ahh," nakangiti kong sabi sakanya. Naging magkaibigan kasi kami nito n'ong nasa Cavite pa kami nakatira ng pamilya ko. Bagong lipat din sila no'n ng araw na lumipat din kami. Agad ko siyang nakilala ng makita ko siyang pinalo ng nanay niya sa kakulitan. Tandang-tanda ko pa ni binelatan ko siya habang tumatawa ako ng paluin siya. Ngunit naging close friend ko siya dahil wala naman akong ibang kalaro. Malapit lang naman ang bahay namin kaya siya nalang ang kinaibigan ko. May kuya pa nga siya eh pero hindi ko close dahil masyadong masungit hindi katulad ni Reagan na pala ngiti at friendly. "Ang tagal narin na hindi tayo nagkita ahh," saad niya sa 'kin. "Oo nga. Pano iniwan mo kasi ako kaya nawalan tuloy ako ng kaibigan," naka nguso kong sabi sakanya. "Lumipat kasi kami ng bahay kaya umalis kami dati do'n sa Cavite. Hindi ako nakapag paalam sayo no'n dahil sabi ni tita natutulog ka pa daw," paliwanag niya sa 'kin. Nagtatampo talaga ako sakanya, hindi kasi siya nag paalam sa 'kin na lilipat na pala sila ng bahay. Nang magising ako ng hapon na yun ay agad akong tumakbo sa harap ng bahay nila dala-dala ang bago kong bola para sana makipag laro kay Reagan. Ngunit nakita ko ang caretaker ng bahay no'n at sinabing umalis na ang pamilyang Salazar sa bahay na yun. Umuwi ako sa bahay no'n na umiiyak dahil si Reagan lang naman lagi ang kasama ko. Siya din palagi ang kalaro ko, minsan pa nga ay sa bahay siya natutulog. "Galit ka parin ba sa 'kin?" Tanong niya sa 'kin habang sinusundot ang tagiliran ko. Iniwas ko naman ang katawan ko at inirapan siya. "Pano mo naman nalaman na si Audrey ako? Ang tagal na no'n kaya pano mo ko nakilala?" Tanong ko sakanya. "Yung nunal mo sa magkabilaang pisngi," sagot niya habang tinuturo ang pisngi ko. Kaya naman pala titig na titig siya sa 'kin. "Umalis ka na nga! May duty pa ako! Bawal ako makipag usap," suplada kong sabi sakanya. "Bawal bawal ka dyan!" Sabi niya sabay siko sa siko ko. "Gusto mo libre kita ng pagkain," nakangiti niyang sabi. "Ayaw ko! Anong akala mo sa 'kin, bata??" Masungit kong sabi. "Hindi, pero alam ko marunong ka ng gumawa ng bata." Tatawa-tawa niyang sabi kaya agad ko siyang binatukan. "Umalis ka na nga! Hindi kita kilala.. kaya chupi!!" Pagtataboy ko sakanya habang winawagayway ko ang kamay ko. "May galit ka parin sa 'kin siguro no?" Naka ngisi niyang tanong. "Wag ka ng magtampo sa 'kin. Gusto mo maglaro ulit tayo ng bahay-bahayan tapos ako ang tatay tas ikaw ang nanay," pilyo niyang sabi kaya siniko ko siya sa dibdib. "Tumigil ka nga! Hindi kita kilala! Tsaka, ayaw na kitang maging kaibigan. Nang-iiwan ka ng walang paalam kaya ayaw ko sa'yo!" Sigaw ko sakanya na ikina wala ng ngiti niya. "Sorry na. Hindi ko naman ginusto na umalis na hindi nag papaalam sa'yo eh," naka nguso niyang sabi sa 'kin. "Ahh basta, ayaw ko sa'yo. Hindi ko na kailangan ng kaibigan." Sabi ko at agad na tinalikuran siya. Pumasok ako sa store at dumeritso sa counter para mag inventory nalang. Nakita ko pang nakatayo si Reagan sa labas habang nakatitig sa 'kin. Biniletan ko siya kaya natawa ito at umalis sa harap ng store. Bahala siya sa buhay niya. Nag simula na akong mag inventory ng mga damit, seryoso akong nag bibilang ng mga sizes ng may naglapat na malamig sa pisngi ko. Iniwas ko agad ang mukha ko saka ko tinignan ang taong naglapit n'on. Naka ngising mukha ni Reagan ang nakita ko na may dalang milk tea, pizza, burger, and fries. "Ano na namang kalokohan yan, Reagan?" Tanong ko at agad bumalik sa ginagawa ko. "Ahm.. milk tea, fries— Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sinipa ko siya sa paa. "Alam ko kung ano yan hindi— "Malay ko bang alam mo, akala ko kasi hindi ka pa nakakain ng ganito eh," naka nguso niyang sabi sa 'kin. "Gusto mo tusukin ko ng ballpen ang mga mata mo?" Seryoso kong sabi sakanya. Tumawa lang siya saka at inabot sa 'kin ang pagkain. "Biro lang! Alam ko namang hindi kana taong bundok," naka ngisi niyang saad. "Lumayas ka na nga! Istorbo ka na masyado!" Sigaw ko sakanya. "Sess.. bilhin ko lahat ng paninda mo eh," mayabang niyang sabi. "Wala ka paring pinagbago, mayabang ka parin," saad ko. "Wala ka ding pinagbago Audrey, uhugin ka pa rin," pang-aasara niya sa 'kin. "Heh!" Inis kong sagot saka kinuha ang milk tea niyang hawak at agad sumipsip sa straw. "So, bati na tayo? Kinuha mo na ang milk tea eh," naka ngiti niyang sabi. Napangiwi ako bago ako nagsalita. "Pwede bang iluwa ko nalang ang nahigop ko?" Tanong ko. "Hindi na pwede! Kaya bestfriend mo na ulit ako," sabi niya. Inirapan ko nalang siya saka kumuha ng fries na hawak niya at agad na sinubo yun sa bibig ko. Hindi ko talaga inaasahan na magkikita pa ulit kami ni Reagan. Bigla tuloy nawala ang tamlay ko ng makita ko siya. Tinuturing ko kasi siyang kapatid dati dahil nag-iisa lang akong anak ng parents ko. Kaya lagi kami magkasama n'ong mga bata pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD