°.¸¸.•´¯'» Dream 28: The Night Kiss Nagulat ako sa biglang pagdating ni Andrea sa Gradball nayun. Parang ang pag dating niya ay naging signal din kung saan ay magiging stiff ang gabi kong ito. At dito palang nagsisimula ang lahat. "HI I'm Andrea." Bati nito kay NIkka. "Ayy oo ikaw pala yung sinabi ni Tommy na kababata niya." Sagot naman nito Napatahimik si Andrea ng mga oras nayon. Napatingin siya sa akin ngunit pati ako ay tumaliwas din ng tingin sa kanya. "Ganun ba..." sa mahina niyang boses. "Yes ako nga ang kababata ni Tommy." Sabay ngiti nito. Pati si Mokong ay nagulat din. Nakatingin lang ito kay Andrea sa may labas ng venue. Tila pati siya ay walang alam kung pano at sino ang nag yaya kay Andrea sa Gradball? HIndi ko naman sinabing ayaw ko siyang pumunta pero... "Nako lika n

