°.¸¸.•´¯'» Dream 29: Saying Sorry Muka kaagad ni Miss Valer ang bumungad sa harapan ko pag kadating ng lunes. Hindi naman galit ang pinapakita niyang expression ng kanyang mukha pero seryoso. Mula sa isang cellphone video ay tila nanibago sa akin ang lahat ng nangyari sa gradball. Lahat ay nakuhanan sa may naturang video. Simula ng nag usap kami ni Andrea, Pagkayakap niya sa akin at pati narin ang pag kahulog naming dalawa sa may sahig ng venue. "May sasabihin ka Mr. Tommy." Tanong sa akin ni Miss Valer. Tahimik lang ako sa may sulok ng prinsipal's office kahit na wala akong ginagawang masama. Sa palagay ko ay wala akong kakampi sa mga pagkakataong ito. Kahit na siguro magpaliwanag pa ako ng sampung beses sa harapan niya ay hindi siya maniniwala. Dahil sa lecheng video nayan! Kung si

