°.¸¸.•´¯'» Dream 21: Finding Mr. Right BOOM BOOM BOOM! Rinig na rinig namin ni Nikka mula sa loob ng sinasakyan naming ferris wheel ang lakas ng pagputok ng mga fireworks sa buong Carnival fest. Nakatingin lamang kami buhat sa normal na bintana nito mula sa mga ibat ibang ilaw na nililikha ng mga paputok sa kalangitan. "Nikka!" Bulalas ko rito. Dahan dahang tumingin sa akin si Nikka. Pa slow motion pa ang pagtingin nito na parang nakikita ko lamang sa mga romance movie. Sabay sabing. "Bakit?" Sa malumanay na boses. Napalunok ako. Dahan dahan kong binuka ang aking mga labi sabay sabing. "Nikka pwedeng malaman kung sino ang crush mo? Biglaan kong tanong dito. Muling ibinaling ni Nikka ang kanyang mga tingin mula sa may bintana ng ferris wheel. Kitang kita ko buhat sa kalating mukha niya

