°.¸¸.•´¯'» Dream 20: Night of the Fireworks MASASAYANG mga ngiti, Mga taong nagbubulungan habang lumalabas sa mga rides, Mga batang kumakain ng cotton candy habang nakasakay sa balikat ng kanilang mga ama at kung ano ano pang eksena ang nakikita ko sa Carnival Fest sa pag libot ng aking mga tingin sa paligid. Bagong bukas kasi ito. Sa kanila namang pag bubukas ay nag bigay sila ng 500 free ticktes sa unang araw nito. At buti naman ay nabigyan ako nito sa tulong ng aking kaibigan na si Arthur A.K.A Mokong. Pero eh kahit na masaya ang lugar na ito at ang atmosphere ay nakabusangot parin ang mukha ko. "Oii Dude nagpunta tayo dito para magsaya. Hindi para mag mukmok sa gilid." Sita sa akin ni Mokong. "Alam ko! Pero pano ka ba naman mag eenjoy kung ganyan ang makikita mo." Sagot ko rito. M

