Dream no.19

1670 Words
°.¸¸.•´¯'»Dream 19: It's a Date??? SSSS! SSSS! Isang bahagyang hangin ang bigla nalang umihip sa aking tenga. Ramdam ko ito pagbaling ng leeg ko sa kabilang banda ng kama. Teka teka bakit ko nararamdaman ang ganitong sensesyon? Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Sa pagmulat ko nito ay malabo ko pang nakikita ang pigura ng isang babae. Teka bakit may babae sa kama ko? Pinunasan ko agad ang aking mga mata upang lumiwanag ang aking paningin at sa muling pag tingin ko rito ay nakita ko si Nikka my loves! Nagulat ako! Anong ginagawa ni Nikka sa aking kwarto sa gantong oras? Alas syete kaya ng umaga!!! "Nikka anong ginaw...?" Tanong ko rito. Pero bigla akong natigilan. Nakita ko kasi na halos lumabas na ang dib dib nito sa suot niyang pulang pantulog. Ang neck line ng pantaas nito ay sobrang baba na halos makita na ang kanyang pinakatatagong parte ng kanyang katawan. Biglang lumapit sa akin si Nikka. Napalunok pa ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay. "Nikka anong gagawin mo?" Tanong ko rito na halos bumilis naman ang t***k ng aking puso. Inangat niya yon sa may ere. At bahagya niya itong nilalapit sa kanyang dib dib. Punyemas! Bigla kong pinikit ang aking mata! Tumutulo narin ang mga pawis ko na halos mabasa na ang aking suot na damit. Sabay sigaw na "WAGGGG!!!" With all I might. X~X~X "Hoyyy!!! Tommy nanaginip ka diyan!" Gising ni Mama sa akin. Tinatapik pa ako ni Mama sa aking braso kahit na sobrang mulat na mulat na ang mga mata ko. Agad akong bumangon. Halos manikip na yata ang aking dib dib sa sobrang tense. Nararamdaman ko pa ang mabilis na t***k ng aking puso habang napapahawak ako sa aking dibdib. "Anon bang napaginipan mo anak? Muka kang hinabol ng sampung kalabaw ahhh!" Tanong ni Mama sa akin. "Ahhh ma wala po." Sagot ko naman rito. Para talagang totoo yung panaginip ko. Pero bakit ganun kahit nasa panaginip na ako eh inaatake parin ako ng pagka torpe ko? Kainis! Ang isa pang tanong eh! Masabi ko pa kaya kay Nikka na mahal ko siya??? Pero pano? Balisa parin ako pag dating ko ng school. Pero kahit papano ay hindi ko ito pinakita sa mga kaklase ko. Nanunumbalik pa kasi sa aking memorya ang mga eksena sa panaginip ko. Umupo na ako sa aking desk. Inayos ko muna ang aking bag sa aking likuran. Pag panik naman ng ulo ko sa harapan ay biglang bumungad sa akin ang mukha ni Nikka. "HI! Tommy!" Bati nito sa akin. Nagulat ako! Parang ang eksenang ito ay yung sa napaginipan ko! Biglang namula ang mga pisngi ko. Muling bumilis ang t***k ng puso ko sabay init naman ng aking katawan. "H-h-hi! Nikka." Pautal utal kong sabi. Tila nagtaka naman si Nikka sa reaksyon ko. Napatingin siya sa mukha ko at nagtanong. "Okey ka lang Tommy?" Tanong nito sa akin. "O-o-o okey lang ako!" Sagot ko naman rito na tense parin. "Ahh okey.'' Wika naman ni Nikka sabay ngiti. Umalis na si Nikka pag karaan ng isang minuto. Pag alis niya ay talaga namang nakahinga ako kaagad ng maayos. Pakiramdam ko ay lumabas ako sa isang kwarto na walang bintana at walang pintuan. Nawala narin ang mabilis na pag t***k ng puso ko at pinunasan ko rin ang aking pawis. Tapos nun ay dumating naman si Mokong.  "Dude! Dude!" Masaya nitong bati sa akin. "Ohh bakit?" Tanong ko naman rito habang tinitignan ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat. Pano naman kasi nagtatatakbo! Mula sa kanyang bulsa ay nilabas niya ng dalawang ticket. Kulay pula ito at may nakalagay na Carnival fest. Grand opening. "Ohh anong meron sa ticket nayan?" Sabi ko.  "Dude naman eh! Ito na ang pagkakataon mo para maka point kay Nikka! Sa nakangiti nitong sabi. Napatingin lang ako sa mukha ni Mokong. Hindi ko kasi Magets yung mga pinagsasabi niya. "Dude tulog ka paba? Tanong nito sa akin na umiiling iling pa. "Eto yayain mo siya." Pagpapatuloy nito sabay bigay sa akin ng dalawang pulang ticket. "Talaga!" Gulat ko namang sagot rito ng tila eh nabuhayan ako ng dugo. Tinignan ko ang pulang ticket. Pero bigla rin akong nalungkot kaagad. Pano ko naman kasi si Nikka yayayain? Nahhihiya ako. "Oii Dude hindi kaba masaya? Eh ito na ang pagkakataon mo diba!" Sita sa akin ni Mokong. "Oo alam ko pero pano ko siya yayayain?'' Tanong ko naman sa kanya. Biglang nagpunta si Mokong sa harapan ko. Hinawakan niya ako sa may balikat at muling nagsalita. "Okey dude ganto lang yan eh." Pagpuputol niya habang tila iniayos pa niya ang kanyang sarili. Una huminga ka ng malamin." Wika niya.  Tapos huminga naman ako. "Tapos?" Tanong ko ulit. "Then. Kunin mo yung kamay niya like this." Sabay kuha sa kamay ko. "Tapos?" Tanong ko ulit. "Tapos eh gayahin mo lang ang mga sasabihin ko. Pumrente si Mokong sa harapan. Tinaas pa nya ang kanyang noo sabay banggit sa mga salita. "NIkka" - Mokong "Nikka" - Ako "Pwede ka bang..." - Mokong "Pwede ka bang..." - Ako "Yayaing lumabas sa sabado?" - Mokong "Yayaing lumabas sa sabado?" - Ako. Bigla kong na relieve ng nasabi ko yun. Pakiramdam ko kasi ay sinasabi ko nayun sa mismong harapan ni Nikka. Pero eh biglang nalang may sumagot sa likuran lang ni Arthur. "Talaga!!!" Sa masaya nitong boses. Nagkatinginan kami ni Arthur. Hindi kasi namin inaaasahan na medyo napalakas ang aming sabi at may nakarinig na iba. Napalunok ako. Tila kasi ay kilala ko na kung kanino nanggagaling ang boses nayon. Kasabay naman nun ay dahan dahang umalis si Arthur sa kanyang pwesto upang makita namin kung sino ang taong yun. At punyemas dahil si Nikka nga!!! Biglang namula nanaman ang pisngi ko. Ang buo kong katawan ay hindi halos makagalaw sa sobrang pagkabigla. Habang banaag naman mula sa mukha ni Nikka ang labis na kasiyahan. Unti unting lumapit sa akin si Nikka. Inabot ko naman ang ticket sa kanya habang pinipilit ko na ngumiti. Tila kasi pati ang aking mga panga ay hindi makagalaw. "Hayaan mo Tommy hindi ako ma le late. Matagal ko na kasing gusto ulit pumunta sa mga park na ganto eh!''  Wika niya sa sobrang tuwa. "Ahh ganun ba he he!" Tanging nasabi ko. Pagkatapos nun ay umalis na si Nikka at sumama na ito sa iba pa niyang kaibigang babae. "Ano dude epektib diba? he he!" Wika ni Mokong pagkatapos lumapit sa akin. "Oo epektib nga!'' Sagot ko naman rito. X~X~X Ginandahan ko talaga ang aking kasuotan pag dating ng sabado. Todo porma kaya ako! Konting lagay ng wax sa buhok at todo lagay ng pabango. "Anak ang angas natin ngayon ahhh!" Sita sa akin ni Mama pag baba ko sa may sala. "Parang ako lang nung kabataan ko ahhh." Sabat naman ni Tito Ernesto. Ngumiti lang ako sa kanila habang nagsusuot naman ako ng aking sapatos. "Ma! Tito! Alis napo ako.'' Pag papaalam ko sa kanila. Sabay naman nilang sinabi ang salitang MAG INGAT KA! Excited na akong pumuntang park na tila eh may sumusunod sa akin. Sumilip naman ako sa aking likuran ngunit wala naman akong nakita.  Kaya naman ay pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad. Pero tila may sumusunod talaga eh! Kaya naman eh hinuli ko siya. Bumalik talaga ako sa may likod at mula rito ay nakita kong may nagtatago sa may likod ng basurahan. "Hooii Arthur patago tago kapa diyan eh kita ka naman!" Sita ko rito. Dahan dahan namang sumulip si Arthur mula sa bunganga ng basurahan. At bahagyang ngumiti sa akin. Sabay sabing. "Hi Dude! Musta?'" Na naka ngisi pa. Inis na inis ako sa ginawang yun ni Mokong. Mokong nga talaga! "What is the meaning of this?" Pagkairita kong sabi. "Akala ko ba eh date to? Eh bakit ka nandito?" Tanong ko "Eh dude kalma ka lang." Pagpuputol niya. "Kasi dapat eh mag da date din kami ni mahal ko kaya lang eh biglang may emergency sa bahay nila kaya hindi siya nakapunta. Eh sayang naman yung ticket ehh!" Pagsasalaysay nito.  "Eh ano panga ba? Nandito kana eh." Sagot ko naman rito. Halos kalahating kilometro na lang ang aming nilakad patungon Carnival Pest. At yun kinabahan nanaman ako. "Dude? Wag kang kabahan. Isipin mo na para ka lang papasok sa kwarto tapos nandon si Nikka sa loob.'' Pagbibiro nito. "Punyemas ka eh mas lalo kong kakabahan niyan eh!" Sagot ko rito. Huminga na ako ng malalim. Pagkatapos nun ay sumilip muna ako ng bahagya sa may entrance ng Carnival kung nandun na si Nikka sa loob pero puro maraming tao lang ang nakikita ko. Hanggang may tumawag mula sa aking likuran. "Tommy!" Tawag nito sa akin. Agad naman akong tumingin mula sa pwesto ng tumawag sa akin. At shoot nakita ko si Nikka! Naka puti itong bestida at ang kanyang buhok ay nakatirintas. Napaka ganda talaga niya! Haiii! Tumakbo siya ng bahagya papunta sa aming pwesto. Ang kanyang buhok ay talaga namang lumulundang lundang sa hangin habang ang kanya namang bestida ay tila napakalambot sa hampas nito sa himpapawid. "Oii Arthur nandito karin pala!" Gulat ni Nikka sabay tingin nito kay Mokong. "Hii Bati naman nito kay Nikka. "O pano pasok na tayo sa loob." Yaya ko sa kanilang dalawa habang tinuturo ko ang entrance ng Carnival fest. Pero agad namang ng refuse si Nikka sabay sabing. "Teka teka lang" Wika nito. Nagulat kaming dalawa ni Mokong. Napatingin kaming dalawa kay Nikka habang tila eh may hinihintay siya sa karamihin ng taong nasa paligid. Ang ulo naman nito ay parang giraffe kung makatingin. Makalipas lang ng isang minuto ay biglang may dumating na isang lalaking naka sumbrero. Nagtatakbo ito at hindi mapagkakailang ito ang hinihintay ni Nikka dahil sa mismong pwesto namin ito tumigil. "Nikka sino yan? Tanong ko kay Nikka na may pagtataka. Agad naman umayos ng tayo ang lalaking ito at agad na tinanggal ang kanyang sumbrero. Sa kanyang pagtanggal rito ay siya naman kita namin sa kanyang mukha. "Hi!!! Tommy! Arthur!" Bati sa amin ni Mark sabay ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD