°.¸¸.•´¯'» Dream 18: Operation 1-2-3
NAKASALAMPAK LANG ANG MUKHA KO SA MAY DESK Habang nakatingin sa posisyon nila Nikka at Mark. Kasalukuyan kasi silang nag bubulungang dalawa. Nakakainis! Naaalibadbaran ako! Parang napaka saya kasi ni Nikka simula ang dumating si Mark sa section namin. Feeling ko tuloy eh echepwera na ko sa buhay ng aking nag iisang dream girl na si Nikka my loves! Sabay padyak pa ng paa ko!
"Sususus! Anong drama yan parekoi." Sita sa akin ni Arthur pag dating niya.
Hindi ko siya kinausap. Ramdam ko parin ang pag kainis sa buong katawan ko. Tila hindi na yata ito maalis hanggang hindi nawawala sa paningin ko si Mark!
Tumingin si Mokong sa kabilang lamesa. Nung nakita niya sila Mark at Nikka na talagang close na cose eh! Nabasa na niya ang sertimyento ko. Tumabi ito sa akin habang nginangat ngat pa niya ang kanyang kuko.
"Tsk tsk tsk kawawang Tommy. May iba ng mahal yung mahal niya." Pangungutya ni Arthur sa akin.
Agad ko namang tinakpan ang bibig niya. " Ano ba baka may makarinig sayo!" Sa pabulong kong boses.
"Asusus! Bakit tago paba. Eh nakasal na nga kayo diba???" Wika ni Arthur.
"Ano kaba eh joke lang naman yun." Sabi ko naman.
"Pero hindi mo parin maalis na nagseselos ka kay Mark. Aminin mo?" Tanong ni Mokong sa akin na nailapit pa ang mukha nito sa mukha ko.
"Wala ka ng pakielam dun." Galit ko namang sabi sabay tayo.
"O saan ka naman pupunta?'' Tanong nito na biglang nagulat.
"Ewan ko. Basta uuwi na ako!" Sabi ko naman.
Kinuha ako na ang aking bag at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Sa gilid ng aking mata ay hindi ko magawang hindi tumingin kila Nikka. Sige parin ito sa pagtawa. Halos mawala na nga ang mata ni Nikka habang binubulungan naman siya ni Mark sa kanyang tenga.
Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa aking sarili kung may past ba sila??? Eh kulang nalang eh may pang abot ang bibig ni Mark sa labi ni Nikka sa sobrang lapit nito.
Hanggang sa pagbaba ko ng hagdanan ng school eh dala ko parin ang galit. Mabigat ang paglapat ng mga paa ko sa may hagdanan hanggang biglang may humawak ng balikat ko. Nako si Mokong nanaman to at pipigilan nanaman ako. Wika ko sa aking isipan.
"Ano ba!!!" Galit kong sabi. Sabay tanggal sa kamay niya.
Ngunit pag tingin ko sa aking likod ay si Miss Ancheta pala. Kitang kita ko mula sa expression ng mukha nito ang labis na pag kagulat.
"Tommy are you okey?'' Tanong agad nito habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Nako Miss sorry po." Wika ko naman sabay tungo.
X~X~X
Pati pag uwi ko galing school eh ang matamis parin ng pag titinginan nila Nikka at Mark ang nasa isipan ko.
Muli pang bumabalik sa aking memorya ang mga eksena kanina. Makalapat ang mga labi ni Mark sa tenga ni Nikka. Parang kulang nalang eh halikan na niya ito sa parteng yun. Pagkatapos naman ay biglang mukang magugulat si NIkka. Sabay sabing "HIndi nga." At biglang tatawa.
Walang labis ang kanyang mga ngiti. Sa tingin ko nga eh mas nagugustuhan pa niya ang company ng Mark nayun kaysa sa akin.
Pano naman ako??? Pano??? Pasigaw kong sabi habang nakataas pa ang aking mga kamay sa hangin. Para akong mukang tanga na kung ano ano ang iniisip.
"Tommy?" Biglang tawag sa likod ko ng isang tinig.
Nagulat naman ako. Sino na naman kaya ang naka kita ng kaartehan ko ngayon? Patay!!!
Unti unti akong tumingin. Napapalunok pa ako habang nililipat ko ang aking tingin sa aking likod. Pagsilip ko rito ay si Nikka pala. Anak ng tupa!
"Tommy okey ka lang. Kanina kapa walang imik. Saka mukang wierd?" Sita sa akin ni Nikka habang papalapit ito.
Matagal muna akong hindi sumagot. Nag iisip pa kasi ako ng aking i aalibi sa kanya. Kung pwede ko nga lang sabihin na "Nikka! Selos na selos na ako sa inyo ni Mark! Alam mo bayun???" Habang napapaluha pa eh gagawin ko na! kaya lang eh nasa reyalidad tayo sa ngayon kung saan ay hindi nabibili ang mga salita at emosyon kundi ginagawa.
"Ah w-w-wala" Pautal utal kong sabi.
Mukang hindi naman naniniwala sa akin si Nikka. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa sabay sabing. "Okey sabi mo eh. Pero kung ano man yon eh nandito lang ako." Wika nito sabay ngiti.
Bigla nanaman tumibok ang puso ko. Ang lakas. kasabay nun ay unti unitng lumabas ang kaunti kong pawis sa aking noo.
Nagsimula na namang maglakad si Nikka. Kakaliwa nalang kasi kaming pareho at malapit na kami sa village ng...
"Ahh Nikka?" Tanong ko rito.
Tumingin naman ulit si Nikka sa akin. Humampas ang buhok nito sa hangin sabay sabing. "Bakit?"
Gusto ko na sanang itanong sa kanya na. "Nikka may gusto kaba kay mark? May past ba kayong dalawa? Mukang gustong gusto mo eh?'' Pero natorpe nanaman ako instead eh ito nalang ang nasabi ko.
"Ahhh Nikka. Mag ingat ka!" Sa biglaan kong sabi.
Tumawa si Nikka. "Ha ha alam mo Tommy kung makapag sabi ka ng mag ingat eh ang layo layo pa ng lalakarin natin eh ang lapit nalng kaya." Wika nito sabay tawa ulit.
Ang hagikhik ni Nikka ang nagpalakas ng loob ko. Pagkarinig ko nito ay tila eh isa siyang ginto na ayokong mapunta sa iba. Sabay sabi niya na. "Pero Tommy Salamat." Pagpaptuloy niya. Sabay direcho na sa paglalakad.
Ewan ko ba pero bigla akong na energize. Alam ko na wala akong panama kay Mark. Pero kahit na sa butas ng karayom ay papasukin ko. Ika na sa isang line ng pelikula. Sabay contact sa number ni Mokong.
X~X~X
Kinabukasan sa school.
"Ano!!!" Sigaw ni Arthur sabay tabing naman ng kamay ko sa bunganga niya.
"Hinaan mo naman yung boses mo. Di ka naman masyadong iskandaloso.'' Sita ko rito na naiinis na.
Tumayo ko Arthur sa ikanauupuan niya. Umikot ikot siya sa akin. Habang tila may malalim na iniisip.
"So inaamin mona na insecure ka kay. Mr. M?" Tanong ni Mokong sa akin na parang imbestigador.
"Oo ganun na nga!" Wika ko kahit ayokong aminin.
"Alam mo pre eh madali lang naman yan eh. Para mapasayo ulit ang atensiyon ni Nikka eh galingan mo sa mga activity natin. Ipakita mo na mas magaling ka, Mas matalino, Mas gwapo!" Payo ni Arthur.
"Yun lang?" Tanong ko naman.
"Yes bro wala ng iba." Sagot naman nito.
Kaya naman eh sa lalong madaling panahon ay ginawa na namin ni Arthur ang aking misyon. he he!
1st operation:
Sa English. Napili si Mark na maging leader sa activity namin at syempre nagprisinta naman ako para maging leader ako sa kabilang grupo.
Ang agenda. Gagawa kami ng mini drama in full english gamit ang mga compound sentenses. Sa tulong ni Arthur ay sinabutahe namin ang grupo nila Mark. Pinag pupunit punit namin ang mga costume nila na parang mag mukang basahan. Ha ha!
Pero ng sila na ang nag perform ay mas nagustuhan pa ng teacher namin ang concept nila dahil naaayon daw ito sa krisis ngayon ng ating bansa. Ang POVERTY! Sabay todo pa papuri kay Mark si Miss Ancheta langya!
2nd Operation:
Nilagyan namin ng c****m ang bag ni Mark. Ha ha! Para ma turn off sa kanya ang mga girls pati narin si Nikka pag binuksan nito ang bag niya. Pero mukang nagkamali kami!!! Punyemas naman ooh!
Dahil mas mukang manly daw ang dating pag may condm sa bag. Ang siste pa eh pinamigay pa ito ni Mark sa mga kaklase kong mahihilig din sa ganung usapan at yun naging instant Santa Clause siya.
3rd Operation:
Si Mark na ang mag rereport sa Math ngayon. Inferness kahanga hanga ang ginawa niyang visual aid para sa amin Pero mas kahanga hanga paba siya kung kukunin namin ito? He he!
Yes mga kaibigan tama ang mga nasa isip nating dalawa esta nasa isip ko lang pala. Kinuha ko ang visual aid ni Mark.
Prenteng prente lang akong nakaupo sa aking pwesto habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Pagdating ng ilang minuto ay si Mark na ang mag rereport. Nag ngingisian pa kami ni Mokong habang si Mark naman eh tila aboridong aborido sa pag hahanap ng visual niya.
"Yes Mark ano yun?" Tanong sa kanya ni Miss. Parana.
"Ahmm Miss wala po." Pagaakila ni Mark.
Pinanood lang namin siya. Siguradng babagsak kana ngayon. Wika ko sa aking isipan. Pero tila mali nanaman ako dahil saulo pala niya ang lahat.
At mas hinangaan pa siya dahil kakaiba daw siyang mag report. On the spot kasi siyang ng cocompute! Punyemas!!!!
X~X~X
"Dude okay lang yan!" Wika ni Mokong habang hinihimas himas ang likod ko.
Nasa canteen kami ni Mokong. Habang ako naman eh halos humalik na sa puting table ng canteen dahil sa sobrang panlulumo ko. Walang wala na talaga akong pag asa na tapatan ang talino ni Mark. Walang wala!
Sa akin namang pag sesertimyento ay bigla nanaman akong tinapik ni Mokong.
"Dude umayos ka sila Nikka paparating.
"Ano??'' Gulat ko.
Bigla akong umayos ng upo. Pinunasan ko pa ang lamesa ng panyo ko para matanggal ang pawis na nagmula sa aking ulo.
"Hi Tommy! Hi Arthur!" Bati ni Nikka sa amin habang papalapit.
"Hi" Sabay naman naming sagot ni Mokong.
Okey lang kung si Nikka ang pumunta samin eh. Pero kasama nanaman niya si Mark na parang utot niya.
"Ahh Tommy kumain naba kayo?" Tanong ni Nikka.
"Ahmm hindi pa nga eh!" Singit naman ni Arthur sabay ngiti. "Bakit?" Pagpapatuloy nito.
"Ahmm kasi kung pwede sana eh sumabay kami ni Mark sa inyo." Request ni Nikka.
Biglang nanrindi ang tenga ko. Sarap ditong magwala! Yeah! Dito mismo sa kinauupuan ko. Naimagine ko pa na binabalibag ko ang lamesa tapos bigla kong ipapatama ang aking kamao sa mukha ni Mark nato! Kahit na pigilan ako ni Nikka eh hindi ako titigil para kahit papano eh makaganti ako rito.
Pero biglang tinapik ni Mokong ang binti ko. Sinipa niya ito ng bahagya. Tila sinasabing pumayag na ako. Bigla naman akong tumingin sa mukha ni Nikka. Nakita ko sa mukha nito ang sinseridad na gusto talaga nitong tumabi sa akin este. Kumain na kasama namin. Kaya naman eh!
"Sure why not!" Plastic kong sabi.
Agad namang natuwa si Nikka. " Really? Yes!!! Ahmm okey dun muna kami ni Arthur at pipipili lang kaming makakain." Wika ni Nikka habang nakangiti. "Lika na Arthur." Yaya nito rito sabay alis.
Naiwan lang ako sa aming pwesto habang kasama ang kinaiinisan ko ngayong tao sa balat ng lupa na si Mark.
Parang disyerto ngayon sa buo kong katawan at sa aking kinalulugdan. Pano ko nasabi? Kasi init na init na ang katawan ko. Kahit na dulo lang kasi ng daliri ni Mark ang nakikita ko eh. Parang gusto ko na siyang saktan. Samatalang tila eh ang lalamunan ko rin ay tila natutuyot narin dahil sa sobrang init.
Tumatapik tapik lang si Mark sa may lamesa. HIndi rin ito nagsasalita. Tila pinaka raramdaman niya ako.
Hanggang walang anu anoy bigla siyang nagsalita.
"Ahhmm Tommy?" Tanong ni Mark sa akin. Pero hindi lang ako sumagot. Bagkus ay nilagay ko ang kamay ko sa aking mata at dinantay ko naman ang aking siko sa may lamesa.
Pero matigas parin ang ulo niya tila hindi siya nakakaintindi ng salitang AYAW KITANG MAKAUSAP AT MAS LALONG AYAW NA AYAW KITANG MAKITA! Sige parin siya.
"Tommy salamat." Sa mahina nitong boses.
Bigla akong natigilan sa aking sertimyento. Ano ang ibig sabihin niya sa salitang salamat nayon?
Inalis ko ang kamay ko sa aking mga mata at unti unting tumingin sa kanya. Nakita ko pa ang mukha niya na nakatingin sa akin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.
Ngumiti si Mark sa akin. Ang mga ngiti nito ay tila may labis akong nagawa na labis naman niyang kinatuwa. Sabay biglaan niyang kwento.
"Kanina kasi eh habang naguusap kami ni Nikka ay nakwento niya sa akin na lagi mo raw siyang pinagtatanggol kahit kanino." Pagtatapat sa akin ni Mark. "Kaya Tommy maraming salamat dahil inalagaan mo ang kaibigan ko." Pagpapatuloy niya.
Bigla akong napatunganga. Ang kanina kasing ginawan ko ng katarantaduhan ay nag papasalamat pa sa akin ngayon! At hindi lang yun dahil kahit sila ang mag kasama ni Nikka eh naiisip parin ako ni Nikka kahit papano! Ang saya ko!!!
"Ahh ee! Ala yun.'' Sa normal ko na boses.
Bigla namang dumating sila Nikka kasama si Mokong na halos maraming dalang pagkain. Samantalang ako eh nakatunganga parin sa mga narinig ko mula sa bibig ni Mark.
"Dude are you drugs?" Tanong sa akin ni Mokong sabay tapik sa balikat ko.
"Drugs ka dyan!" Sagot ko naman.
Pagkatapos nun ay nagkatinginan kaming apat at sabay na nagtawanan.
Ngayon napag tanto ko na. Na mabait rin pala tong si Mark eh. Pero syempre hindi parin ako kapapasiguro. Siguro sa ngayon eh second pa ako sa puso ni Nikka may loves. Pero itataga ko sa bato na darating din ang araw na ako naman ang magrarank na number 1 sa puso niya.