Dream no.17

1836 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 17: Boy Next Door MABILIS ANG AKING PAGTAKBO PARA HINDI AKO MA LATE. Nag usap kasi kami ni Mokong na magkikita sa paborito naming fast food ang MacJolly. Mukang manlilibre si Mokong nakadekwat nanaman siguro ang lalaking ito sa pitaka ng nanay niya. "Dude naman mamumuti na yung mata ko sa kakahintay!'' Inis na sabi ni Arthur sabay kamot ng ulo. "Pasensya na dude eh si Mama eh nagpautos pa!'' Sabi ko naman sabay ngiti. Pumasok na kami sa nasabing fastfood. Nasa counter na kami ng nakita ko si Arthur na nagbibilang ng pera niya. "Wow tsong tiba tiba tayo ngayon ahh! Kaninong matrona ka nagpaano. Este kinupit mo yan no?" Tanong ko rito. Sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya. "Naman dude masama yang sinasabi mo. Eto yung nakuha kong reward sa exam natin last time. Binigyan ako ni Mama ng pera sa sobrang tuwa niya. Feeling niya yata eh valedictorian na ko! He he!" Pagkekewento ni Mokog sabay tawa. "Kaya naman eh i te treat kita!" Pagpapatuloy niya. "Yan! yan! Ang gusto ko sayo eh!" Sagot ko naman sabay tapik sa likod niya. Maraming inorder tong si Mokong. Malaking french fries,  MacJolly burger, Spaghetti at sundae para sa dessert. "Wow!" Bulalas ko habang nakatingin ako sa pagkain. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong tikman. Ang isa pang tanong eh  mauubos ko kaya ang lahat ng ito? Si Mokong naman ay inumpisahan na ang pag subo sa isang malaking burger. Ang mga juice nito ay talaga namang lumalabas mula sa layer layer na patty na palaman nito. " Sabay HMMM Ang sarap!" Bulalas niya. Masaya kaming nagkakainan sa loob ng fastfood ng bigla namang napatingin si mokong sa may labas. Tila meron siyang nakitang kakaiba mula rito. Tinapik niya ako sa aking braso. Pagkatingin ko naman dito ay nakita ko pang naglalabasan ang marami pang mga sauce mula sa bibig nito. "Dude tingin ka sa labas. Tama ba ang nakikita ko?" Tanong niya sa akin. "Ahhh bakit?" Gulat ko naman. Unt unti akong tumingin sa may glass window ng MacJolly. Nung una eh ang maraming tao lang ang nakikita ko.  "Saan ba dyan ang dami kaya?" Pagrereklamo ko. "Dude sa may poste. Diba is Nikka yun?" Tanong ulit nito habang nakamasid din. Tinignan ko ng marahan ang poste na tinutukoy ni Mokong. Mula naman rito ay may nakatayo ngang babae.  Marahan ko siyang tinignan. Talagang sinuyod ko ang mga aspect kung siya nga talaga si Nikka. Sa buhok check  [✓] Sa pangangatawan check  [✓] sa taas check [✓] Unti unti rin itong humarap at sa mukha nito ay chek na check  [✓] [✓] si Nikka nga! Pero anong ginagawa niya rito? Tanong ko bigla sa aking sarili. Tapos na kaming kumain ni Mokong. Pero nandun parin si Nikka. Matiyagang nagbabantay mula sa naturang poste. "Dude lika lapitan natin." Yaya ni Mokong pag labas namin ng MacJolly "Ehhh ayoko nga!" Sabi ko naman. "Kakainis to! Pa hiya hiya kapa eh!" Sabi ulit ni Mokong. "Nako basta ako eh pupunta doon!'' Banta niya sabay tingin sa pwesto ni Nikka. "Ikaw bahala.'' Sagot ko naman. Akala ko eh nag bibiro lang tong si Mokong pero totoo pala! Punyemas! Umentra na si Mokong. Tumingin tingin muna siya sa kaliwat kanan ng pedestrian lane bago tuluyang tumawid. Nakatingin lang ako mula sa aking pwesto habang tinitignan kong lang siya na naglalakad patungo kay Nikka. Mayat maya eh nakapunta na siya. Nagsimula na silang nagusap at tila eh tinatawag niya ako. Kumakaway pa siya na ang ibig sabihin ay pumunta ka rito. Pumunta naman ako afterward. Nakakahiya naman kasi dahil mismong si Nikka na ang tumatawag sa akin. "Oii Tommy anong ginagawa ninyo rito?" Tanong nito. "Ahh nilibre lang ako ni Arthur. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" Bawi kong tanong. Ngumiti si Nikka. Tumingin muna siya sa akin at biglang sinabi. "May hinihintay kasi akong kaibigan." Wika niya. "Wala pa nga eh." Pagpapatuloy niya na halata na ang pagka inip. "Gusto mo eh samahan ka namin!" Sa nakangiti kong sabi. Bigla naman siayng humindi. " Nako Tommy wag na okey nako. Malapit nadaw siya." Sabi naman ni Nikka habang napapailing. "Sigurado ka?" Sabi ko naman "Opo siguradong sigurado.'' Sagot naman niya.  "O sige. Text mo lang ako pag may problema." Offer ko rito. "Sige!'' Maiksing sagot naman niya. Niyaya na kong umalis ni Mokong pagkatapos ng aming maiksing pag uusap. Habang papalayo kami ng papalayo ay hindi ko maiwasang mapatingin sa pwesto nito. Pero tuwing titingin naman ako sa mukha niya ay tila kahit na naiinip na siya ay talagang makikita mo na determinado siyang hintayain ang sinasabi niyang kaibigan. X~X~X Naglalakad na kami ni Arthur pauwi. Normal lang ang expression ng mukha ko samantalang mukang clown naman yung kay Arthur. Hyper nanaman! "Dude are you okey?" Tanong nito sa akin habag naglalakad kami. "Huh bakit naman?" Tanong ko naman dito. Napatigil kami sa aming paglalakad. Napabuntong hininga ako sabay tingin kay Mokong. "See? meron nga!" Pagpuputol ni Mokong. " Nag aalala ka kay Nikka no? Aminin mo?" Tanong ulit ni Mokong sa akin. "Kasi naman ehh!!!!" Usal ko. Bigla ko siyang hinawakan sa kanyang magkabilang balikat. Tinignan siya sa kanyang mga mata at agad na nagdadramang sinabi. "Baka kasi eh..???" * Mabangga si Nikka? * Okaya eh madulas siya sa may kalye tapos masilipan siya. * Pwede ring maholdap siya habang naghihintay. * Umulan tapos mabasa siya. Wala pa naman dung masisilungan. * Magutom siya. * Mauhaw. *At ang pinaka malala doon ay ang ma r**e siya!!!!! Sigaw ko. Habang niyuyugyog si Arthur. Halos maduling duling naman ata si Arthur sa pag uugoy ko rito. Pumikit muna siya ng ilang minuto at agad na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. "Oii dude ang OA OA mo ehhhh! Naghihintay lang eh may mangyayari ng masama. Eh kung ganun naman pala eh bakit pa inimbento ang paghihintay???" Wika ni Mokong sabay tingin sa akin. Napaisip rin ako. Tama dapat think positive lagi. Ano batong pinag iisip ko. Mga hindi dapat isipin nakakainis! Hinawakan ko muli si Arthur sa kanyang balikat. Huminga ako ng malalim sabay  sabing. "Alam mo Arthur tumatalino kana!" Sabay sakal ko sa kanya. X~X~X Kinabukasan sa eskweslahan. Goodvives na goodvives ang dating. Walang bahid ng pagkakaakila kong nakikinita ang araw nato na isa sa mga good day sa buhay ko. This past few days kasi ay dire direcho ang swerte na dumadating sa akin. He he! Sana eh magtuloy tuloy na. "Ang laki ng ngiti natin ngayon ahhhh!" Wika ni Mokong sa akin pag dating ko. "Oo naman diba dapat naman eh laging goodvives para goodvives din ang ma absorb natin." Sagot ko naman dito. Wala pa si Nikka. Kaya naman eh naisipan ko munang sumiip sa may bintana ng aming classroom. Usual naman ang nakikita ko mula rito. Mga babaeng naglalakad tapos biglang hahangin ng malakas ang palde tapos makikita ang hindi kanains nais na bagay he he!, Mga estudyanteng nag sisipa, May nag chichismisan din eh ang aga aga, Meron din namang naghihiram ng gamit, Nag liligawan at kung ano ano pa.  Ngunit mero nakaagaw ng aking pansin. Isa kasing lalaki ang mukang bagong estudyante dahil sa naka civilian pa ito. "Oii dude ano bang tinitignan mo diyan?" Usyoso ni Mokong. "Wala naman.'' Sagot ko sabay panik sa loob. Dumating narin si Nikka pagkaraan ng ilang minuto. Mukang labis ang kasiyahan niya ngayong umaga. Dahil ba sa nakita nanaman niya ako? he he! "Hii Nikka!" Bati ko rito na tinapatan ko ang level ng kanyang kasiyahan. "Oii Tommy!" Gulat naman nito. "Musta pala yung paghihintay mo kahapon? dumating ba?" Sa pauusyoso ko. "Ayy Oo dumating sa awa naman ng diyos." Sagot nito sabay ngiti ulit. Ang sarap talagang ngumiti ni Nikka. Nakakawala ng lungkot. Pero eh hindi parin matanggal tanggal na nararmdaman ko pag nagkakalapit kami eh ang aking kaba. Dumating na si Miss Ancheta. Lahat kami ay agad ng nag nagsibalik sa aming mga upuan. Pagkatapos nun ay sabay sabay naman naming sinabi ang walang katapusang chant pag dumarating ang mga teacher. GOOD MORMING MISS ANCHETA. Sabay tungo! Good mornng class. Umupo na kayo. Sagot naman ni Miss sa amin. Kinabit na ni Miss ang kanyang reading materials sa blackboard pagkatapos nun ay nag salita siya. "Ahh class bago tayo mag start ng lesson ay may ipapakilala ako sa inyo na bago ninyong kaklase." Wika ni Miss. Agad na nanahimik ang buong klase. Ang iba ay hindi na napigilan ang pag bubulungan. "Okey Mr. pumasok kana dito." Wika ni Miss. Mula sa may pintuan ay biglang pumasok ang isang lalaki. "Teka medyo namumukaan ko to ahhh! Ito yung nakita kong naka civilian kanina". Sabi ko sa aking isipan. Medyo nahihiya pa ang naturang bago naming kaklase habang pumapasok siya sa loob ng aming classroom.  Sinuri ko rin ang itsura niya. Medyo maputi ito, May  itsura at tila mukang matalino. "Hi sa inyong lahat." Bati nito sa amin. "Ako nga pala si Mark Teodoro. Galing sa Saint Clire school for boys.'' Sa normal nitong boses. Tinapik naman akong muli ni Mokong. "O bakit nanaman?" Sa inis kong tanong. Hindi si mokong nagsalita. Bagkus ay ninguso lang niya ang kanyang bibig sa pwesto ni Nikka. Pagtinign ko rito ay nakatingin lang si Nikka sa mismong bagong transfer. Pero bakit ganun siya makatingin??? Mukang labis ang kanyang kasiyahan. Bakit??? Bakit??? Uwian na namin. Niligpit ko na ang aking mga gamit habang naglalabasan na ang iba kong mga  kaklase. Kasalukuyan kong nilalagay ang notebook ko sa math ng bigla akong tawagin ni Nikka. "Tommy!" Tawag nito sa akin. Pero hindi muna ako kaagad tumingin. Makalipas ng ilang sigundo ay naramdaman ko nalang na lumapit si Nikka sa pwesto ko. Mukang may mahalaga itong sasabihin sa akin. Nang matapos na akong mag ayos ng gamit ay agad na akong tumingin sa kanya.  Nagulat ako sa aking nakita. Katabi niya kasi ang bagong transfer student na si Mark. Mukang matagal na silang magkakilala. Napatayo ako. Bakit all of a sudden eh mukang close na sila ni Nikka??? Teka teka wag mong sabihing...??? Yan ang mga tanong na pumapasok sa isipan ko habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. "Tommy okey ka lang?' Tanong ni Nikka sa akin habang tila nabanaag niya ng pagkagulat ko. "Oo okey lang ako. Wag kang mag alala." Sagot ko naman kay Nikka habang nasa magkabilang gilid lang ang aking kamay. Napangiti lang si Nikka. Unti unti na niyang binuka ang kanyang bibig at sinabi. "Tommy si Mark nga pala. Siya yung hinintay ko kahapon." Pagsasalaysay niya. What the hell! Pagkagulat ko. Kaya pala nagun nalang siyang makangiti kanina sa lalaking ito!!! Punyemas!!! Ngumiti si Mark sa akin. Inangat nito ang kanyang kamay at tuluyang nakipag kamay sa akin. Sabay sabing. "Tommy sana maging magkaibigan rin tayo." Wika nito sa normal na boses. Agad ko namang sinuklian ang kanyang pakikipag kamay. Kahit ayoko man eh tinaas ko rin ng bahagya ang kamay ko sabay sabing. " Sana nga!" With plastic na ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD