Dream no.16

2051 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 16: Teach me Nikka one more time! PASS THE PAPER AT YOUR BACK. Utos ni Miss Ancheta. Pagkatapos eh winagayway niya ang kanyang kamay sa ere. 3rd periordical test na kasi namin ngayon sa Fiipino. Kaya naman eh todo review ako kagabi. Pagkatapos ng nakakapuyat na project eh kailangan na makakuha daw kami kahit 80 percent sa test namin ngayon. Punyemas oooh! May pa lang lang patong si Miss. Eh ang hirap kayang makakuha ng ganong percent! Nakatalikod pa ang puting papel sa aking harapan. Bawal padaw kasing tignan ng wala pa sa hudyat. "Pagkabilang ko ng tatlo ay agad niyo ng baligtarin ang papel nayan at agad na sagutan. Naiintindihan nyo ba class?" Tanong samin ni Miss Ancheta. Agad naman kaming nag sabay sabay na sagot na "Yes Maam!" With full of energy. "In 5 - 4 - 3 - 2 - 1!" Wika nito sabay baba ng kanyang kamay. Para lang kaming nasa karera ng kotse. Kami yung mga kotse at ang test paper nato ang aming fuel. BROOMM BROOMM!  Nag uusok na ang makina ko. Bigla kasing nag init ang buong katawan kong katawan pagkakita ko ng mga question. Pero ubod ng saya ang aking nadama dahil lahat ng pinagpuyatan ko kagabi ay narito. YIIPEEE! Nakakalimang sagot nako sa mga oras nayon. Yakang yaka koto!" Wika ko sa aking sarili habang panay ang tuwa sa aking mga labi. "Hep hep Lorenzo bawal ang tumigngin sa katabi." Biglang sigaw ni Miss." Todo bantay kasi tong si Miss sa amin eh. Lumilinaw ang kanyang mga mata pag gantong exam.  Nako bahala sila basta ako eh nag aral. Ilang milyon kayang brain cell ang pinagana ko kagabi. Halos sampung chocolate din ang pinapak ko at sampung dark coffee naman ang aking ininom. Para lang hindi kaagad makatulog. Yes!!! malapit na akong maapos. Nageenjoy naman ako sa aking pagsagot ng bigla namang may ng landing na isang malaking bugkos ng papel sa unahan ko. Tumama ito sa aking ulo at gumulong gulong sa ito lupa. Napatigil ako sa aking pag sagot. Nakuha kasi ang atensyon ko ng papel na yun. Ayoko mang pulutin ito ngunit eh na temp ako he he! Dahan dahan ko itong pinulot sa may sahig. Malapit lang naman ang pinagbagsakan nito sa akin eh kaya naman advatage narin. Isa itong nilamukos na papel na ginawang bola. Pagbukas ko naman nito ay tia may message pa. At talagang sa akin pala ito pinapatungo. Dude isulat mo dito. Yes sa likod ng papel na ito ang mga sagot mula number.10 to 20 Maraming salamat. Nagmamahal  Arthur. Muah Muah Tsup Tsup! ^__^ Bigla kong inihagis ang papel sa malapit na basurahan. Pagnakita kasi ito ni Miss eh siguradong papalabasin ako at di lang yun zero ako sa test. Pero malas dahil nakita ako ni Miss Ancheta. "Tommy ano yan?" Tanong nito na nakataas na ang kilay. "Miss wala po." Pag aakila ko. Lumapit si Maam sa aking pwesto. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay tingin sa gilid ko. Sa di kalayuan ay nakita niya ang papel na inihagis ko kanina. Na curious siya. Kakalinis lang kasi bago kami ng exam tapos may kalat??? Saan nanggaling yun? Naglakad si Miss patungo rito. Palingap lingap muna siya bago pa naman niya ito kinuha. Binuksan niya ito ay marahang binasa ang nakasulat. Napapikit ako sa aking upuan. Alam ko na kasi ang next na mangyayari. Kahit na wala akong kinalaman sa pangyayari ay damay parin ako. Unti unti si Maam na nagpunta sa may harapan. Nakalamukos narin ang kanyang mukha sabay sigaw. "TOMMY! ARTHUR!!!!" On the faculty room right now! Agad nitong sabi. X~X~X Biglang nanlumo ang buo kong mundo. Goodvives pa naman ako kaninang umaga tapos biglang ganito. Sa paglabas namin ng faculty room ay patuloy parin ang pagbalik ng pangyayari  sa loob. Nakaharap sa amin si Miss. Kitang kit mula sa mukha nito ang sobrang galit. Sabay hampas sa lamesa ng kanyang kamay. Nabigla kaming dalawa ni Arthur. "Ikaw Arthur. Pilipino na nga ang mga tanong eh tapos hindi mo pa masagutan. Hindi mo ba naisip ang mag review? At ikaw naman Tommy. Bakit mo siya pinapakopya." Sa mataas na tono ni Miss sa faculty. Gusto ko na talagang umiyak kanina. Ang lahat kasi ng pinaghirapan ko kagabi ay biglang nawala dahil lang sa isang punyemas na nilukot na papel. Bigla naman akong hinawakan ni Arthur sa may balikat. Sabay sabing. "Dude sorry!''  Hindi ako nagsasalita. Nakakatayo lang ako habang parang walang naririnig. Pinipilit ko naman na maging matino sa buhay ehh. Pero kung ikaw ba naman ang may kaibigan na ganito ehhh wala mangyayari dahil hihilahin kanila hanggang sa kailaliman ng lupa. Naramdaman yata ni Arthur ang sobrang pagka down ko. Nakatingin lang siya sa akin habang malungkot rin ang mukha. Kaya naman eh nag drama nanaman siya. Bigla siyang nagpunta sa aking harapan. Lumuhod siya at biglang niyakap ang mga tuhod ko. "Dude patawarin mo ako!!!" Wika nito habang panay ang hagulgol sa pag iyak. Bigla naman akong nagulat. Nakikita ko pa mula sa aking harapan ang bumbunan ni Arhtur. Pang best actor ang drama! "Oyy tumayo ka diyan. Pinagtitinginan na tayo." Sa pagsusumamo ko. Lahat ng mga tao sa eskwelahan ay napahinto. Mukang napansin kasi nila ang pagmamaenarte ni mokong. Agad namang tumayo na si Mokong habang pinupunasan pa niya ang kanyang luha. "Oo na pinapatawad na kita." Sabi ko. Hinawakan ko si Mokong sa kanyang balikat habang panay parin siya sa pagpunas niya sa kanyang luha. Ngunit minuto lang ang lumipas ng bigla siyang ngumiti at tumingin agad sa akin. Joke lang pala ang lahat sabay tawa niya. "Dude wala ng bawian ahhh!" Wika nito sabay ngiti. "Punyemas ka talaga!'' Sabay tawa ko rin. X~X~X Mukang nahiya naman si Mokong sa akin kaya naman eh. Nagpunta ulit siya kay Maam Ancheta para pakiusapan ito. Ginawa niya rin niya ang tactics na ginamit niya sa akin kanina. Ang luhod luhodan. At yun na dala naman si Miss kaya yun. Binigyan kami ng speical test. Kaya lang eh babaguhin niya daw yung mga tanong. Kumbaga eh to the next level na ang usapan. Putres! "Atleast dude mag eexam pa tayo!" Wika ni Mokong na nagyayabang pa. Umakma naman ako na dadagukan ko siya sabay sabing. " Sabi kasing mag review ehh! Kung ano ano kasi ang pinaggagawa mo ehh!" Pagbubulyaw ko rito. Dumating naman si Nikka sa pwesto namin. kasalukuyan kasi kaming nasa canteen. "Tommy! Arthur! okey lang kayo?" Tanong agad nito sa amin. Na halatang nagaalala rin. "Nako wag mo kaming initindihin Nikka. Okey na okey kami." Wika ko naman.  "Nako buti naman." Wika niya na halatang natanggal ang kaba. Pero pano binigyan ba kayo ng isa pang chance ni Miss?" Follow up question nito. "Oo naman Niks! Kami pa!" Singit ulit ni Mokong. Napatahimik naman bigla si Nikka. Nakatinign lang si ito sa amin habang mukang may nilulutong plano. "Ahmm gust ninyo ehh tulungan ko kayo na mag review? Meron akong alam na mas madali." Offer ni Nikka sa amin. "Ayy nako wag na okey na kami.'' Sabi ko naman na naka refuse sign. "Sigurado kayo?" Sabi naman ni Nikka na naging malungkot ang mukha. At walang anu ano ay umekstra nanaman itong si Mokong. "Kung ayaw niya ako gusto ko Nikka.'" Banat ni Mokong sabay ngiti. Sabay na tuminign sa akin sila Nikka at Mokong. Ang mga tingin nila ay mukang nagmamakaawa at hinahanap ang salitang oo sa mukha ko. "O bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko bigla. "Dude naman kasi hihindian mo paba si Nikka?'" Banat ulti ni Mokong sabay lungkot din ng mukha. Tumingin ulit ako kay Nikka. Banaag parin sa mukha nito ang labis na kalungkutan pagtingin ko. Kaya naman eh binigay ko na ang aking desisyon. "O sige sige!" Biglang sabi ko. Sabay ngiti ng dalawa. X~X~X Nagulat ako sa aming venue. "Dito ba tayo?" Tanog ko kaagad. Habang nasa harapan kami ng bahay nila Nikka. "Oo bakit?" Tanong naman ni Nikka sa pagtataka. "Ahhh wala Niks ngayon lang kasi si Tommy makakapasok sa bahay ng babae ehh." Wika ni Arthur habang hinihimas himas ang likod ko. "Ohhh talaga?" Gulat ni Nikka. "Hindi joke lang!" Bawi naman ni Mokong sabay ngiti ulit. Pinapasok kami ni Nikka sa kanilang bahay. Ang bango ng amoy. Amoy mayaman ha ha! "Nikka tatay mo pala?" Tanong ko kaagad. "Si Papa nako mamaya pa ang dating nun mag oovertime daw siya kaya mas maganda kung sasamahan niyo ako dito kahit saglit." Pagkekwento ni Nikka. "Teka ahh magbibihis muna ako." Paalam ni Nikka sa amin sabay punta sa kanyang kwarto. Habang kaming dalawa naman ni Mokong eh naiwan sa may sala. Halata naman sa mukha ni Mokong ang sobrang pagka mangha. Aliw na aliw siya sa ayos ng bahay nila Nikka. Sabagay yung ayos kasi ng bahay nila eh... Ayyy ewan ko! he he! "Dude ano kayang suot ni Nikka?" Biglang tanong ni Mokong sa akin sabay tingala. Aba! Nakuha pang mag imagine! SIguro eh. Lalabas si Nikka ng naka Red tube lang tapos may dala siyang latigo. Tapos sasabihin niya sa atin na. "Are you ready guys!!!" Sabay hampas ng latigo niya sa may sahig. Pwede rin naman na naka bunny suit si Nikka tapos naka fitted costume then. Magsasaboy siya ng mga chocolate candies sa may ere bilang pa premyo sa atin. O kaya eh! naka pang Otaku dress siya tapos sobrang iksi ng skirt niya then tayo yung gagawing amo niya for the nigth. Wika ni Mokong sabay lunok. "Oyy Arthur! Kung anong pinagiisip mo diyan! Umayos ka nga kundi uupakan kita." Banat ko rito. Agad namang umayos ng upo si Arthur sabay tingin sa akin. "Joke lang dude to naman hindi mabiro." Sabay yuko. Mayat maya ay lumabas na si Nikka mula sa itaas. Naka simpleng pambahay lang ito at naka tali ang kanyang mahabang buhok. "Ano guys game na kayo!" Wika nito habang hawak hawak ang maraming libro namin sa Filipino. Naglatag kami sa may sala ng isang malaking kutchon pagkatapos ay nilagyan pa namin ito ng malambot na pansapin para naman ay komportable kami sa gagawin naming pag rereview. Nakatingin lang ako kay Nikka the whole time habang kamiy nakasalampak sa may sala. Mas maganda pala siya pag simple lang ang ayos. Mas lalong lumilitaw ang kanyang ganda. "Oii dude tapik naman sa akin ni Mokong makalipas ang ilang minuto. Ako na kasi ang tatanungin ni Nikka sa susunod na tanong na hindi ko naman namamalayan. Bigla akong napaupo mula sa pagkakadapa. Halatang halata sa akin na galing akong daydreaming dahil narin sa reaksiyon ng aking mukha. "Ayy ako naba?" Sa biglaan ko namang sagot. "Tommy Okey ka lang?" Tanong naman sa akin ni Nikka na nagtataka. Napahawak ako sa aking ulo sabay sabing "Ayy Oo okey lang ako.'' Sabay ngiti. Maayos naman ang pag rereview namin. Hindi ko na pala namamalayan na halos tapos na pala kami. Mas magada palang mag review lalo na pag kasama mo ang iyong matalik na kaibigan at ang iyong minamahal. Ano daw MINAMAHAL  he he! ^__^ X~X~X Kinubukasan ang final judgement. "Okey are you ready Tommy and Arthur?" Tanong samin ni Miss Ancheta kasabay ng pagbigay niya samin ng question sheet. Kinakabahan ako. Although na nag review naman kami kagabi. Pero syempre eh iba parin ang on the spot. "Okey ready! Get set! GO!" Wika ni Miss sabay baba ng kanyang kamay. Sabay naming binuklat ang puting papel na nasa harapan namin. At sobrang tuwa namin dahil lahat ng nireview namin kagabi ay nandito. walang labis walang kulang. Natapos namin ang exam sa mas mabilis na oras. Sa aming paglabas ay nakita naming naghihintay si Nikka pati na ang mga kaibigan nitong babae sa labas ng classroom. "Tommy anong result?" Tanong ni Nikka sa amin. Lolokohin ko pa sana si Nikka na "Sorry Nikka." With lonely face. Pero eh biglang sumigaw si Mokong. Hindi na kasi niya nakayanan ang sobrang tuwa. Ngayon lang kasi siya nakakuha ng mataas na score sa exam. "Talaga pasado kayo!" Gulat ni Nikka habang napayakap ito sa akin. Napayakap din ako kay Nikka. Pero makalipas ang ilang segundo eh na realize naming dalawa ang mga pangyayari.  Bigla kaming nagbitaw. Nagkatalikuran kami at tila nahiya sa isat isa. Nagulat din naman ang mga kaklase namin. Sabay sabing. "Ano to PBB TEENS?!!!" With all their might. haha! :))
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD