Dream no.15

2021 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 15: Rumor has It! BIGLA AKONG SINAMPAL NI NIKKA. Sampal na hindi ko lang naramdaman mula sa aking mukha kundi rin sa aking buong pagkatao. Sa lakas ng sampal ni Nikka sa akin ay bumaling ang mukha ko sa kanan. Nagulat ako! HIndi ko inaasahan na ganun ang magiging reaksiyon niya sa katanungan kong yon. Parang biglang huminto ang pagpatak ng ulan. Wala akong marinig. Tila nabingi ako sa kahihiyan. Dun ko lang na realize ang pagkakamali ko.  Kung hindi ba niya ako sinampal eh marerealize ko ba ang lahat ng ito? "Nikka hindi ko sinasadya." Wika ko na napatingin ako sa mukha niya. At nagulat ako. Namumula ang mukha ni NIkka. Ang mga kamay nito ay nakatakip sa kanyang bibig na ultimo ay pati siya ay nagulat sa kanyang ginawa. Mula sa kanyang mga mata ay biglang sumibol ang kakaunting luha na nagbabadyang rumami. "Nikka pasensya na hindi k..." Wika ko habang tinangka kong hawakan ang kanyang braso. Ngunit tumaliwas siya. Imbis ay mula sa kanyang mapupungay na mata ay biglang bumuhos ang kanyang luha. I feel ashamed. Isang babaeng labis ang bait sa akin ay lumuluha sa harapan ko at ako ang dahilan nito. Ng dahil sa katanungang sinabi ko. Oh my gulay!!! Intense na ang eksena. Malakas parin ang ulan sa paligid. Ngunit tila hindi ko si Nikka mapapaamo ngayon ng madalian.  Handa ko ulit si Nikkang amuhin at humingi ng paumanhin. Ngunit bigla nanaman itong humakbang papatalikod at biglaang sinabi. " Galit ako sayo Tommy!" Sa malumanay na boses. Sabay takbo niya sa malakas na buhos ng ulan. X~X~X Kinagabihan ay affected parin ako sa nangyari. Mula sa pagkain na nasa lamesa ay tinitignan ko lamang ito at pinaglalalruan mula sa aking kutsara. Parang wala ako sa aking sarili. Nasa harap nga ako ng hapag kainan pero ang isip ko naman ay lumilipad sa malayo. "Anak kakain kaba o paglalaruan mo lang yan?" Tanong ni mama sa akin. Habang napatigi sa pagsubo ng kanin. Bigla namang pumasok ang pagiisip ko. Nagising ako sa reyalidad at bigla ko nalang nakita ang mukha ni mama na parang alam na may sertemiyento ako. Tinigil niya muna ang kanyang pag kain. Binaba niya ang kanyang kutsara at tinidor mula sa paggamit niya rito. Muling akong tinignan at sinabi. "Anak may problema kaba? Try mo lang sabihin at makikinig ako. Walang bayad.'' Wika nito pagkatapos ay uminom ng tubig.  "Wala po ma!'' Sa madalian kong sabi. "Nako nak ahhhh ngayon paba maglilihim sa akin! Eh halos lahat na ng p**n magazine sa kwarto mo eh nakita ko na..." Pag bubuking na pahayag ni mama. "Ma naman!!!" Sa inis ko. Sabay inom ng juice. "Oii Tommy ahhh. Hindi kita pinalaki ng naglilihim! Ano kasi yun at baka matulungan kita?" Pagpapaptuloy nito. Tumingin muna ko sa basong nasa harapan ko. Kitang kita ko pa mula sa moise na nasa gilid nito ang pagtulo ng kaunting tubig. Marahan akong huminga at mula rin sa labi ko ay sinabi ko ang tunay na dahilan. "Kasi po si Nikka. Nagalit sa akin." Pagsasalaysay ko. "Ahh kaya pala bother ang anak ko. So anong pinag awayan ninyo?" Tanong ulit ni Mama sa akin. "Nagtanong po ako sa kanya tungkol sa isang bagay then nagalit na siya." Pagsasalaysay ko naman. "Ahh ganun ba? Nako anak eh anong tanong bayun? Baka naman na upset lang yun." Pagsusuri ulit ni mama. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ipagtatapat koba kay mama ang tinanong ko kay Nikka o hindi na? Dyahe kasi! "Tommy anak ano bayun?" Pangungulit ni Mama sa akin. "Ahhhm ano po..." Pagpuputol ko. "Kung sugar daddy ba niya yung lalaki na nakita kong sumundo sa kanya sa school." Sa mahina kong boses. Nagulat si Mama. Bigla siyang napainom ng wala sa oras. "Nako naman anak nakakaloka talaga yang tanong mo." Wika ni Mama na halatang nagugulat parin. "Ang hirap kasi anak eh pabigla bigla ka sa iyong desisyon." Pagpapatuloy nito. "Yun nga po eh. Tanging nasabi ko. Tumingin si Mama sa akin. Hindi ko ma expaine ang expression ng mukha nito pero binigyan nalang niya ako ng payo. Maaga akong natulog ng gabing yun. Iniisip ko parin kung pano ko ba susuyuin si Nikka despite ng mga nangyari? Pero ang tanong eh mag kaayos pa kaya kami?   Sumilip ako sa bintana na katapat lang ng bintana rin niya. Pero kagaya ng inaasahan eh. Nakasarado ito. Ibig sabihin ay ayaw niya akong makita o makausap. Sa pag pikit naman ng aking mga mata ay biglang pumasok sa isip ko ang payo ni Mama kanina. Tommy anak. Mag sorry ka kay Nikka bukas. Gusto ko na gawin mo ang lahat upang mapatawad ka niya. "Haiii nako! Madaling sabihin. Mahirap gawin." Wika ko sabay buntong hininga.  X~X~X Kinabukasan ay pumasok nako sa school. Okey naman so far ang lahat. Hindi na masyadong umulan ngayon at mataas na ng sikat ng araw. Maganda na ang buong paligid at ang good vives ay parang nadarama ko narin. Pero bale wala ang lahat ng ito kung ang kaisa isa kong kaibigang babae ay galit parin sa akin. Papasok na ko ng gate ng school. Dumaan ako kay manong guard at agad na chineck ang laman ng aking bag. Parang may makikita naman siya doon? he he! Habang hinahalungkat naman ni Manong guard ang bag ko eh ibang panghahalungkat naman ng buhay ang pinagkakaabalahan ng iba. Isang estudyante ang kasabay kong pumasok. Kakatapos lang ni manong gurad na inspeksyonin ang gamit ko ng bigla ko namang narinig ang pangalan ni Nikka sa mga bibig nila. "Hoii alam niyo ba si Nikka malandi pala yun?" Sabi ng isang babae na ang dilaw ng ngipin. "Aii oo nga. Baka magaling siya? hi hi" Wika naman ng isa pang babae sabay tawa. Hindi ko na mapigilan ang pangyayari. Gusto kona sanang manahimik nalang pero eh mas maganda kung mabigyan ng konting lesson ang mga tsismosang ito. Kaya naman eh mabilis pa sa alas kwatro ko silang pinuntahan.  "Mga pasa ba kayo sa test???" Tanong ko sa kanila. "Alam nyo kung test lang siguro ang tsismis eh siguradong 100 percent ang makukuha ninyo." Wika ko sa inis. Bigla namang napahiya ang mga babaeng ito. At agad silang nag sialis. Pero kahit na nag lalakad na sila papalayo eh hindi parin sila maawat sa pagbubulungan. Naturingang nasa eskwelahan ehh. Hindi naturuan ng mabuting asal. Yan! ganyan ang favorite nila ang makapag shismisan. Gumawa kaya sila ng sarili nilang subject??? Siguro eh wala silang absent dun. Nakakainis!!! Akala ko naman eh dun nagtatapos ang lahat pero hindi pa pala dahil sa mismong class room namin ay mas matindi. Dahil nakasulat mula sa malaki naming blackboard ang salitang  NIKKA MALANDI KA! Nakatunganga lang ako ng nakita ko yon. Pero mukang sa kinatatatyuan ko ay ako lang ang na shock at nakapuna sa naka sulat sa black board. Ang lahat ay tila hindi ito nakikita. Hinahayaan lang nila itong makita ng iba. Lahat sila ay walang pakielam. "Sino ang nagsulat nito?" Bigla kong sigaw. Sa pagsigaw kong yon ay agad silang nag sitigil. Ang isa ay natigilan sa pag gupit ng kanyang kuko sa klase, Ang dalawa naman eh nagsitigil sa pag kurutan, Ang isa eh napatigil sa pagbabasa ng pocket book at ang iba ay napatigil sa pangongopya ng assignment. Hindi nagsasalita ang lahat. Nakatitig lang sila sa akin. Habang sa pintuan naman ay paparating palang si Nikka. "Hindi nyo pa alam ang totoong nangyari. Tapos agad kayong manghuhusga. Grow up guys!" Sa una kong panananlita. "kayong mga kaklase niya ang inaakala niyang unang makakaintindi ng lahat tapos mali pala." Pagpapaptuloy ko. Mula naman sa aking likuran ay may naririnig akong umiiyak. Mahina lang ito pero alam ko dahil sa sobrang tahimik ng buong kwarot. Hindi ako lumilingon hanggang tinawag niya ang pangalan ko. "Tommy!" Sa malumanay na boses. Dahan dahan akong lumingon ng narinig ko ang malumanay na tinig nayon. Nakita ko si Nikka. Kasalukuyan siyang umiiyak habang napapaiyak narin ang iba. Nag drama na ang lahat ng mga kaklase ko. Parang gusto nitong lumapit sa akin. Nakikita ko sa kanyang kilos na parang gusto nitong magpunta sa aking pwesto. Ngunit biglang nagsilapit ang iba naming kaklase sa kanya. Agad nilang pinagyayakap si Nikka at sabay sabay na nag sorry. Mula sa pwesto ko ay pinapanood ko lang ang mga pangyayari. Habang niyayakap si Nikka ng mga kaklase namin ay nakikitaan ko siya ng saya. Ang saya ba nato ang sagot sa pag tatampo niya sa akin. O hindi pa?  X~X~X Okey na ang lahat. Natauhan narin ang mga kaklase ko na hindi dapat naniniwala kaagad sa chismis. Parang ako! Padalos dalos kaya sampal ang inabot. Kung ang lahat eh okey na. Pero paano na kaya kami ni Nikka? Sabay kami ni Arthur na umuwi ngayon. Nagbabasa siya ng manga habang naglalakad samantalang ako naman eh mukhang na depress at nabagsakan ng langit at lupa. Napansin yata ni Arthur ang pag eemo ko kaya naman eh tinigil niya muna ang pagbabasa at biglang nagpunta sa harapan ko. "Dude okey ka lang?" Tanong nito sa akin. "Ako ba ang tinatanong mo. Okey na okey po ako." Sagot ko naman na nakangiti kunyari. "Akala ko ba eh okey na ang lahat." Pagsasagi pa ni Mokong. "Sila okey eh kami ni Nikka hindi pa." Sagot ko naman habang sinipa ko pa ang bato na nasa harapan ko. Gumulong gulong ang batong iyon. Sa paggulong nito ay agad naman itong sinundan ng mata ko. Hanggang tumigil ito sa paa ng isang babae. Tiningala ko ang tingin kung kaninong paa iyon at walang duda. Ang nagmamayari ng paang iyon ay si Nikka. Bigla nanamang tumibok ng malakas ang puso ko. Parang kahit anong sandali ay sasabog ito. "Dude si Nikka ohh!" Wika ni Arthur na nagulat din. Dahan dahang lumapit sa akin si Nikka. Sa paglapit nito ay pasuspense pa. Para akong nasa horror movie tapos siya yung killer at ako ang bikitma niya at sitwasyong ito ay naputulan ako ng dalawang paa kaya hindi ko magawang tumakbo. Nasa harapan ko na si Nikka. Hindi lang siya nag sasalita. Samantalang ako naman eh pumikit nalang. Nakita ko kasing inangat niya ang kanyang kamay sa may ere. Mukang sasampalin nanama ako.  Kaya naman eh minabuti ko nalang na pumikit at bukas muka kong sasaluhin ang kanyang sampal sa abot ng aking makakayang sakit. Ngunit ilang minuto na ang lumipas eh hindi parin dumadampi ang kamay niya sa mukha ko kaya naman eh. Unti unit kong binuksan ang aking mga mata. And shoot nandon parin siya. Naka latag parin ang kamay nito sa aking harapan. Pero para hindi ako sampalin. Kundi sabihing. "Sorry Tommy!" Wika nito sabay yakap nito sa akin. Sa may gilid naman ay todong nakatanga lang is Arthur. Namumula ito habang kinakagat nito ang naturang manga na binabasa niya. Parang naiinggit lang he he! So yun nga at bati na ulit kami ni Nikka. Pinaliwanag niya narin sa amin ang lahat. Yung lalaki palang sumusundo sa kanya ay tatay ni Bree. Kung hindi nyo na natatandaan eh yun yung batang makulit na nakita ni mama sa palengke. (Basahin ang Dream 7.) Kaya naman eh ang tatay na nito ang mismong sumusundo kay Nikka para bisitahin ang bata. "Eh sakin Nikka naalala pa ko ni Bree?'' Tanong ni Arthur. "Si Kuya Tommy niya naaalala pa niya pero ikaw eh ano eh?" Wika ni Nikka na parang hindi sigurado. "Ano???" Tanong ni Arthur habang exited na na malaman ang kasagutan. Lumapit pa ito mismo sa kinatatayuan ni Nikka para mas klaro niyang marinig ang sagot nito. "Ano nga Nikka?" Pag uulit ni Arthur. "He he. Wala!" Sagot naman ni Nikka sabay ngisi. "Wahhh! Nikka naman ehhhh!" Pag mamaiyak na sagot ni Arthur. Sabay tawanan naming dalaw ni Nikka. Hanggang pag uwi namin ay sige parin tong si Arthur sa kakatanong. I wonder kung tinawagan pa niya si Nikka sa bahay nito pag uwi? PAG UWI NI NIKKA NG BAHAY... KRIIING KRIING! "Helloo sino po sila." ---> Nikka. "Nikka si Arthur to." ---> Arthur. "Ohh Arthur bakit?" ---> Nikka. "Nikka PLEASE ANO NGA????" ---> Arthur. TOOOT TOOOT! "Hello Nikka nandiyan ka pa???" ---> Arthur
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD