°.¸¸.•´¯'» Dream 14: Sugar Daddy
MAKULIMLIM ANG HAPON NGAYON. Kakatapos lang ng aming klase ng naabutan ako ng malakas na ulan sa may labas ng eskwelahan. Hindi ko kasi malaman ang panahon ngayon. Aaraw uulan tapos aaraw then uulan ulit. AGGGHHH! Nakakainis!!!
Halos nakikipag siksikan pa ako sa may tindahan na maliit na ito. Wala akong magagawa kundi makisiksik sa maliit na parte na kung saan ay kailangan kong panatiling akin. Dahil kung hindi ay mababagsakan ako ng malakas na ulan at hindi lang ako kundi ang buong gamit ko.
Hii! nagpapasalamat din ako dahil kahit papano ay buhay pa ako despite sa mga katabi kong maasim at amoy pawis. Pambihira talaga!!! Rexona lang ng di sachet o kaya eh de pack na tawas eh hindi pa masama sa kanilang weekly budget!
"Oii ang ganda ng kotse." Wika ng katabi ko na halatang first time.
"Saan???" Usyoso naman ng iba.
Hindi sila magkanada ugaga sa katitingin sa kabilang ibayo. Siksikan na nga dito eh tapos makikipag chismis pa ako. Ano ako showbiz reporter???
Ayokong tumingin sa una ngunit eh nainggit din ako. Kaya naman eh binaling ko ang aking ulo sa pinagkakaguluhan nila. Sa di kalayuan ay may kotse nga. Kahit na umuulan ay makikita mo ang kagila gilalas nitong ganda.
Ngunit ang nakakabigla roon ay ang sununod kong nakita. Mula sa may gate ng school namin ya biglang may tumakbong babae. Nakalagay sa ulo nito ang kanyang dala dalang bag na kulay pink. "Mukang pamilyar yun ahhh!" Wika ko habang sinisiksik ako ng mga katabi ko. Masusi ko itong pinagmasdan ng ilang segundo at dun kolang nakumperma na ang babaeng yun ay walang iba kundi si Nikka.
X~X~X
Mula sa loob ng kotse ay biglang lumabas ang isang matanda. Magara ang suot nito at maraming alahas. Binuksan niya ang dala nitong payong at agad na pinayungan si Nikka. Pagkatapos nun ay sabay silang pumasok sa loob ng kotse at agad na itong umandar na parang nagmamadaling umalis.
Ang tanong sa aking isipan ay sino ang lalaking yon?
Wag mong sabihing...??? Haiii nako!!! Ayokong pag isipan ng masama si Nikka. Masama yun. Yan ang mga salita na pumapasok sa aking isipan.
Tumigil na ang ulan makalipas ang ilang minuto. Lahat na nang katabi ko ay nagsialisan na. Ngunit tila pabalik balik parin sa aking isipan ang mga katanungan ko kanina. Para itong isang math problem na hindi ko ma solve solve.
"Hoyyy! Ikaw nalang ang natitira diyan!" Sigaw ng tindera na nasa likod ko.
Ang mukha nito ay nakakunot na at hindi maipinta. Nakapamewang pa ito at tila eh babatuhin na niya ako ng hawak hawak niyang isang garapong candy.
"Eto na nga ho eh paalis na. Excited ka manang???" Pabiro ko pang sabi pero deep inside eh. naiinis. Pano ba naman kasi eh nag eemote pa ang tao eh!
Kasalukuyan na akong naglalakad ng kalsada na papunta sa aming bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Aba si Mokong ng text! At ito ang sabi.
DUDE YUNG ASSIGNMENT NATIN PAKOPYA AKO NG QUESTION. Text sa akin ni Mokong.
Bwisit talaga! buong buhay nalang siyang parasite.
Par-a-site (NOUN)
1.) An organism that lives on or in an organism of the other species, Known as the host, from the body of which its obtain nutrients.
2.) A person who receives support, advantage, or the like from another or other without giving any useful or proper return, as one who lived in the hospitality of other.
3.) (In Ancient Greece) A person who received a free meal in return or amusing or impudent conversation, flattering remarks etc.
In short. Isang malaking ASA!
Pano ba naman siguro eh nakatulog nanaman yan sa klase, Nakikipag daldalan sa katabi, or may ibang ginagawang hindi kasama sa topic kanina.
"O sige sige!" Reply ko sa message niya.
"Salamat dude ahhh. Your da best." Reply naman nito sa akin na may kasama pang smiley.
X~X~X
Naka simple pambahay lang itong si Arthur pag punta sa amin. Nakalagay pa sa t-shirt nito ang katagang. Kung gwapo ka o maganda wag mong pagkalat. Ako nga eh tahimik lang. Nung nabasa ko yon eh hindi ko mapigilang tumawa.
"Oiii Arthur. Ang lakas ng loob mong suutin yan ahhh." Tawa ko sabay turo sa suot niyang t-shirt.
"Alin ito?" Wika niya sabay tingin sa print ng kanyang t-shirt.
"Ay hindi sa akin. Bakit may print batong tshirt ko nakita mo na ngang plain eh." Pag aasar kong sabi.
"Well ganto talaga ang mga alam mona." Wika niya habang tumayo pa sa harapan ko at ng mister pogi sign.
"Wew ahhhh! Kopyahin mo nalang tong question pwede???'' Sabi ko sabay bukas ko ng computer.
Nasa opening logo na ng microsoft ang screen ng computer ng biglang nanamang nag demand itong si mokong.
"Dude wala kabang pa juice diyan o kaya burger." Demand ni Arthur.
"Oiii Athur ano bang pinunta mo dito sa bahay namin ang question? o ang miryenda?'' Tanong ko sa kanya. Habang nakahawak parin ako sa mouse ng computer.
"Sa totoo niyan eh pareho." Sa walang kagatul gatol niyang sagot.
Nako naman talaga! Kung bago mulang siguro itong kakilala si mokong eh. Matutuyuan ka ng dugo. Sabagay ganon din naman ako sa bahay nila pag nandun ako. Kaya minsan eh iniisip ko kung gumaganti lang ba ito sa mga pinaggagawa ko sa kanya? Pero kung pag susumahin mo eh mas worst ang ginagawa niya.
Makalipas ang ilang oras eh natapos na namin ang aming assignmet. Sa tulong ng utak ko. At utak ni mokong kung meron man eh. Pinagsaluhan namin ang sagot este pinaghirapan pala naming sagutan ito.
"Ouch my heads hurt!'' Reklamo ni Mokong. Habang napapahawak pa sa ulo niya.
"Anong ouch ouch eh tanging pag sulat mo lang at pag rereklamo ang naiambag mo sa assignment natin ngayon." Pag aapila ko.
"Bakit dude sabihin mo nga sa akin. Kung hindi ba sa bunganga kong to eh hindi ba kayo mag kakaroon ng MU (Mutual Understanding) ni Nikka?'' Pag yayabang nito.
Ano daw MU??? Ang kapal talaga ng muka. Pero sa totoo o lang eh ang sarap pakinggan hi hi! Pero ewan ko dahil biglang ng flashback yung nangyari kanina.
"O bakit parang natigilan ka diyan?" Tanong niya sa akin sa pagtataka.
"kasi si Nikka eh." Pagpuputol ko.
"So anong kay Nikka?" Tanong naman ulit nito sa akin.
"Nakita ko siya kanina na may sumundong lalaki." Pagpapatulyo ko. Sabat tingin ulit sa may computer.
Binrows ko ang f*******: page ni Nikka at tinignan ko kaagad kung family member ba niya ang lalaking nakita kong sumundo kanina sa kanya. Pero nakaka pagtakang kahit isang picture or kahit singit lang ang lalaking yun eh wala.
"Anong hinahanap mo dude?" Tanong agad ni Arthur sa akin ng bigla na siyang nag punta sa likod ko. "Alam ko ang iniisip mo?" Pagpapatuloy ni Arthur.
"Sa palagay mo?" Pagsususpetsiya kong Tanong.
"Nako naman dude. So sugar daddy ni nikka yun? Ganun ba?" Tanong ulit ni Athur sa akin.
"Ganun na nga. Pero syempre hindi naman magagawa ni Nikka yun." Wika ko.
"Malay natin!" Wika ni Mokong sabay hilata ulit sa may kama.
Napatingin ulit ako sa profile pic ni Nikka sa may facebok niya. Ang ngiti niya roon ay talaga namang napaka inosente.
Sabay sabing. "Magagawa mo kaya yun?'' Tanong ko habang kinakausap ko ang kanyang litrato. Nakasalampak lang ang mukha ko sa harap ng computer habang hinahawakan paminsan minsan ang screen ng computer na parang tanga.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakakatawa dahil pumasok si Mr. Ernesto. Naka suot kasi ito ng apron at halata na nahirapan siyang mag prepare ng pagkain. Dahil mukang haggard ang mukha nito at puri tilamsik ng kung ano anong sauce ang ibang parte ng kaniyang katawan.
"Tito nag abala pa kayo." Wika ni Arthur na mabilis pa sa alas kwartrong kinuha ang dala dala nitong clubhouse sandwich at isang pitchel na mango juice.
"Nako walang anuman." Wika naman ni Mr. Ernesto.
Kumagat kaagad si Arthur at biglang sabi. "Dude napaka swerte mo. Bukod kasi sa gwapo ang bago mong daddy eh marunong pang mag luto." Wika nito habang punong puno pa ang bibig.
Wala na akong nasabi. Napatingin lang ako kay Tito. Ernesto sabay ngiti.
X~X~X
Kinabukasan ay mayabang na nagsagot si Arthur sa blackboard samantalang ako naman ang gumawa ng halos 90 percent ng mga sagot.
"Very good Arthur." Puri ni Miss.Navaro habang tinitignan niya si Arthur mula ulo hanggang paa. Parang tila pati siya eh nagtataka kung saan niya nakuha ang kanyang sagot. he he!
Habang pinupuri nila si Arthur eh nakatingin lang ako kay Nikka sa di kalayuan. Napakaganda talaga ng kanyang mga ngiti habang nawawala na ang kanyang mga magagandang mata dahil sa sobrang tawa.
Tila naman eh hinangin ng tingin si Nikka sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Syempre bigla kong tinaliwas ang aking tingin. kunyari eh may tinatawag ako na malapit lang sa kanya at agad na napakamot ng ulo.
"Ano dude! Okey ba ang performance ko." Yabang ni Arthur sa akin habang umuupo siya.
"Ewan ko hindi ko nakita." Sa pagmamaasim kong sabi.
"Sus nakatingin ka nanaman kay Nikka no?" Tanong ni Arthur sa pabulong na boses.
"Ano naman ngayon?" Sa biglaan kong sabi.
Nilapit ni Mokong ang bibig niya sa tenga ko at sinabi.
"Tapatin mo na kasi." Pambubuyo ni Mokong sa akin.
Tumingin ako sa aking kwaderno pag kasabi ni Arthur nang mga katagang yun. "Kung ganun lang ba kadali yun eh? Eh matagal ko ng ginawa'' Sa mahina kong boses.
Pauwi na kami ng bigla nanamang lumakas ang ulan. Nako sigurado eh marami nanamang nagsisiksikan doon sa may maliit na tindahan sa labas He he! I wonder kung makabenta si Manang ngayon?
Nauna na si Mokong na umuwi dahil mag kikita raw sila ng kanyang GF. Kaya eto naiwan nanaman akong nag iisa.
Sa hindi naman kalayuan ay nakita ko si Nikka. Likod palang niya eh alam ko na. Hindi ko alam pero parang ako ang nahihiya. Pero nilakasan ko ang aking loob.
"NIKKA!!!' Tawag ko rito.
Tumingin naman sa akin si Nikka at walang habas siyang kumaway sa akin.
NIlapitan ko siya. kasalukuyan kaming nasa corridor nun at kami lang dalawa ang tao. Tila may hinihintay siya ng hindi ko mawari.
"Oii Tommy!" Bati sa akin ni Nikka pag lapit ko.
"Haiii! Bakit mag isa ka lang dito?" Tanong ko kaagad.
"Ahmmm may ano ehhh." Pag puputol niya.
"Ano?" Tanong ko ulit.
Lagaslas lang ng ulan ang tangi kong narinig ng mga tagpong yun. Hindi sa akin masabi ni Nikka kung bakit siya nag iisa doon. Hindi kaya totoo ang hinala ko? Hindi kaya dumating ang hinihintay niya?
"Ahmmm NIkka may gusto akong itanong sayo?" Sa biglaan kong pag sasalita.
Napatingin si Nikka sa akin. Parang alam na niya kung ano ang itatanong ko.
Binubuksan ni Nikka ang kanyang bibig at sinusubukan niyang sabihin ang mga katagang ANO YUN? Pero mukang may kung anong pumupigil sa kanya.
Bigla nalang sumikip ang dibdib ko sa di ko mawari. Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Parang galit na may konting pagseselos. Hanggang hindi ko na mapilgilan ang aking labi na sabihin ang mga katagang ito.
"NIkka sugar daddy mo bayung lalaki kahapon?" Sa walang kaabog abog kong katanungan.