Dream no.10

1305 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 10: Foundation Madness FOUNDATION DAY NAMIN SA SCHOOL NGAYONG ARAW kaya naman eh todo prepera ang aming bung klase sa ming gagawing booth. Ang horror booth. Lahat ay excited sa katunayan nga niyan eh hindi ako nakatulong kagabi. Syempre nakakaexcite. Kumbaga eh iniisip ko palang yung mga mangyayari eh parang gusto ko ng maging bukas.  Naatasan akong gumawa ng costume. Mga pesteng yawa kong mga kaklase ng tinanong ni Miss kung sino ang maruning sa art eh ako kaagad ang tinuro. Ano naman ang alam ko dun eh halos ting ting na tao lang ang kaya kong i drawing.  "Dude okey naba to?" Tanong sa akin ni Mokong habang hawak hawak niya ang ginawa niyang ghost costume. "Ako ba pinagloloko mo eh. No effort ang pag gawa niyan eh. kurtina lang yan na puti tapos na!" pag rereklamo ko. "Dude ika nga simplicity is beauty!" Pag didiinan niya. With matching pataas taas pa ng kamay. "Ayyy ewan ko sayo!" Sa inis ko. Nagpunta na kaming school. Halos lahat ay abalang abala sa mga kanya kanyang booth nila. May love letter booth, Rescue me booth, Cupcake corner, Horror booth namin, Kiss on the lips booth, karaoke booth, ang walang kamatayang jail booth at ang wedding booth. Nagsimula na kaming mag ayos bago paman magsipasukan ang mga bisita. Syempre excited nako. Excited na akong manakot ha ha! Sinuot na ni Mokong ang kanyang pinaghirapan daw na costume langya!!! ako naman ang pinag hirapan kong the living dead costume. Kinuha kopa sa baul ni mama tong costume nato. I think kay lolo to. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Talaga namang pinag hirapan ng aming section ang proyektong ito. Nagmula pa sa mga lecheng mga classmate ko ang consept ng horror booth. Mala graveayard ang dating tapos may mga plants. ha ha! ano to plants vs. Tommy? Pumwesto ako sa isang malaking kabaong kunyari. Samantalang si Mokong naman ay pumwesto sa mismong loob ng isang kabaong. Sarap i lock sa loob!!! Agad na may pumasok na isang babae. Hindi ko maaninag ang muka nito dahil narin sa dilim ng paligid.  Dahan dahan ang pag lalakad niya. Unti unti siyang lumalapit sa pwesto ko. Hanggang nasa harap ko na siya. AHHHHH! bigla ko siyang tinakot!!! AHHHHH! Natakot ng husto si babae at bigla akong sinampla , tinadyakan , sinuntok at kinarate. Langya eto pa yata ang magiging mitsa ng buhay ko. halos mawala yata ako sa katinuan at sa mundong ibabaw habang damang dama ko ang bawat combination ng naabsorb ko sa mga banat ng babaeng ito. kayo na po ang bahala sa akin. Wika ko sabay himatay. "Hoy gising gising! Sigaw sakin ng babae! habang tinatapik niya ako sa mukha. Pag mulat ko nasa labas ako ng horror booth namin. Nakabungad sa akin ang muka ng babaeng yun. "Okey ka lang ba?" Tanong ng babae. "Okey lang ako." sabi ko kahit na hindi. Si mokong naman eh todo emote. Sarap batukan feeling ata nito patay na ako. Nakaluhod ito sa harap ko sabay pahampas hampas pa ng kamay. pang best actor ang dating mo men!!!! Si Nikka naman ay dumating di halata sa mag mata nito ang labis na kalungkutan. he he! "Tommy musta kana? Anong nangyari?" Sunod sunod nitong katanungan. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinawakan ko rin naman ang sa kanya at kamiy nag katinginan sa mata. Tama na yan! tama nayan sabi ni miss ng dumating sa eksena talaga naman ohhh!. Nag sorry rin nga marahan sakin ang naturang baabe na si Clara pala. Taga ibang school langyang yun muntikan nakong dalihin sa ospital. Dinala ako sa clinic. Halos para na kong bandasd na tinubuan ng muka sa daming bandaid na nilagay sa muka ko. Galit na galit yata sa akin yung nurse! At pinagalitan pa ako. Sa susunod daw kasi ay hinay hinay lang ang pananakot. Aba malay ko bang grabe palang mabigla yung baabe nayon! At isa pa ngayon ko lang nalaaman na may mga level pa la ng mga pananakot. Sige sa susunod hindi na lang ako magsasalita. Titignan ko nlang yung mga papasok. Bumalik na ako sa pwesto namin pagkatapos ng isang oras na pahinga. Ewan ko ba pero bigla kong na miss ang pananakot he he! Kahit na tad tad ng bandaid tong muka ko. Papunta palang ako sa pwesto namin ng may humila ng kamay ko. Ano to kidnap!!!??? Dinala ako nila sa isang pamilyar na booth!!! THE WEDDING BOOTH! Tinakpan pa nila ang aking mga mata kasabay ng kanilang isang surpresa. Sa di kalayuan ay may hinila rin silang isang babae. "San nyo ko dadalihin?" Sigaw nito. Kinakabahan ako ahhhh. Baka kung sino lang ang ipartner nila sa akin. Mahilig pa naman akong pag tripan ng mga kaklase ko.  "O sige pag bilang ko ng tatlo sabay sabay nating tanggalin ang kanilang mga piring sa mata." Sabi ng isang boses. "Ok Ok!!!!" wika ng karamihan. Aba ang daming tao??? Ano to block buster movie??? Langya talaga! kayo napo ang bahala sa akin lord. Magiging batang may asawa ako nito ng wala sa oras. Nag simula ng mag bilang ang lahat. "Okey! sabay sabay" sabi ng isang not so gandang boses.  1 2 3 Sabay tanggal ng piring sa mga mata ko. Nabigla ako sa nakita ko. I cant believe it!!!! Si Nikka ba talaga ito??? Hindi ako makapaniwala. "Ano dude okey ba?" Super ngiting sabi sakin ni Arthur. Pero hindi ako makapag salita sa pagka shock ko! Napalunok ako ng marami. Halos matuyot na yata ang lalamunan ko sa sobrang tense. Si Nikka naman ay hindi rin makatingin sa akin. Nahihiya ito na hindi mo maintindihan parang gusto rin he he! Nag suot si Arthur ng Pang paring damit. Langya siya pa ang pari na magkakasal sa amin. Biglang nanahimik ang lahat ng sinimulang iangat ni Arthur ang kamay niya.  Una ay nag seremonya kunyari ito. Nagbasa ito mula sa pina photo copy na salita umano sa mga kinakasal. Hindi naman sila halatang prepared niyan ahhhh! Hanggang sa binanggit na ni Arthur ang mga words nayun. Ang words na nagpalabas ng halos lahat ng pawis ko sa buo kong katawan. Ikaw lalaki tinatanggap mo ba na maging kabiyak si Nikka sa mahigit na isang buwan? "Ahmmmm! ahhh! ehhh." sabi ko. With tense. "Ano nga???" sabi ng lahat ng nanunuod. Pumukit ako. Hiyang hiya naman kasi ako sa kanila ehh nooo!!!!!! Kaya sinabi ko na ang salitang. "OPO TINATANGGAP KO!!!" Sa mahinang boses. Halos rinig na rinig ko ang mga halinghingan nila. Kulang nalang eh sila ang pumalit sa pwesto ko. Sige try niyo??? "O sige. Ikaw babae tinatanggap mo ba ang lalaking ito upang maging iyong kabiyak?" Pagpapatuloy ni Arthur. Bigla akong napalunok. kasi Expected ko naman na hindi ang isasagot ni Nikka eh. Asa pa ako. na OO. :(( "Father?" Tanong ni Nikka. "Yes ano yun?" Sabi naman ni Arthur. "Pwede ibulong ko nalang?" sabi pa nito. "Sure why not!" Sabi naman ni Mokong. Agad na lumapit si Nikka sa tenga ni Mokong. Marahan niyang binuka ang kanyang bibig at binigkas ang kanyang sagot. "Ahmmm ehhhh!" Tanging nasabi ni Mokong pag katapos ang bulungan. Lahat ay naghihintay sa sasabihin nito. pero ako ehhh handa naring mabigo. Wala lang! Drama mode lang. "Dude ibubulong korin sayo ang binulong sa akin ni Nikka. Kung okey lang." sabi ni Mokong. "Okey lang sakin." Wika ko sabay tingin sa mga audience. Agad na nilapat naman ni arthur ang labi niya sa butas ng tenga ko. At sinabing. "DUDE OO DAW!!!!!" nag ubod ng lakas. "WOOOOOOHHHH!!!!" halos mag sigawan ang mga tao. Parang isang fiesta ang nangyari. Halos lahat ay mabaliw sa tuwa. Nakalimutan na yatang nasa loob pa kami ng school. Halos hindi talaga ako makapaniwala. Ibig sabihin ba nito eh may gusto rin sa akin si Nikka? Super dream come true talaga ito para sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD