Dream no.11

1533 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 11: Honeymoon??? MAGANDA ANG GISIG KO NGAYONG ARAW. Paglabas ko galing ng kwrarto ay bigla akong binungad ni Mama ng isa niyang nakakabusog na surpresa.  "Oy Tommy ko! Gising kana pala. Eto pinaghanda kita." Bati nito na todo ang pag emote. Mula sa lamesa ay nakahanda ang mga masasabi kong comfort food ko pag umaga. At ito pa complete lahat! Mula sa itlog, Ham, hotdog mainit na garlic rice at umuusok na kape at sinabayan pa ng kabibili lang na pandisal. "Ma anong meron?" Tanong ko.  "Wala lang anak. Masaya lang ako ngayong umaga." Wika nito sa akin. "So ma sinabi mo na namulat ka ng maaga para mag hain ng lahat ng ito na halos ubusin mo na ang budget for today at ubusin ang lahat ng nakaimbak sa ref??? Ganun ba yun?" Pagmamaasin kong pagsasalaysay. "Eh nag text kasi si mokong eh. KINASAL KA NADAW?" Sa mahinag sagot nito sa akin. "Yun lang pala eh." Sabi ko naman sabay higop ng tinimpla ni mamang kape na pinuno ng coffee mate. Ano to gatas??? Nang bigla kong na dura amg kape mula sa lamesa. Ngunit hindi dahil sa pangit ang lasa nito kundi eh nag register na kasi sa isip ko ang pinagsasabi ni mama. "MAAAA! naman. Nag papaniwala kayo kay mokong eh. laro laro lang yung sa school. Im only 16." wika ko sa mataas na boses. "Alam ko anak. Pero kunyari kapa diyan eh. Kinikilig ka naman for sure." Wika ni mama habang tinatapik ako sa likod. "Di ahhhh!" sa mabilis kong sabi. "Sus kunyari pa eh. Alam mo anak eh ganyan din ako sayo nung kabataan ko. Alam mo yun. Kinikilig bigla, Tapos yung feeling na kahit walang nakakatawa eh bigla kang ngingiti tapos pagkakamalan ka ng katabi mo na baliw. Ha ha!" Wika ni mama with matching emote. Sabagay tama si Mama. Hanggan ngayon eh hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sa may school. At ang halik ni Nikka. Alam nyo yun bumabalik pa kasi sa akin yung moment na kung saan eh papalapit yung labi ni Nikka sa muka ko. Punyemas ohhhh. Ang hininga niya, Ang pinkish niyang labi, Ang napaka amo niyang mukha. YAHHHHH! Kakakilig. X~X~X Inaayos kona ang sarili ko para pumasok sa school.Konting wax sa buhok. Baby cologne para kahit papano eh mabango. Panyo para sa pawis. Ano pa ba? Ahhh basta aalis na ako. Papasok palang ako sa gate ng school ng pinagtitinginan ako ng mga tao. Ano ako instant artista? Kulang nalang kasi eh mag papicture sila sa akin eh. Pero hindi ko sila pinansin. Binilisan ko nalang ang aking lakad patungong classroom.  "Oiii dude musta buhay may asawa huh?" Bati sa akin ni Mokong na nakangiti. "Walang hiya ka. Anong pinagsasabi mo kay mama!" Sa pagalit kong tono. "Easy ka lang diyan sinabi ko lang naman na kasal kana thats it." Ngisi nito. "Yun na nga eh laro lang  yun pero kung itrato ninyo eh parang totoong nangyari. Okey lang kayo?" Wika ko na medyo pabulong. "Sino ako o buong school?'' Tanong sa akin ni Arthur. "Actually. Lahat!" Banat ko. Speaking of kasal eh nandito na ang bride ko. Este si Nikka. Tila pati siya eh nag tataka sa mga pangyayari. "Pareho lang ba tayo ng nararamdaman?' Tanong ko agad pa ka upo niya. "Sige ipaliwanag mo."Wika ni Nikka. "Yung felling na pinagtitinginan ka ng mga tao na parang may ginawa kang karumaldumal na krimen. At gusto mo na kaagad na maalis ang mga tingin nila sayo. Pero walang kang magawa kundi tanggapin nalang ito at mag tago sa classroom." Sa pagsasalaysay ko. Panandaliang tumahimik si Nikka at sinabing "OO!" Na walang pagiimbot. "See! pareho nga tayo." Wika ko naman sabay ngiti. Halos hindi matapos tapos ang katanungan ng mga classmate namin sa amin. Lahat ay parang ugagang ugaga sa aming dalawa. Ginawa na yatang reality show ang buhay namin ni Nikka!!! Kainis! Nikka ang Tommy ano ang tawagan ninyong dalawa sa isat isa???  ---> From Leonard of section calamansi Nikka and Tommy ano ang naramdaman ninyo pagkatapos ng pagdadampi ng inyong mga labi sa ating foundation day?--- From Crystal Campo of Dean's office. Nikka and Tommy may balak ba kayong mag honeymoon after the wedding??? ---> From Arthur ang gungong kong kaibigan. "Ano ba Arthur? Anong klaseng tanong yan?" Sabi ko "Bakit eh yun naman ang ginagawa ahh pagkatapos ng kasal." Pag aapila niya. "Ang tigas talaga ng ulo mo no? Oo nga ginagawa yun pero sa TOTOONG KASAL. HIndi kasal pagkatapos ng wedding booth." Pagpapaliwanag ko. Panandalian akong tumingin kay Nikka. Nasa gilid lang ito habang nakatingin sa amin ang mga tao. Nakalimutan kong naka press conference ako na pinasimunuan nanaman ng buong klase namin. Mga leche talaga! Gawing ba namang talagang reality show ang buhay namin. Kulang nalang eh pati ang kulay ng panty ni Nikka eh itanong kainis!!!! Uwian na namin ng bigla nanaman akong kaladkarin ni Mokong sa may banyo. Pinalabas niya ang lahat ng mga umiihi. Tapos nun eh sinara niya ang pinto. Humarap sa akin si Mokong at mula sa aking harapan ay dahan dahan niyang binubukasan ang kanyang zipper. "Oi oi anong ginagawa mo?" Tanong ko na nag hehesterikal na. Punyemas ohhh! ano to Boys x boys????? Wika ko sa aking isipan. "Anong pinagsasabi mo diyan. Oii Dude hindi tayo talo nohh!!!" Wika niya. "Eh anong ginagawa mo?" Sa mataas kong boses. "May ibibigay ako sayo eh. dito ko kasi tinago sa aking secret pocket." Pagsasalaysay niya. Mula sa kanyang secret poket umano ay nilabas niya ang kulay pulang square na bagay. Pumikit pa si gago bago ibigay sa akin. Mukang naka paka importante ito sa kanya. "Yan pare makakatulong yan." Wika niya. Sabay bigay sa akin ng bagay nayun. Agad ko itong sinuri. Kulay pula ang lalagyan nito ngunit walang sulat ng kung ano. Malambot ito at sinalat. Dun kolang nalaman na pabilog ang hugis nito. Sinubukan ko itong hipuin at tila napakadulas nito at may oil sa loob. "Pusang ama ka Arthur!" Bulalas ko. "Ok Pare Goodluck na lang." Wiks ni Arthur sabay bukas ng pintuan ng C.R. at takbo sa labas. X~X~X Punyemas tong si Mokong OO! Akalain nyo ba naman eh bigyan ako ng c****m. As if namang gagamitin ko to. Ang dami talagang alam pag dating sa kalukohan. Isip bata ang talaga niyang si Athur pero pag ganto ang mga pinag uusapan eh na giging matured ang utak. Patungo ako ngayon sa aming tambayan. Gusto ko kasing mag relax ng konti. At dun eh presko ang hangin.  Pagdating ko roon eh nagulat ako. Nandun din pala si Nikka. Bigla nanamang tumibok ng malakas ang puso ko. Paano kung talagang kinasal kami tapos honey moon namin ngayon. Siguro eh. Naka langerei ngayon si Nikka. Nakahiga siya sa malambot na higaan at hinihintay ako. Pagkatapos eh naka red listick siya. Mula sa kanyang kamison ay naka bakat ang kanyang malulusog na dib dib. Tapos bigla niyang sasabihin sa akin na. " Honey I'm Ready." sa malumanay na boses. "Oii Tommy bakit parang napatulala ka diyan?'' Tanong sa akin ni Nikka. Habang ako naman eh nawala sa aking imahinasyon. "Ahhh wala wala." Wika ko naman habang pinagpapawisan. Tumabi ako kay Nikka. Buhat sa kinauupuan ko ay naamoy ko ang kanyang pabango. Para itong amoy bulaklak na ayaw kong tigilan sa kakaamoy. Biglang umihip ang malakas na hangin. Nakatingin lang ako sa malayo ng mga tagpong yon. Sa wakas ay makakapag pahinga na ako kahit kaunti. Malayo sa tsismis, Sa tao at higit sa lahat eh kasama ko pa ang aking dream girl. "Tommy?" Wika ni Nikka. "Bakit?" Agad ko namang sagot habang napatingin ako sa kanya. "Salamat sayo." Sa mahina niyang boses. "Huh Bakit naman?" Sabi ko. "Kasi kahit papano eh nirerespeto mo ako. Hindi mo tina take advantage yung wedding natin kunyari." Pagsasalaysay nito. "Nako wala yun. Ano kaba. Parang iba kana sa akin ahhh." Wika ko sabay ngiti. Nagkwentuhan kami ni Nikka tungkol sa ibat ibang mga bagay. Hindi naman bago sa amin ang ganitong usapan dahil malimit na namin itong ginagawa. Pero sa haggard na buong araw na ito eh nakaka relieve talaga! Parang walang isyung kumakalat sa buong campus at napaka plain ng lahat. Bigla akong tumagilid. Nag unat unat ng kaunti dahil sa palagay ko eh nangalay ang aking likod sa kakahiga. Sa aking pag uunat ay hindi ko namalayan na may bumagsak mula sa bulsa ng pantalon ko. Agad naman itong nakita ni Nikka. Pinulot niya ito not knowing na... "Tommy ano to?" Tanong niya. "Ano?" Sabi ko naman na nagpapatuloy lang sa pag uunat. Kinapa kapa ni Nikkka ng pulang bagay nayun. hanggang na realise niya na c****m pala yun. Pagbaling ko ng muka sa kabilang banda ay hindi ko inaasahan na ang palad ni Nikka ang sasalo sa muka ko. BOOM!!! Mula sa malambot na palad ni Nikka ay hinampas ito sa mukha ko. Halos hindi naman ito masyadong malakas. Pero eksakto na ang impact nito para manlabo at mangilo ang ngipin ko. "Kala ko pa naman may respeto ka. Diyan ka na nga!" Wika ni Nikka sabay irap. "Nikka let me explaine." Sabi ko naman habang nagmamakaawa. Lecheng Arthur to. Ipapahamak lang pala ako. :(( NIkka WAIT!!!! :((
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD