Dream no.12

1638 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 12: Oh my God! My New Dad? HALOS PAGOD NA PAGOD AKO SA SCHOOL NG BUONG MAGHAPON. Paano tong si Mokong eh dinadaldal ako sa klase nanaman kaya yun pinarusahan nanaman kami. Opo mga kaibigan nanaman ibig sabihin hindi na bago. Kung baga sa ulam eh natikman ko na. Mula sa section 1 to 5 eh pina floorwax ni Mr. Magenta ang sahig. Punyemas naman oo! Di ba Janitor ang gumagawa nito. Buti nalang talaga at mautak tong si Mokong kaya naging section 1 to 3 nalang ang fo floorwaxan namin. Pero kahit na ahhh. Ang hirap parin. Feeling ko kasi eh matanda na ako tapos eto na yung stage sa buhay ko na marami nakong nararadamang rayuma sa tuhod at balakang. Papalakad palang ako sa bahay nag nakita kong kotse sa tapat ng bahay. Kanino kaya ito? Ang gara ahhh! Ang kintab tapos ang sexy ng kulay nitong itim. Ang sarap pagmasdan. Mula naman sa kotse na nasa harapan ko ay napatingin ako sa may pintuan namin. Na hanggang sa mga puntong yun eh wowonder parin talaga ako kung sino yung dumating? X~X~X "Maaa nandito na ako!" Wika ko pag pasok ko ng bahay. Kasalukuyan akong nag tatangal ng aking sapatos sa may pintuan ng may nakita akong isang sapatos na naroon. Balat ito. Na halos malaki. At eto pa. Ang pinaka matindi sa lahat eh sapatos ito ng lalaki. Hindi maaari!!! Sigaw ko sa aking isipan. Kaya naman eh nag punta ako ng sala. Buhat doon ay nakita ko si Mama na may kausap na lalaki. Sapalagay ko eh nasa kwarenta na ito at maayos ang pananamit. Napatayo si Mama ng nakita ako. kasalukuyang nakatalikod ang lalaking ito sa pwesto ko. Kaya naman eh unti unti siyang humarap sa akin. Sabay bitaw ni Mama ng. "Ernesto anak ko." Sabi ni Mama sabay flif ng kanyang buhok. KAARTE!!!! "Hi!!! po!" Wika ko sabay asong ngiti.  Tinaas ni Mama ang kanyang kamay na parang sumesenyas. Sabay sabing. "Tommy. Magbihis ka at sumabay ka na sa aming kumain." Wika nito. Medyo tinignan ko muna si Mama ng matagal bago ko sabihin ang salitang "Opo sige!" Agad na akong umakyat ng kwarto at sinarado ito. "Mama mama mama!" Paulit ulit kong sabi. "Bakit kayo ganyan!!!???" Biglang kong sigaw habang nakahiga sa may kama ko. Naghiwalay na kasi sila mama at papa last year. Yung ang dahilan kaya ako nandito sa poder ngayon ni Mama. Maayos naman sila dati until nangati si Papa. Kaya yun humanap ng ibang kweba. "Tommy bilisan mo diyan!!" Sigaw ni Mama sa akin na nagmumula sa may baba. "Opo!' sagot ko naman. Agad na akong nag bihis. Medyo pinili ko ang pinaka maayos kong pambahay para pagbinyan ang gusto ni Mama. X~X~X "Are you okey anak?" Tanong sa akin ni Mama. Habang nahuli niya akong nakatingin kay Ernesto habang kumakain.  Sa totoo lang eh may itsura naman tong si Mr. Ernesto eh. Kaya lang syempre gusto ko ring maka siguro sa kung anong intensiyon kung meron man nito sa mama ko. Aba mahirap na eh. Sa panahon kasi ngayon eh marami ng manloloko. "Ahhm wala po." Wika ko habang pinagpatuloy ko ang pag kain. Talagang pinagluto ni Mama si Mr. Ernesto sa bahay. Puro masasarap na putahe ang inihain niya ngayong araw. Talaga naman oo!!! " Ahmm saan kayo ma nagkita ni Mr. Ernesto?" Tanong ko pagkatapos ng una kong subo. Nagpapacute si Mama. Sarap kurutin sa singit. Feeling siguro niya eh siya yung nasa drama na katorse. Medyo napapangiti pa ito at tinatapik ang balikat ni Mr. Ernesto habang tumatawa. Kainis. "Ahhh anak nagkakilala kami 2 weeks ago sa may palengke. "Ahhh ganun po ba?" Sagot ko. Pero hindi na ako nakatingin. "So pano po kayo nagkakilala?" Fallow up question ko. Ulit niyang tinapik ang nalikat ni Mr. Ernesto sabay parang nahihiya. Nakakainis!!! Bumubulong pa ito pero rinig naman. Sabi nito na. "Sasabihin ko ba?" Agad namang sagot ni Mr. Ernesto na. "Oo sabihin mona!" Na pabulong din. "Ahmm anak kasi ganto yun eh. nag lalakad ako sa may palengke ng naholdap ako. Tapos..." Pagpuputol niya. "Tapos eh biglang dumating itong si Ernesto. Yun he save my life." Sa kanyang pagpapatuloy. "Parang yun lang eh nahihiya pang sabihin." Pabulong kong sabi. "Ahh anak may sinasabi ka?" Tanong ni Mama. "Ayyy wala po.'' Bigla ko namang sagot. X~X~X Kinabuksan sa may school. HInanda ko ang aking sarili para sa isang misyon.  "Oii dude parang matamlay ka?" Tanong ni Mokong sa akin. "Ahhh kasi si Mama eh..." Pagpuputol ko. "Bakit nahuli kang may ginagawa sa kwarto mo???" Excited nitong tanong habang lumalaki pa ang mata. "Oii hindi no!!!" Sa pasigaw kong sagot. "Eh ano nga???" Pagtatanong niya ulit. "May bagong bf si Mama." Sa mahina kong boses. "Wow ahhh. Katorse ha ha!" Tawa ni Arthur. "Eh bakit ka malungkot." Tanong pa nito. "Masaya ako para kay mama. Pero parang nagdududa ako sa lalaking yun." Sa pagmamaasim kong mukha. Tumayo si Mokong sa harapan ko. Inayos niya ang kanyang bag at nag suot ng shades.  "So dude anong plano mo?" Sa mala imbestigador na boses. Ang aming next stop eh sa Clara Ole restaurant. Isang kilometro lang ito sa school namin saka pwedeng lakarin kaya pabor sa plano ko ngayong araw. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako pupunta rito no? Para imbestigahan ang bagong bf ni Mama. Habang nasa C.R. Kasi si Mr. Ernesto ay kinuha ko ang kanyang cellphone at tinignan ang mga message niya. And shoot. 4:00 pm sa Clara Ole restaurant ay may kakatagpuin siyang babae. Take note BABAE. Nako ahhh. Nakakaamoy ako ng isda. Agad kaming nagpunta ni Mokong sa Clara Ole store ng mas maaga sa alas kwatro. Talagang inagahan namin para wala kaming oras na papalampasin. Gusto ko kasing ma videohan ang pagpasok niya rito at hanggang pag labas. "Wala pa ba dude nagugutom na ako." Pagrereklamo sa akin ni Mokong habang nakahawak sa tiyan. "Adik ka. Wala pa nga tayong 10 minutes na nandito eh. Gutom ka kaagad." Sabi ko. Hanggang walang anu anoy mula sa di kalayuan ay biglang dumating si Mr. Ernesto. Naglalakad palang siya papunta sa may loob ng restaurant ay tinapik ko na si Mokong para simulan na ang pag record ng video. (Cellphone video lang po ang gamit namin.)  Pagpasok nito sa loob eh agad nitong nilibot ang kanyang mata. At ng nahaap na ang kakatagpuin eh pinuntahan niya ito. At agad silang ng beso. "Dude mukang ginogoyo lang nito yung mama mo ohh. Tignan mo ng kiss pa sila nung nag kita." Puna ni Arthur. "Tumahimik ka diyan. Mag video ka lang." Sa paguutos ko. Halos isang oras din silang naroon. Wala silang ginawa kundi mag tawanan. Magbulungan at magtinignan sa mata. Punyemas talaga ngang niloloko lang nito si Mama. Tinawag na ni mr. Ernesto ang waiter at kinuha na nito ang bill. Ibig sabihin nito na papaalis na sila. Pero papayagan ko ba silang umalis. Syempre hindi. "Lika na Arthur at harapin na natin sila." Sa pagalit kong sabi. "Seryoso ka dude." Sabi ni Arthur na napatayo na. "Bakit muka ba akong nag bibiro." Wika ko na papatawid na nag kalsada. Matapang akong tumawid ng kalsada. Hinanda ko na ang video na ipapakita namin kay Mr. Ernesto pa nag deny ito. At ang suntok kung kinakailanagn. (Ang tapang ko!) Bigla akong pumasok ng restaurant. Halos kumalembang ang pintuan nito sa lakas ng impak ng pinto na tumama sa may bell. KLING KLIG KLING! Sa likod ko naman ay si Arthur na todo ang yabang sa mukha. Wala kaming habas na pinuntahan ang pwesto ni Mr. Ernesto. Pumewang pa ko para complete sa acting. Sabay sabing. "Niloloko mo ang mama ko!" Sa mataas na tono. Agad na huminto ang oras. Lahat ng tao ay nakatingin lang sa akin. Habang ang iba ay hindi mapigilang mag bulungan. "Tommy anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mr.Ernesto na bakas ang pag ka bigla.  "HInda na po mahalaga yon basta sagutin ninyo ang tanong ko. Niloloko nyo ba nag mama ko?" Sa king pag uulit. "Teka teka let me explaine!" Wika ni Mr.Ernesto na naka pigil sign ang kamay. Marami naring nanonood sa may bintana ng restaurant. Para silang nanonood ng sabong sa may loob. "Ernesto whos this boy?" Tanong ng babae. Aba at pa english english pa ito. Ano kayang nakita ni Mr. Ernesto rito at nagawa pa niyang mag two timer??? "Betina. Anak siyang ng Girlfriend ko." Sagot naman ni Mr. Ernesto. "So He is the boy na kinekwento mo sa akin na mabait?" Wika ni Betina sa pagataka. "Yes tita!" Sabi ni Mr. ernesto. Ano raw tita??? Anak ng tupa naman oo! Tita niya pala ito ehhh. Agad akong napatanga sa narinig ko. Napalunok ako at hindi ko alam angsunod na gagawin. Hinihimas himas lang ni Arthur ang likod ko habang ako naman eh parang na freeze sa sobrang hiya. Para akong lumiliit. "Nako sorry po." Paghingi ko ng tawad kay Mr. Ernesto. "Tsk tsk tsk! Ikaw talaga Tommy ohh." Nakangiwing sabi ni Mr. Ernesto. Tapos na ang tensyon sa may restaurant. Aalis na sana kami ng niyayay kaming isama ni Mr. Ernesto sa kanilang table. Ang dami niyang inorder. Halos kainin naman ito ni Mokong samantalang ako eh nakatungo lamang. "Tommy. Ayaw mo ba ng pagkain?'' Tanong ni Mr Ernesto sa akin. "Ho!" Tanging nasabi ko na nahihiya parin akong tumingin sa kanila. "Alam mo iho Ilike your attitude earlier. Pinakita mo lang na mahal mo ang mama mo." Wika ni Mrs. Betina sa malumanay na boses. " Tama nga si Ernesto na mabait kang bata." Sabay ngiti nito. Unti uti akong tumingin sa mukha ni Mrs. Betina kahit na medyo nahihiya pa. Yung pag ngiti niya at ni Mr. Ernesto eh parang nag sasabi na okey na wag kanang mahiya saka parang sinasabi nila na "Tommy welcome to the familly." ^__^
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD