Kabanata 1

1985 Words
Nangangalaiti ang matandang Mr. El Cuangco nang hindi niya nananaman ma-contact ang numero ng kanyang kaisa-isang apo, na siyang inaasahan niya sanang maging katuwang sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. “Damn that bastard! Nakaturn-off nanaman ba ang cellphone niya, o di kaya’y nagpalit siya ng numero? Bakit hindi ko man lamang siya magawang makontak,” reklamo nito habang binababa ang kanyang selpon matapos i-attempt na tawagan ang apo. Sanay na sa ganitong pangyayari, minabuti ng sekretarya ni Mr. El Cuangco ang i-search at i-check sa kanyang desktop ang nangyari sa numero ni Maxen, ang ever wild, adventurous, at happy-go-lucky na tagapagmana ng El Cuangco Telecommunication Corporation. Matapos ang ilang loading at buffering sa monitor ay sa wakas lumabas na sa advanced search engine ng company desktop ang data related sa customized sim card number ng binatilyo. “40° 41’ 21.2892” N (latitude) 74° 2’ 40.2072” W (longtitude)… Liberty Island, New York Harbor… Statue of the Liberty!” masiglang asik ni Mr. Gano, ang computer genius na sektarya ng matanda, nang ma-trace niya ang lokasiyon ng binatilyo. “Sus marsyosep! At talagang nasa America pa talagang ang binatang iyon, kahit sa mismong kaarawan ng natatanging kapamilyang natitira siya,” dismayadong reklamo ng matanda habang hindi maiwasang mapaupo sa swivel chair nito at mapabuntong-hininga. Nasa ika-pitumpu’t (70) taong gulang na siya at nais niya na talagang magretiro, kung hindi lamang sa sobrang pagiging carefree ng kaisa-isa niyang apo. Napakuyom siya ng kamao. He isn’t getting any younger. Kung magpapatuloy ang ganitong ugali ng kanyang apo, hindi imposibleng gumuho ang halos mag-aapat na dekadang kumpanyang pinayaman at pinayabong ng kanilang mga ninuno. Old Mr. El Cuangco knew in himself na kailangan na niyang umaksiyon upang agapan ang problemang yaon. At wala siyang ibang maisip na paraan kundi ang i-settle na ito sa isang babae, at bumuo ng pamilya. He hopes na by doing so, matututunan na ni Maxen ang magseryoso sa buhay at tuluyan ng maging responsible para manahin ang El Cuangco Telecommunication Corporation, ang No. 1 leading Telecommunication Company sa bansa na nagmamay-ari ng halos labindalawa (12) pang subsidiary companies. “Maxen Rocco El Cuangco...” matigas na panimula ng matandang Mr. El Cuangco habang bahagyang nanliliit ang kanyang mga mata at nagsasalubong ang kanyang kilay. Ramdam ni Mr. Gano ang seryosong aura ng kanilang chairman. “You better get back here in the Philippines and do as I say, or else I will disown you at tanggalan kita ng mana,” dagdag pa nito tsaka bumaling sa sekretarya niya. “Get this message to my apo by hook or by crook!” pag-uutos ng matanda kay Mr. Gano. Tumango ang sekretarya at nagsimulang mag-type sa kanyang desktop. “What’s left to do is to find a suitable match,” ani pa ng matanda na may suot na ngisi sa kanyang mga labi. El Cuangco Corporation is a trillion dollar worth of company. Of course, maraming gugustuhing magpakasal sa kanyang apo kung ia-announce sa publiko ang search for bride nito. At para siguraduhing dekalidad at matatag ang babaeng magiging asawa ng tagapagmana ng kumpanya, mayroon siyang planong nakahanda. Magpapanggap siyang siya ang magiging groom na naghahanap ng mapapangasawa at tignan kung may gusto pang pumatol sa isang matandang katulad niya. Ang susunod na magiging Mrs. El Cuangco ay dapat determinado at may kakayahang magsakripisiyo alang-alang sa pangarap at kapangyarihan. Who among the heiress of their subsidiary companies will be bold and willing to sacrifice their youth to an old man like him? Whoever will, proves worthy to have his grandson and bear their proud and powerful family name. *** Sa kabilang banda, nagkakagulo ang mansiyon ng mga Fernillo dahil sa patung-patong na utang na kanilang kinakaharap dulot ng pagiging incompetent ng padre de pamilya at CEO ng Fernillo Printing Press Company, isang subsidiary company na under sa El Cuangco Corporation. “I can’t believe this! Sobrang baba ng returns/profits natin ng limang magkakasunod na buwan. Normal lang naman ang takbo ng sales. Hindi man tumaas, hindi rin naman bumaba ngunit walang pumapasok na net income. Ano bang nagyayari?!” diskumpyadong pasigaw na tanong ni Mrs. Fernillo sa asawa na nakahalumbaba sa may working table niya sa kwarto. Lumung-lumo ito sa nagiging resulta ng mga naging desisiyon niya sa mga librong ipina-publish. Ang inaakala niyang magiging best sellers sana ay naging mediocre sales lang. Katamtaman lang ang bilang ng mga librong binibili sa in-offer-an niya ng malalaking bayad para lamang i-publish. Ang naging labas ay masiyadong mas mataas ang inilabas niyang pera kaysa sa napagbebentahan nila. At para pagtakpan ang kapalpakan niyang ito ay nagawa niyang pekehin ang monthly report na pinapasa niya sa board of directors upang hindi mapahiya. Para pagtakpan ang kanilang lugi ay napipilitan siyang kumuha mula sa personal niyang saving para isalba ang reputasiyon ng kanilang family company hanggang sa mapilitan na siyang mangutang sa mga banko nang paulit-ulit nanaman itong nangyayari. “Dante ipagtapat mo nga sa akin ang lahat,” mahinahong pagtatanong ni Myrna sa asawa nang mapakalma na ang sarili. Batid niyang may mabigat na bagay ang itinatago ng mister na hindi niya magawang masabi sa kanya kung patuloy siyang magagalit. Noong gabi ring iyon ay ipinaliwanag ni Mr. Fernillo ang tunay na kaganapan ng kanilang kumpanya. Natural lamang na nagalit ang kanyang asawa ngunit wala rin siyang magawa. Ngunit noong parehong gabi rin iyon ay nakatanggap sila ng mail message mula sa Office of the Chairman patungkol sa paghahanap nito ng mapapangasawa. Labag man sa kanilang kalooban ay tinanggap nila ang paanyaya ng matanda na ipakasal ang kanilang pinakamamahal na anak sapagkat malinaw na mga tagapagmana ang hinahanap nila. Kinaumagahan ay namimilog ang mga mata ni Mr. Fernillo nang makita ang notification sa kanyang selpon. ‘98, 578. 40 Pesos is being charged into your credit card by Levisha Fernillo at Dolce & Gabbana Boutique – Vestria Branch.’ “What the hell?! Did our Levisha just gone for a shopping spree now?” gulat na ani ng ginoo na ngayon ay nanlulumo na sa mga pagwawaldas ng kanilang anak na hindi aware sa tunay na kalagayan ng kanilang pamilya. Bumangon naman ang kanyang misis at tinignan ang screen ng selpon ng asawa. Sakto ring may sumunod pang notification ang dumating. ‘5, 789 Pesos is being charged into your credit card by Levisha Fernillo at Starbucks – Vestria Branch.’ “Did she just spent thousands for a coffee?” curios na tanong ni Mrs. Fernillo sa sarili tsaka mag-sink in sa utak niya ang posibilidad na baka nanlilibre nanaman ng barkada ang anak na dalaga. Levisha Fernillo, being the most loved daughter, sure is a show off. Ugali niyang mag-display ng yaman sa kanyang mga kaibigan. If only, hindi lamang nagkaganito ang sitwasiyon ng pamilya ay hindi na sana mag-aatubili pa ang kanyang inang pigilan siya. Mabilis na tinawagan ng ginang ang numero ng anak na kaagad rin naman nitong sinagot. “What’s up, mom?” bungad ng anak na halatang nasa gitna ng mga maraming tao. Marahil ay ang kanyang mga barkada ang maingay sa background. “Where are you?” tanong ng kanyang ina na bumebwelo pa kung paano niya ito papauwiin. Hindi niya kasi nakasanayang pigilan ang pag-e-enjoy ng anak kasama ang kanyang mga kaibigan. It has always been, what Levisha wants, Levisha gets. “Oh! We are at the mall. We just came out from Starbucks. My friends and I are having an early mall tours around Vestria,” sagot ng anak. “Please come home, baby. We have an important matter to discuss,” pagsusumamo ng ginang ngunit kagaya ng inaasahan ay hindi siya nito pinagbigyan. “Oh! Come one, mom. We can talk about it after I am done having fun here.” “But Levish dear importante ang--” Hindi na natapos ng ginang ang sasabihin ng p*****n siya ng linya. “What did she say?” tanong ni Dante sa asawa nang makita ang ekspresiyon nito. “She’s not coming. I guess we have to go on and seal the marriage arrangement without the personal consent of our lovely daughter. Hindi rin naman natin masusuportahan ang lifestyle niya kung hindi natin papatulan ang offer ng chairman,” kagat labing pag-aamin ni Myrna sa kakulangan nila bilang mga magulang. “This might seem to be selfish for us, parents but… walang tayong choices,” dagdag pa ng ginang. Nakonsensiya naman ang mister. “This is all my fault. If only naging mas reliable pa akong CEO, hindi sana tayo darating sa puntong ito,” pagsisi ni Dante sa sarili. Tinapunan lamang siya ng masamang tingin ng misis at tsaka bumuntong-hininga. Sakto namang may kumatok sa may pintuan ng kanilang kwarto. “Mom, dad… I have brought you your breakfast. Baka po pagod kayo sa trabaho at tinatamad kayong bumaba,” ani ng boses ng isang blonde na babae sa labas na may tangkad na 5’4’’, katamtamang hinaharap ngunit may malapad na balakang, at higit sa lahat ay may maamong pagmumukha. Hindi maiwasang mapa-roll eyes ng ginang. “Kung sana lamang pwede ang anak mo na lang sa labas ang ipakasal sa matandang mama na iyon at hindi ang ating anak na si Levisha,” anito na hindi na nag-atubiling i-keep sa sarili ang hindi kanais-nais na pag-iisip. Hindi na lamang kumibo si Mr. Fernillo sapagkat batid niyang kasalanan niya ang mangaliwa habang mayroon na siyang pamilya. Naiintindihan niya ang pinagmumulan ng pagkadisgusto ng asawa sa kanyang anak. Tumayo siya at binuksan ang pintuan. “Good morning, dad,” bati ng dalaga sa ama na may matamis na ngiti sa labi. “Good morning too, mom,” pagpapatuloy pa nito nang mamataan ang stepmom na nakaupo sa kama. “Ang sipag naman ng anak kong si Hariet,” komento ng ama habang kinukuha ang tray ng pagkain mula sa dalaga. Nasa ika-dalawampu’t isang (21) taong gulang na ito, apat na taong mas bata kaysa sa ate niya Levisha na nasa twenty-five (25) na. “Tama lamang iyan sa kanya. Aba! Dapat lang tumulong iyan sa gawaing bahay para mapagbayaran ang mga pinapakain at pinapadamit natin sa kanya,” pambabara ng ginang na nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Kagat labi na lamang na napapapikit ang dalaga sa sinabi ng ina-inahan. Sa tanang buhay niya, siya na ang kinamulatan niyang maging ina, ngunit magpasahanggang ngayon, hindi pa rin siya nito tanggap. Hindi pa rin siya nito itinuturing na anak kahit anong pilit niyang pagpapakitang gilas dito. Hindi niya rin mawari kung ano ang iniisip ng kanyang ama sapagkat madalang lamang itong magpakita ng emosiyon sa kanya kagaya ngayon. Blanko ang pagmumukha nito at hindi mawari kung kahit papaano ba ay naaawa siya sa kanya o hindi. “Opo. Tutumutulong po ako sa pagluluto nila manang,” tanging sagot ng dalaga sa kanyang stepmom. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang baba at tsaka pilit na ngumiti. Ilang taon na rin niyang nararanasan ang ganitong treatment sa kaniya kaya’t wala ng bago rito. “Siya sige po. Balik na po ako sa baba, mom, dad. Enjoy your breakfast,” huli niyang sabi bago tumalikod at magsimulang maglakad pababa ng hagdan. Pagkatapos mag-almusal at mag-prepare ay tumungo na sina Mr. at Mrs. Fernillo sa opisina ni Mr. El Cuangco upang lagdaan ang marriage arrangement treaty. “The wedding will proceed tomorrow,” serysong ani ng chairman sa mag-asawa. Old Mr. El Cuangco cannot afford to lose any single day na ipakasal na ang kanyang apo once na dumating na siya dito sa Pinas at baka magbago pa ang isip nito at umalis nanaman. Kasalukuyan na siyang nakalulan sa eroplano at mga bandang alas-tres ngayong araw ay lalapag na ang private jet na sumundo sa kanya. Mabibigyan siya ng kunting time para i-settle ang jetlag niya tsaka siya sasabak sa shotgun wedding bukas. Sa wakas, nagagawa ng ngumisi ng matanda sa unti-unting katuparan ng kanyang pangarap- ang ibalik sa tamang landas ang kanyang napaka-happy-go-lucky na tagapagmana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD