Prologue

506 Words
Makakapal na kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, mamula-mulang mga labi na tila ba nanghahalinang hagkan, at matipunong pangangatawan… ito ang mga bagay na pilit linayuan ng tingin ni Hariet nang gabing iyon. Kahit sa isang babaeng katulad niyang walang masiyadong karanasan sa mga ganitong opposite s*x attraction, batid niyang malakas ang datingan ng lalaking kaaasawa niya lang kanina at kasalukuyang katabi sa kama. Masiyado itong nakaaakit at nakahahadlang upang maisakatuparan niya ang planong inatas sa kanya ng kanyang ina-inahan. Kailangan niyang tumakas at iwan ang binatilyo at bumalik sa kanilang mansiyon upang mag-file kaaagad ng divorce at ipalit sa kanyang posisiyon ang kanyang nakatatandang kapatid.   Masakit man aminin ngunit sa tanang buhay ni Hariet ay palagi na lamang siyang nagiging second option. Palaging ang pinakikinggan, pinapanigan, at tinutupad ay ang kagustuhan ng kanyang half-sister na si Levisha, ang kapatid niya sa ama.   At wala rin naman siyang karapatang magreklamo sapagkat isa lamang siyang hamak na anak sa labas. Siya ay bunga lamang ng hindi pinahihintulutang affair ng kanyang ama na may asawa’t anak na, at ng kanyang yumaong ina na namatay rin kaagad pagkatapos nitong manganak sa kanya.   Dahan-dahang umupo si Hariet at kinumpirma ang kalagayan ng kanyang katawan. Nakahinga siya ng malalim ng mapagtantong suot pa rin niya ang kulay puting bestida na suot niya kagabi. ‘Birhen pa rin ako.’ Hindi niya maiwasang masabi sa sarili.   Kakikilala pa lamang niya ng binata ngunit batid niya ang kakaibang sensasiyon na tila ba umuugnay sa kanilang dalawa. Atrracted siya rito. Hindi lamang dahil sa napakagwapo nitong pagmumukha; matipunong pangangatawan; at yaman na hindi maiipanpantay sa yaman ng kanilang pamilya, kundi dahil na rin sa respetong kanyang ipinamalas sa unang gabi ng kanilang kasal.   Hindi siya ginalaw nito, at rinespeto ang kagustuhan niyang huwag munang gawin ito. Ang hindi lamang alam ng lalaki ay may balak itong makipaghiwalay sa kanya at naghihintay lamang ang kanyang kampo ng tamang pagkakataon.   Una, kakailanganin niya munang bumalik sa mansiyon ng mga Fernillo at makipag-ugnayan sa kanyang mga magulang para sila na ang umayos ng mga kakailanganing papeles. Lubhang dependent at masunurin ang dalaga sa naisin ng kanyang stepmother, sa pagbabakasakaling magawa siya nitong matanggap bilang isang tunay na anak kagaya ng pagtanggap niya sa ate niya Levisha.   Pasan ang mabigat na kalooban ay pilit siyang tumayo sa kama at nagsimulang humakbang patungo sa may pintuan. ‘This is for the better,’ pagkumbinsi niya sa sarili. Levisha would do a better wife than her kapag hiniwalayan na niya ito.   Kung tutuusin nga ay isa lamang siyang second option para kay Maxen. Hindi talaga siya ang magiging bride nito… ngunit sa kaparehong dahilanan na palaging nangyayari noon pa man, palagi siyang inaatasang saluhin ang responsibilidad ng kanyang ate.   Hindi na mahalaga kung papayag siya o hindi sapagkat hindi rin naman siya binibigyan ng pagkakataong tumanggi. Kung ano ang gusto ng kanyang kapatid ang siyang nasusunod. Kung hindi niya naman ito gusto, kay Hariet napapasa ang obligasiyong gawin ito.   Kagaya na lamang ng araw na iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD