Chapter Forty-five "Ba-bye, dagat!" todo kaway na ani ni Avery habang palayo na kami sa cottage. Pauwi na kami. This time ay sa sasakyan na ni Mackenzie sasakay ang bata dahil may ibang lakad pa si Prim at Dorcas. "Lia, una na kami," paalam ng kaibigan ko sa akin. "Ingat. Dorcas, dahan-dahan sa pagmamaneho," bilin ko pa rito. "Akong bahala kay Prim," assurance naman ni Dorcas na inakbayan pa ang kaibigan ko. Mas nauna na silang lumakad. Pagdating namin sa parking lot ay palabas na ang sasakyan nila. Nagmamadali rin kasi sila dahil importante raw ang lakad nila ngayon. Pinagbuksan ako ni Mackenzie ng pinto. Nauna akong sumakay at nagsuot ng seatbelt. Nang nag-angat ako ng tingin ay nakita kong hinahabol ni Mackenzie si Avery na tinatakbuhan siya. "Avery, let's go na," tawag ni Ma

